Chapter 48

71 1 0
                                    

   

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

   

Nang makauwi ako sa bahay, una kong hinanap si Mommy. Nakita ko na nasa living room siya at nagtatanggal ng mga suot na alahas, mukhang kauuwi lang din. Mabilis akong pumunta sa kan'ya habang nakakuyom ang mga kamao.

"Mommy!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin, nagtataka dahil sa paraan ng pagkakatawag ko sa kan'ya.

"May problema ba?" kunot-noong tanong niya bago inilagay sa jewelry box ang mga gold niyang alahas.

Lumunok ako habang pinipigilan ang umuusbong na galit sa dibdib ko. "Ano po bang sinabi n'yo kay Fierro? Sinabihan mo ba siya na, para makuha ang boto mo at ni Daddy, kinailangan niyang maging doctor???"

Umawang ang bibig niya. "Ano bang sinasabi mo, Calista? Ano na naman ba itong ibinibintang mo sa akin?" Bakas ang irita sa boses niya ngayon.

I sighed. "Nakapasa siya sa URST—kung saan ka nag-aral noon. Sa university kung saan gusto mo akong mag-aral para maging doctor." I gulped. "Magdo-doctor siya. Hindi niya gusto 'yon. Ano bang sinabi mo sa kan'ya? Dahil ba alam mong Fine-Arts pa rin ang kukuhanin ko, siya na lang ang kinausap mo para pilitin na maging doctor, ha?!"

Tumayo siya para harapin ako. "Wala akong sinasabi sa kan'ya! Bakit hindi siya ang tanungin mo?! Siya ang nagpunta dito, isang araw noong nasa eskwelahan ka! Siya ang pumunta dito para magtanong kung ano ba ang dapat niyang gawin para maging doctor. Sinagot ko lang ang mga tanong niya kaya 'wag mo akong pagbintangan dahil binalaan ko rin siya sa magiging reaksiyon mo kapag nalaman mo ang mga ginagawa niya!"

Mabilis na umagos ang mga luha ko matapos makompirma na hindi nga pinagtatakpan ni Fierro si Mommy. Iisa lang ang sinasabi nila. Mukhang totoo nga na si Fierro ang nagdesisyon ng lahat ng ito.

"Nagtanong lang siya noon kung anong university ang maganda at anong pre-med course ang dapat niyang kuhanin. Tinanong niya rin ang mga dapat paghandaan sa pag-aaral nito sa college. Wala akong ibang ginawa kung hindi sagutin ang mga tanong niya at bigyan siya ng advice dahil yun ang kailangan niya!"

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko. "Mommy, hindi niya ginustong maging doctor . . ."

"Pero gagawin niya para sa 'yo, Calista, kasi mahal ka ng tao!"

"Hindi ko gusto 'yon! Hindi ko gustong gawin niya 'yon, Mommy!" I sobbed. "Ang dami niya pang ibang p'wedeng gawin. Baka may iba pa siyang gustong kuhanin sa college pero hindi niya gagawin dahil buo na ang desisyon niya, Mommy!"

"Sinabi ba niya sa 'yo kung anong gusto niya?" Hindi ako sumagot. Humalukipkip siya habang pinanonood akong umiiyak sa harap niya. "Wala siyang alam kuhanin sa college dahil hindi niya alam kung anong pangarap niya, Calista. 'Yon ang sinabi niya sa akin noong tinanong ko siya kung bakit niya kukuhanin ang course na ipinipilit ko sa 'yo."

Umiling ako nang umiling kasabay ng pagtakip ko ng mukha.

"Hindi ka ba natutuwa? Nang dahil sa 'yo, nagkaroon siya ng gustong gawin sa buhay. Nang dahil sa 'yo, may nabuo siyang pangarap—"

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now