He has his own set of friends. I have mine. Baka lang magtaka yung iba kapag biglang close na kaagad kami kapag nakita nila.

"Fierro!"

Napalunok ako nang marinig mula sa barista ang pangalan niya. Narinig ko ang pag-usog ng upuan bago siya tumayo. Nang maglakad na siya palayo, tumingin ako sa kan'ya.

"Bakit ba ako kinakabahan ngayon?" bulong ko sa sarili.

Ibinalik ko na ulit ang atensyon sa dino-drawing. Gusto kong mag-focus dito kaso hindi ko na magawang hindi mailang dahil hindi naman ako sanay nang may kasama dito sa coffee shop! Wala ngang sumasama sa akin dito sa mga kaibigan ko dahil hindi naman sila mahilig sa coffee.

Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang pag-upo ni Fierro sa harap ko. Nang maibaba niya sa table ang espresso niya, nagsalita siya.

"Anong dino-drawing mo?"

I shrugged. "Ito lang yung pumasok sa isip ko."

Bahagya siyang tumawa. "Parang sa Kapehan 'yan, ah?"

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "Huh?"

Bahagya siyang ngumiti sa akin bago ipinatong ang hintuturo sa sketch pad. "Ito yung free wall for vandalism doon, 'di ba?"

Napaawang ang bibig ko nang ma-realize na, oo nga! Yun nga pala ang dino-drawing ko! Paano niya naman nalaman kaagad?! Kunot-noo akong tumingin ulit sa kan'ya.

"Bakit?" natatawang tanong niya bago humigop sa kape.

"Ang bilis mo namang nahulaan. Ako nga, hindi ko alam kung ano itong ginagawa ko."

He chuckled before pointing on the sketch pad agad. "This part. Fuck this coffee shop. Hindi ba't yan ang isinulat n'ong lalaking pumasok noong nandoon tayo?"

Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagtango nang mapagtanto na tama nga siya. Nakalimutan ko na rin kasi ang tungkol doon. Masyado akong maraming iniisip para isipin at alalahanin pa ang mga ganitong bagay.

"Okay ka na ba?" he asked.

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "Huh? What do you mean?"

Nagkibit-balikat siya bago kinuha ulit ang espresso. "It's been three weeks since you went there. Hindi ka na ba ulit bumalik doon?" He sipped on his espresso once again.

Napanguso ako bago kinuha rin ang kape at humigop. Nang matapos, napabuntonghininga ako kasabay ng pagbaba nito sa lamesa.

"Gusto kong bumalik kaso no chance. More than two weeks nang nasa bahay si Daddy naglalagi. Hindi ako makatakas."

Nangalumbaba siya sa lamesa. "Bakit kailangang tumakas?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman ako papayagan n'on."

Napatango-tango siya bago sumandal sa sandalan ng upuan. "Hintayin mo na lang kapag p'wede na."

Tumango ako nang bahagya. "Ano pa nga ba?" Napabuntonghininga ako bago nangalumbaba at ipinagpatuloy ang dino-drawing.

"So . . . kumusta ka the past weeks?" he asked.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya saka ngumiti nang bahagya. "Ayos lang naman. Parang tulad lang ng dati. Medyo nalulungkot lang ako kasi hindi na namin masyado nakakasama si Mona sa lunch. Naging close na sila ni Caleb."

Tumango-tango siya. "Do you like hanging out with her?"

I nodded slightly, still in the same position. "Makulit siya at curious sa mga bagay." I chuckled but it faded eventually. "Kaso, feeling ko, may problema siya. Gusto ko sanang maramdaman niya na nandito lang ako sa tuwing kailangan niya."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now