Chapter 58

63 2 0
                                    

   

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

   

Nakita ko kung paano siya mamula, lalong-lalo na ang mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin kasabay ng ilang beses na paglunok. Ilang sandali pa, humugot siya ng malalim na buntonghininga bago tumawa nang mahina.

"A-Ano bang sinasabi mo, C-Calista?" Pilit siyang tumingin sa akin ulit. "M-May problema ba?" Kinuha niya ang kamay ko. "Ayusin natin . . . please."

I sobbed. "Wala naman tayong problema—"

"Kung wala naman pala . . . eh 'di o-okay lang tayo." Lumunok ulit siya bago lumapit pa sa akin. "Kakalimutan ko na lang yung narinig ko, hmm?"

Umiling ako. "Fierro—"

"P-Pupunta pa tayo ng Kapehan Sa Daanan, C-Calista. Magkape ka muna. B-Baka kulang ka lang sa k-kape," pilit na pagbibiro niya.

Wala na akong nagawa nang pinagsalikop niya ang mga daliri namin at nagsimulang maglakad palayo sa graffiti zone. Nagpahila na lang ako sa kan'ya, tutal, ito naman talaga ang plano namin. Pupuntahan namin yung mga minahal naming lugar dito bilang pagse-celebrate ng second anniversary namin, pero sinira ko 'yon.

Nang makarating kami sa KSD, masigla kaming binati ni Barista.

"Oh, nandito na pala ang mga paborito kong customer!" malawak ang ngiting sabi niya. "Maupo na kayo at ihahanda ko na ang iced latte ninyong dalawa—parehong decaffeinated!"

Hindi na kami nagsalita pa, tutal, bakit kokontrahin pa namin 'yon kung may isa pa kaming problema at hand? Naupo na lang kami sa dati naming inuupuan palagi. Kita ko sa bawat pag-iwas ng tingin ni Fierro na nasasaktan siya ngayon. My presence, now, is bringing him pain . . . and I can't stand it.

"Fierro . . ."

He took a deep sigh. "Calista, please. Just don't say anything now."

Napalunok ako kasabay ng muling pag-init ng sulok ng mga mata ko. "Alam ko namang hindi ka manhid at ramdam mong may problema sa akin—"

He glared directly at me, making me stop talking. Lumunok siya bago napasabunot sa sarili saka nagsalita.

"Kaya nga sabi ko, ayusin natin." He heaved a deep sigh. "Kaya nga tinanong kita noon kung may problema tayo kasi . . . kasi aayusin ko."

Umiling ako. "Wala ngang problema sa atin, Fierro. Ako yung may problema, hindi mo ba nage-gets?" My tears started to pool on the corner of my eyes. "Nawawala na yung pagmamahal ko . . . sa 'yo."

Mabilis na tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya matapos kong sabihin 'yon. "P-Paano mo nasasabi nang gano'n kadali 'yan, Calista? Sa tingin mo ba, maniniwala ako sa 'yo? Alam kong minahal mo ako nang totoo noon at—"

"Noon, Fierro. Sigurado akong mahal kita noon." I gulped as my tears fell. "Pero simula noong tinanong mo sa akin kung mahal pa rin ba kita . . . alam mo kung anong naramdaman ko?" He didn't answer. "Na-guilty ako. And from then on, I knew that there's something wrong with me. There is something wrong that I tried so hard to make things right but in the end, walang nagbago." I gulped as my throat started to feel more painful. "K-Kailangan na natin tapusin 'to. Hindi na kita mahal tulad noon."

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon