Chapter 36

73 1 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Hindi na rin ako pumasok sa school buong araw. Bago umalis si Solari para pumasok sa university, pinahiram niya ako ng damit na pamalit saka pinagpahinga sa k'warto niya. Natulog lang ako ro'n nang natulog hanggang sa nagising na lang ako, nalaman kong hapon na pala.

Lumabas ako ng k'warto ni Solari at bumaba. Nakita ko si Tita Luna na kausap si Tito Celso sa living room. Nang makita niya ako sa hagdan, nagpaalam siya sandali sa kausap bago tumayo at lumapit sa akin.

"Gising ka na pala, anak. Halika, kumain ka na muna," sabi ni Tita Luna.

Ngumiti ako bago sumunod sa kan'ya papunta sa dining area. Pinaghila niya ako ng upuan saka ako pinaupo ro'n bago niya ako pinaghanda ng pagkain. Naglagay siya ng plato sa harap ko saka nagsandok ng pagkain dito.

"Kumain ka, Calista."

Tumango ako bago hinawakan ang kutsara't tinidor saka nagsimulang kumain. Bumalik siya sa living room para kuhanin ang iPad niya bago bumalik sa dining area saka naupo sa harap ko. Sa kalagitnaan ng pagkain ko, narinig ko ang tunog ng Candy Crush.

"Calista, anak . . ."

Nag-angat ako ng tingin kay Tita Luna. Nasa screen pa rin ang atensiyon niya, naglalaro, habang kinakausap ako.

"Alam kong nakakagalit ang mga ginagawa ng mommy mo sa 'yo, pero 'wag mo siyang iwanan. Magalit ka pero 'wag kang magtatanim ng sama ng loob sa kan'ya. Sabihin mo sa kan'ya lahat ng sama ng loob mo. Maiintindihan niya 'yon. Mabait ang mommy mo. Marami lang talaga siyang pinagdaanan noon kaya gan'yan siya ngayon."

Nangilid ang mga luha ko bago kinuha ang baso na may laman na tubig saka ininom 'yon.

"Hindi naman na po ako galit sa kan'ya. Naiintindihan ko na po siya." I sniffed. "Nagagalit po ako kay Daddy . . . pati sa mga lolo't lola ko na tinrato nang gano'n si Mommy. Kung paano nila siya kinulong sa bahay para alagaan ako dahil lang . . . babae siya . . . at siya ang nanay."

Mabilis na nagsitulo ang mga luha ko dahil sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nai-imagine lahat ng pinagdaanan ni Mommy. Ayaw ko na sana pero hindi ko na yata magagawang kalimutan 'yon.

"Nagagalit po ako kay Daddy kasi . . . kung mahal niya si Mommy, bakit niya hinayaang masaktan siya nang gano'n? Bakit hinayaan niyang tratuhin siya nang gano'n?" I sobbed. "At bakit hindi na lang siya pumayag na ipalaglag ako? Pangarap at buhay ni Mommy ang nasira dahil nabuhay ako."

Nagbuntonghininga si Tita Luna. "Anak, hindi gano'n 'yon. Maniwala ka, hindi gano'n 'yon."

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Eh, ano po pala? Si Mommy na po ang nagsabi. Ako po ang dahilan kung bakit nasira ang buhay niya—kung bakit hindi po natupad ang pangarap niya. Hindi po natin p'wedeng baliwalain ang mga sinasabi niya kasi siya po ang nakaranas ng lahat ng sakit na 'yon. Siya po ang biktima."

Napalunok si Tita Luna at hindi na nakapagsalita pa. Nakita ko ang awa at lungkot sa mga mata niya pero hindi ko na lang pinansin. Umiyak na lang ako nang umiyak sa harap ng pagkain. Wala naman din akong ibang magawa kung hindi ito lang.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now