Chapter 34

82 2 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Kinabukasan ng umaga, habang kumakain ng breakfast, nakita ko ang titig ni Mommy sa akin.

"Anong nangyari sa 'yo?"

Napakunot-noo ako dahil do'n. "Huh?"

Itinuro niya ang gilid ng labi ko. "'Yan. Wala naman 'yan kagabi, ah?"

Napaawang ang bibig ko bago hinawakan ang sugat sa gilid nito. Napangiwi ako kasi masakit pa rin yung pagkakasampal ng lalaki sa akin kagabi at medyo makirot yung sugat, pero kung hindi naman hahawakan, ayos naman siya.

"Wala, Mommy."

"Nakipag-away ka?" Napaawang ang bibig ko at handa nang sumagot nang magtanong ulit siya. "Nag-away kayo ni Fierro? Sinaktan ka niya?!"

Sa bawat salita na binabanggit ni Mommy, pataas nang pataas ang boses niya kaya naman lalo akong kinabahan.

"Hindi, Mommy! Bakit naman ako sasaktan ni Fierro?" I chuckled. "May . . . nakita lang ako na binubugbog habang papunta ako kay Fierro. Pinagtutulungan siya. Kaya ayon, tumawag ako ng pulis. Kaso narinig ako ng lalaki, kaya ayon." Pinakita ko yung cellphone kong basag. "Sinapak ako, Mommy. Nabasag ang cellphone ko."

Nagbuntonghininga siya at sa lakas ng sunod-sunod na paghinga niya, alam kong nagagalit na siya.

"Bakit kasi nangialam ka pa sa kanila?!" bulyaw niya sa akin.

Ngumuso ako bago napatingin sa plato ko. "Hindi naman kaya ng konsensiya ko na lampasan sila na parang walang nakita. Hindi ko naman sila inawat. Tumawag lang ako ng pulis."

"Anong nangyari sa mga gangster na 'yon?! Nahuli ba?"

Nagkibit-balikat ako. "Malapit lang naman ang police station kaya kahit na nakatakbo sila, alam kong nahuli sila."

Nagbuntonghininga siya. "Bumili ka ng bagong cellphone mamaya."

Mabilis akong umiling. Ayaw kong maging isa 'to sa mga dahilan para mapasunod niya ako sa gusto niya kaya hanggang kaya ko pa, pagtitiisan ko na lang ang lahat ng mayroon ako ngayon nang hindi humihingi sa kan'ya.

After all, darating din naman kami sa ganito kapag college na ako.

"Hindi na, Mommy." Nagsimula na ulit akong kumain. "Gumagana pa naman. Soft touch pa rin naman. Papalitan ko na lang ng tempered glass para hindi na masyadong halata yung basag."

Hindi siya nagsalita pero ramdam kong nakatitig siya sa akin ngayon. Siguro, naramdaman niya na yung pagtanggi ko, dahil 'yon sa sulat na ibinigay niya sa akin.

Nagpatuloy na kami sa pagkain nang wala nang nagsasalita sa aming dalawa.

***

A week and two days later, dumating na nga ang deadline na sinabi sa akin ni Mommy. Lunes na lunes pero kabang-kaba ako dito sa hapag-kainan habang kumakain ng breakfast kasama siya dahil alam ko na anytime right now, ibi-bring up na niya ang tungkol sa pagdodoktor na pangarap niya.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon