Chapter 63

79 2 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Dumating ang araw ng medical mission namin sa Zambales kaya naman nakaipon kami sa lobby ng hospital at hinihintay ang lahat ng mga doctor na dadalhin namin bago kami sumakay sa bus. Nakita ko si Fierro na patingin-tingin sa akin pero hindi ko na pinapansin dahil alam ko, baka nagtataka lang siya na nandito ako.

Nagbuntonghininga ako bago lumapit kay Mommy. "Mommy, mauna na po siguro ako. Hindi ako mag-bus. Dadalhin ko ang sasakyan ko, gusto kong matulog sa bahay natin sa Tarlac."

Tumango siya. "O, sige. Mag-iingat ka. Magkita na lang tayo do'n mamaya."

Tumango ako bago humalik sa pisngi niya saka dumeretso sa elevator para pumunta sa underground parking lot kung saan naka-park ang sasakyan ko. Madilim-dilim pa dahil 5:15 a.m. pa lang. Mahaba ang magiging byahe mamaya kaya kailangan din naming agahan ang alis namin.

Nang makapasok sa loob ng sasakyan, nagsimula na akong mag-drive paalis. Inilagay ko ang buong address ng orphanage sa Waze dahil hindi ko naman kabisado ang daan papunta doon. Lagi lang akong hinahatid ng driver kapag pupunta kami doon ni Fierro dati.

Dahil maaga pa masyado, hindi traffic sa daan kaya naman dalawang oras lang ang nagdaan, nakarating na kaagad ako doon. Matapos kong mag-park sa labas, lumabas na ako. Pinapasok kaagad ako kaagad ng volunteer na tuwang-tuwa nang makita ako.

"Calista, anak! Sa tagal ng panahon, salamat naman at nakabalik ka na!"

Yumakap ako kay Sister Yela bago sumagot. "Pasensiya na ho kung ngayon lang."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Ayos lang! Alam ko namang may malaki kang pinagdaanan habang inaaral ang pagiging doctor." Tumawa siya. "Halika na, naghahanda na kaming lahat para sa pagdating ninyo."

Tumawa ako bago nagpahila na sa kan'ya. Sa open area kung saan namin ginaganap dati ang mga program at pamimigay namin ni Fierro ng regalo, nakahanda ang mga table at upuan na gagamitin ng mga doctor at nurse, pati ng mga orphan na i-ge-general checkup namin mamaya.

Napangiti ako nang makita si Johanna na tumatakbo papunta sa akin. Nag-sign language siya habang nakatitig sa akin ang mga kumikinang niyang mukha.

"Hello! Na-miss po kita! Kilala mo pa po ba ako?" pagkakaintindi kong sabi ni Johanna sa sign language.

Tumawa ako bago nagsimula rin ikumpas ang mga kamay. "Oo naman, Johanna."

Pumalakpak siya habang bahagyang tumatalon. Lalo akong napangiti nang makita na suot niya ang hearing aid na niregalo ko sa kan'ya. Hindi ko binigay personally pero pinadala ko dito kasama ng mga regalo sa orphan. Nakakatuwa lang na hanggang ngayon, gamit niya pa rin.

"Dalaga ka na, ah? Ang ganda-ganda mo na," sabi ko habang nagsa-sign language.

Ngumiti siya nang malawak. "Thank you po! Thank you rin sa hearing aid, nakakarinig na po ako. Naririnig ko na po kayo."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now