Chapter 45

60 2 0
                                    

   Buong byahe yata akong natutulog habang papunta kami ni Fierro sa orphanage sa Zambales

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  
Buong byahe yata akong natutulog habang papunta kami ni Fierro sa orphanage sa Zambales. Medyo nagi-guilty tuloy ako.

Kasi naman, 4:15 a.m. pa lang, gumising na ako! Mahigit 1 a.m. na ako nakatulog kagabi dahil nga lumabas pa ako para sana magpaantok.

Ang sakit sa ulo, nakakaloka.

“Magugustuhan kaya nila ’yan?” tanong ko habang tinitingnan ang mga regalong nasa backseat.

Malapit na raw kasi kami sa orphanage kaya naman ganito na lang ang kaba ko. Natatakot akong baka hindi nila magustuhan yug mga pinamili ko. Ako kasi lahat ang namili; si Fierro, taga-oo lang.

“Oo naman, ’no.” Tumawa siya. “Bigyan mo nga lang sila ng Jollibee toys o foods, sobrang matutuwa na sila, eh.”

Napanguso ako. “Sana talaga magustuhan nila. Pati ng mothers. Pati yung mga sakristan at mga pari. Basta, sana magustuhan nilang lahat.”

Tumawa siya bago ginulo ang buhok ko. “Mababait sila. Promise. Magiging welcome ka kaagad doon.”

Nang makarating kami sa harap ng simbahan, magsisimula pa lang ang unang misa. Malawak ang mga ngiti ng mga taga-church sa kan’ya pero hindi siya kaagad lumapit doon dahil nagpe-prepare na ang mga ito para sa misa.

Hinawakan niya ang kamay ko saka kami pumasok sa loob ng simbahan. Nag-sign of the cross muna kaming dalawa bago naupo sa medyo malapit sa harap ng altar.

“Alam mo ba, bago ako umalis ng orphanage, isa ako sa mga sakristan ng sinbahang ito?”

Napaligon ako sa kan’ya nang dahil doon. “Oh, kumusta naman ang experience?”

“Masaya. Magaan. Parang payapa yung buhay.” Napatango-tango ako. “Kaya rin inialay ko ang lahat ng Linggo ko sa simbahang ito kasi, pakiramdam ko, ang laki ng kasalanan ko sa ginawa kong pag-alis sa orphanage. Nang dahil doon, natigil ako sa pag-serve dito. Lalo na noong nandoon pa ako kay Mama.”

Napatango-tango ako. “Kaya pala. Naiintindihan ko na.” Ngumiti siya sa akin. Ilang sandali pa, natawa ako nang mahina. “Alam mo ba, ito yung bagay na least kong in-expect sa ’yo?”

Tumawa siya. “Bakit naman?”

Nagkibit-balikat ako. “You don’t look religious at all.”

He chuckled. “Siguro, dapat magsuot ako ng rosary para magmukha akong religious, ’no?”

Natakpan ko ang bibig ko dahil sa nagbabadyang pagtawa nang malakas.

“Hindi gano’n!” natatawang sabi ko.

Tumawa siya bago hinawakan ang kamay ko. “Hindi naman talaga ako relihiyoso. Nabasa ko lang ang bible noong nandito pa ako. Nagdadasal lang ako araw-araw at nagsisimba palagi tuwing Linggo pero hindi ko matatawag na relihiyoso ang sarili ko.”

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now