Chapter 53

71 3 0
                                    

 

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

 

“Calista . . .”

Nag-angat ako ng tingin sa tumawag ng pangalan ko. Naupo siya sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko.

“I’m sorry, ngayon lang ako.”

Umiling ako. “Bakit nandito ka? You should be studying.”

Umiling din siya bago ako hinila papalapit sa kan’ya. Niyakap niya ako. “Wala akong pakialam sa lahat ng bagay ngayon. Kailangan mo ako.”

Matapos niyang sabihin ’yon, umagos ang mga luha ko. Ipinikit ko ang mga mata bago isinubsob ang mukha sa dibdib niya.

“Wala na si Daddy, Fierro. Wala na ang daddy ko,” paulit-ulit na sabi ko.

Hinagod niya rin nang ilang ulit ang likod ko para kumalma ako pero wala siyamg sinasabi.

“Fierro, wala na si Daddy. Paano na kami ni Mommy?”

Humigpit ang yakap niya sa akin. “Nandito ako. Nandito kami para sa inyo.”

Ilang minuto pa akong umiiyak bago niya ako napakalma. Matapos n’on, pareho lang kaming tulala sa harap ng chapel kung saan nakaburol si Daddy.

“A day before ako umuwi ng Pilipinas, Daddy asked if he could talk to me. Alam ko na kung ano ’yon—tungkol ’yon sa pagpilit niya kay Mommy na ituloy yung pagbubuntis sa akin. I know that he knows that I am angry at him. Simula noon, hindi ko na siya kinakausap at kapag nasa bahay siya, hindi ko siya pinapansin.”

Nagsimula na namang uminit ang sulok ng mga mata ko.

“Noong gabing magkausap kami bago ako umalis ng US, sinabi ko na selfish siya. Na sinira niya ang buhay ni Mommy. Na . . . nagsisisi ako kung bakit siya ang naging daddy ko.” Muling nagsiagos ang mga luha mula sa mga mata ko. “Hindi ko man lang nabawi lahat ng masasakit na salitang sinabi ko bago siya nawala. Fierro, ang bata pa ni Daddy. Bakit gano’n?”

Niyakap niya ulit ako at muling pinakalma.

“Baka hanggang doon lang talaga ang buhay na ibinigay sa kan’ya.”

I sniffed. “Bakit ang bilis? Bakit mas nauna pa siya kaysa sa mga sobrang tanda na? Wala pang forty si Daddy. Bakit ang bilis niyang nawala?”

He sighed. “I’m sorry, Calista. Hindi ko alam ang sasabihin ko.”

Matapos niyang sabihin ’yon, hinigpitan niya ang yakap sa akin, dahilan para mas lalo akong maiyak.

Nang mga sumunod na araw, dumalaw rin sina Caleb at Solari pati si Tita Luna, tapos si Frieda kasama ang ibang high school classmates namin. Hindi sila nagtagal dahil may pasok pa at sa Manila nakaburol si Daddy. Hindi ko rin naman in-expect na magbibigay sila ng oras sa akin.

Umaalis din si Fierro tuwing may klase siya. Nag-insist siya na a-absent para samahan ako dito pero hindi ako pumayag. Sinabi kong mag-aaway kami at hindi ko siya kakausapin for the whole month kapag ginawa niya ’yon.

Love At The Coffee ShopOnde histórias criam vida. Descubra agora