Chapter 52

58 3 0
                                    

  

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  

Matapos kong magpasa ng leave of absence para sa plano naming dalawa ni Fierro dahil sa nalalapit na pasko, tumingin sa akin nang masama ang manager.

"Calista, alam mong ubos na ang leave mo sa buong taon. Nag-leave ka ng one week noong nakaraan dahil pupunta ka ng US, 'di ba?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ng manager sa akin.

Tumango ako. "Last naman na po. Mamimili kasi kami ng gamit para sa orphanage na sinusuportahan namin ng boyfriend ko."

Nagbuntonghininga si Ma'am Mela. "Wala na akong magagawa, ubos na talaga ang leave mo. Every Saturday naman ang day-off mo, hindi ba p'wedeng gawin n'yo 'yon nang ganoong araw? Bakit linggo pa?"

Napalunok ako. "May pasok po kasi every Saturday ang boyfriend ko. Kaya kailangan ko po yung Sunday na leave."

She sighed. "I can't do anything anymore. You'll be marked absent. Mas okay 'yon kaysa ilagay ko na AWOL ka. Ayos lang ba 'yon?"

Tumango ako nang sunod-sunod. "Ayos lang po."

She sighed. "Sige, mag-time in ka na at magsimula sa duty."

"Maraming salamat po."

Lumabas na ako ng office at dumeretso sa locker room para isuot ang uniform. Pagkatapos, nag-time in na ako at pumunta sa counter para makipag-turn over sa naka-duty na cashier na si Frieda.

"Mag-out ka na?" tanong ko.

Tumango siya. "Oo, mag-under time ako. Marami akong kailangang tapusin."

Tumango-tango ako. Ilang sandali pa, lumapit na sa amin ang isa sa mga manager para buksan ang kaha gamit ang susi niya. Nagsimula na kaming magbilang ng naging benta niya.

For the past few months that Fierro and I were in a long distance relationship, I realized how tough it was for the people who settled for this arrangement. Lalo na't working student ako dahil suportado ko ang sarili ko, ang dami kong napagtanto.

Nakakapagod buong araw pero yung marinig ko ang boses ni Fierro bago matulog, sobrang sapat na para sa akin. Gumagaan ang pakiramdam ko at parang nawawala ang pagod ko.

This is love.

Nang mapag-isip-isip ko lahat ng maliliit na bagay tungkol sa aming dalawa ni Fierro, doon ko nasiguradong 100% sure akong mahal ko siya. At tama si Frieda—hindi sex ang co-confuse sa feelings ko sa kan'ya.

Fierro:

Mauna ka na sa divisoria, kailangan ko lang ipasa 'tong paper works kaagad. I'm sorry. Babawi ako later, okay? I love you.

Ngumiti ako bago nag-type ng reply sa kan'ya.

Me:

Ayos lang! Take your time, nandito naman na ako. Tumawag ka na lang kapag malapit ka na, hmm? I love youuu.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now