Chapter 21

88 3 6
                                    


   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Lumipas ang mga araw, nagbaon na lang ako ng packed lunch kasi nakakahiya naman kung magiging inconvenience pa ako kay Fierro. Ilang beses siyang nag-insist na ipagdadala na lang ako ng lunch box pero hindi ako pumapayag.

Tama na yung minsan na ginawa niya para sa akin. Sinakripisyo niya pa nga ang masarap na pagkain sa cafeteria para kainin din yung pagkain na kinakain ko.

"Medyo nakaka-miss din ang Kapehan Sa Daanan, ha?" sabi ko habang naglalakad kami palabas ng campus dahil tapos na ang klase sa buong araw ngayong Thursday.

Tumingin siya sa akin. "Gusto mong magpunta do'n ngayon?" tanong niya.

Ngumiti ako bago umiling. "T-in-ry ko na pumunta do'n nang ganitong oras kaso mas gusto ko talaga yung gabi. Walang masyadong tao. Kapag ganito kasi, marami rin estudyante ro'n."

Bahagya siyang tumawa. "Gusto mong masolo yung lugar?"

Natawa na rin ako. "Hindi naman sa gano'n! Parang ang crowded lang sa pakiramdam kapag marami masyadong tao. Kapag puno yung mga table, gano'n."

Tumango-tango siya. "Hindi ka pa ba p'wedeng . . . lumabas mamaya?" nag-aalangang tanong niya. Ibinalik niya ang tingin sa harap saka nagbuntonghininga—nakangiti. "Hindi pa rin kasi ako bumalik doon simula noong . . . naghintay ako."

Napaawang ako ng bibig dahil do'n. Ngayon ko lang naalala na noong gabing naospital ako, nangako akong may sasabihin sa kan'ya—na pupunta ako. Ngayon niya lang din nabanggit sa akin ang tungkol do'n!

"Oo nga pala, sorry ulit do'n!" Nagbuntonghininga ako. "Sorry, matagal ka bang naghintay?"

Tumawa siya bago umiling. "Ayos lang din naman, sanay naman ako sa lugar na 'yon nang mag-isa." Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. "Natakot lang din kasi ako noong gabing 'yon, akala ko may nagawa akong mali."

Nang makarating kami sa sakayan ng jeep, tumigil kami sa paglalakad at naghintay doon. "Sorry talaga. Kahit kasi may means of communication tayo noong gabi na 'yon, hindi kita masasabihan. I passed out. Umaga na ako nagising."

Tumango-tango siya. "Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Hindi mo naman kasalanan. Walang may gusto n'on. Hindi naman mako-control 'yon." He smiled. "At least ngayon, kung sakali man na hindi makakapunta ang isa sa atin, p'wede na nating sabihan ang isa't isa."

Ngumiti ako sa kan'ya. "Pupunta ako mamaya."

Kumunot ang noo niya. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango ako. "Na-exercise naman na ang katawan ko for the past four days at name-maintain ko naman ang mga gamot ko. Medyo marami na rin akong kumain at unti-unti nang bumabalik yung lakas ko. Pupunta ako mamaya."

Kinamot niya ang leeg, mukhang hindi sang-ayon sa desisyon ko. "Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi mo pa kaya. Marami pa namang panahon para pumunta do'n."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now