Chapter 08

104 7 0
                                    


    

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

    

Hindi ako nakinig kay Fierro.

Sinabihan niya na akong huwag tatakas at magpaalam kung gustong pumunta sa graffiti zone, pero dahil alam kong hindi ako papayagan ni Daddy kung sakaling gawin ko 'yon, tumakas pa rin ako.

"Pinayagan ka na?" nakangiting tanong sa akin ni Fierro nang makita ko siyang nanggaling sa graffiti zone.

I bit my lower lip. "Uhm . . . h-hindi."

Mabilis na nawala ang ngiti niya. "Halika, iuuwi na kita."

Umiling ako nang umiling. "Ayaw ko, nandito na ako, eh."

Nagbuntonghininga siya. "Mas mahihirapan ka kapag nahuli ka." He gulped. "At baka mamaya . . . mapahamak ka pa ng paglabas-labas mo."

Umiling ako. "Isang taon ko naman nang ginagawa 'to. Bakit ngayon pa ako mapapahamak?" Napalunok ako nang makitang mas naging seryoso na siya. "At isa pa . . . nand'yan ka naman. Hindi mo naman ako hahayaang mapahamak, 'di ba?"

He sighed. "Kahit na. Paano kung wala ako dito? Paano ka?"

"Wala ka rin naman noon, ah? Hindi naman ako napahamak."

His jaw clenched. "Palagi akong nandito. Palagi."

Hindi ako sumagot. Hindi ko na rin naman alam ang sasabihin ko ngayong pinagagalitan niya ako. Parang kagabi lang, sabi niya, gusto niyang maging close friends pa rin kami kahit nasaan man kami.

"Sa susunod na tumakas ka . . . hindi mo na ako makikita dito."

Sumimangot ako nang dahil doon. "Bakit?"

"Maling tumatakas ka."

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Mali rin naman ang ginagawa mo." Napakunot-noo siya. "Nakikipag-away ka palagi, 'di ba?"

I tried to ignore the little wounds I saw in him kahit na nasa school na kami. Kagabi, nakita ko rin na may sugat siya sa leeg, parang kalmot. Pero hindi ko na pinansin kasi pakiramdam ko, masyado akong magiging pakialamera kung sakaling gawin ko.

Pero dahil pinakikialaman na niya ang choices ko sa buhay, siguro dapat ko na rin i-call out yung mga mali na nakikita ko sa kan'ya.

"Ako naman 'to, Calista. Ako naman yung inaaway. Wala namang madi-disappoint sa mga ginagawa ko."

"Ako."

Bahagyang umawang ang bibig niya sa isinagot ko.

"Nadi-disappoint ako kapag nakikita kang may bagong sugat . . . o pasa." Nag-iwas siya ng tingin. "M-Magkaibigan na tayo, 'di ba? Kaya nadi-disappoint ako . . . nalulungkot ako . . . kapag may ginagawa kang ikapapahamak mo."

Nagbuntonghininga siya. "Magkape na lang tayo. Pagkatapos, ihahatid na kita sa inyo."

Tuluyan na akong napasimangot nang tumalikod siya at nauna nang maglakad papunta sa Kapehan Sa Daanan. Pagkarating namin doon, nagkape lang kami sa loob, tapos n'on, inihatid na niya ako pauwi.

Love At The Coffee ShopHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin