Chapter 65

95 3 0
                                    

    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

    

Nang magising ako kinabukasan, ramdam ko ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung dahil nasa dating k'warto ko ako ngayon o dahil ba sa pagkakausap namin kagabi ni Fierro.

Bumangon ako at nag-inat ng braso habang humihikab. Sa gitna n'on ay narinig ko ang pagbukas ng pinto sa k'warto, dahilan para mapalingon ako ro'n.

"G-Gising ka na pala. Good morning." Isinarado na ulit niya 'yon bago pumasok saka naupo sa gilid ng kama ko. "Naghanda ng breakfast si Ate Teresa. Bangon ka na."

Napanguso ako. "Bakit nandito ka pa? Akala ko umuwi ka na kagabi."

He chuckled. "Doon ako natulog." Itinuro niya ang couch sa loob ng k'warto. "Hindi na ako nakapagpaalam dahil pagkahiga mo kagabi, nakatulog ka na."

Tumango-tango na lang ako. Tiningnan ko ang braso at nakitang may mga pintura na kulay green. Bigla kong naalala na sumandal nga pala ako ng ilang beses sa pader na sinulatan ko kagabi. Hindi ko na nagawang linisin.

Napabuntonghininga ako bago tinanggal ang kumot. "Sige na, maliligo lang ako."

Tumango siya bago tumayo na rin. "Hihintayin kita sa ibaba."

Tumango ako bilang tugon saka pumasok sa bathroom. Nang maisarado ko na ang pinto, napahawak ako sa dibdib ko dahil bumalik sa alaala ko lahat ng nangyari kagabi noong nasa graffiti zone kami.

We kissed.

After almost a decade, I felt his lips once again . . . and it's like the first time.

He told me that he still loves me.

As much as I want to believe him because I felt the same way, how can he stay in love with someone who intentionally broke his heart? I have all the reasons to stay in love with him because I've watched him from afar and took care of my love for him. There's no way that he'll feel the same way.

Habang nagsha-shower ako, hindi mawala-wala 'yon sa isip ko. Hindi ko alam kung ano nang mayro'n sa aming dalawa ngayon pero dahil hindi pa naman kami ulit nag-uusap tungkol, siguro wala pa naman.

At kung sakali man, baka kailangan kong sabihin sa kan'ya lahat ng nasa isip ko ngayon.

Nang makapagsuot ng shirt at pants na dinala ko kahapon, lumabas na ako ng k'warto at bumaba. Nakita ko si Fierro na nasa kusina habang si Ate Teresa naman a t ang anak niya ay naririnig kong nag-uusap sa labas tungkol sa hinihingi ng dalaga. Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin at dumeretso na lang sa dining area.

"Halika na, kumain na tayo, Fierro."

Lumingon siya sa akin saka ngumiti. Ilang sandali pa, naglakad siya papalapit sa akin dala ang dalawang latte na ginawa niya. Napalunok ako nang inilapag niya 'yon sa harap ko at nakitang may design na puso sa ibabaw gamit ang milk. Nag-iwas ako ng tingin bago nagsandok ng pagkain.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now