Chapter 11

90 6 1
                                    

  

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Simula noong araw na 'yon, hindi na ako bumalik pa sa graffiti zone. Hindi ko na rin pinapansin pa si Fierro dahil alam ko na sa puntong ito, wala na yung kung ano mang pagkakaibigan na mayroon kami. Pinagpalit na niya 'yon sa maliit na dahilan lang na hinihingi ko.

Hindi ko naman siya huhusgahan. Kahit naman anong rason ang gawin niya, hindi ko siya basta huhusgahan dahil ang una kong gagawin ay susubukan siyang intindihin. Pero hindi yun ang nasa isip niya.

"Hala, paano yung PerDev n'yo?" tanong ni Mona matapos kong ikwento sa kanila ni Frieda ang kaunting dahilan kung bakit hindi na kami nagpapansinan pa ni Fierro for the whole three days.

"Adik talaga sa PerDev amputa," komento ni Frieda na tinawanan ko.

I laughed. "'Wag kayo mag-alala, balak ko naman nang kausapin si Miss Nimfa later, after class siguro."

Napalingon kaming tatlo sa padarag na pagbagsak ng kung ano sa table. Nakita namin si Fierro na nakakunot-noo bago isinubsob ang mukha sa table. Nakaramdam ako ng lungkot nang dahil do'n, dahil hindi na kami nagpapansinan at hindi ko na siya makausap basta-basta.

At isa pa . . . ni-cancel ko na rin ang friend request ko sa kan'ya sa Facebook. I don't think na i-a-accept niya pa 'yon after everything that happened that night.

"Magpapalit ka ng partner?" tanong ni Frieda.

"Oo. P'wede naman yata, kasi may ibang nakikiusap kay Miss Nimfa about do'n. Baka p'wedeng switch na lang."

Matapos n'on, napalingon ulit kami sa padarag na tumayo na si Fierro saka nagmartsa palabas ng classroom. Natahimik kaming tatlo.

"Nakikichismis ba 'yon?" inosente ang itsura na tanong ni Frieda.

Tumawa si Mona. "Baka malakas ang boses natin? Hindi naman tayo sobrang layo sa pwesto niya at tahimik naman ang iba."

Nagkibit-balikat ako bilang tugon. Bahala siya kung magagalit siya. Basta hindi na lang ako makikipag-partner sa kan'ya sa PerDev dahil wala nang dahilan para magawa pa namin 'yon.

"May tanong ako."

Napalingon kaming dalawa ni Mona kay Frieda. "Ano 'yon?"

Tumingin siya sa akin nang seryoso. "What if may gusto siya sa 'yo at natatakot siyang baka mas masira ang image niya kapag pinaalam niya yung mga bagay na gusto mong malaman tungkol sa kan'ya?"

Para akong nabilaukan nang dahil do'n kasabay ng pag-init ng pakiramdam ko at pagkabog ng dibdib. "H-Hindi naman siguro."

"No, what if lang," pamimilit ni Mona.

Napanguso ako. "Wala namang image na masisira. Sinabi ko naman sa kan'ya, gusto ko siyang mas makilala at hindi 'yon para husgahan siya. Gusto kong mas maintindihan siya."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now