Chapter 40

68 3 0
                                    

  

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

  

Matapos kong ma-picture-an ang result ng scholarship exam namin ni Fierro, umuwi na ako deretso sa bahay. Hindi ko nakita sa labas si Mommy kaya naman nagkaroon pa ako ng kaunting oras para paghandaan yung pagsabi sa kan'ya ng resulta ng exam.

Dinner came and I know, I had to break it to her now.

Ayaw ko nang patagalin pa dahil mas lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko. Mas nahihirapan lang ako.

"Mommy . . ."

Nag-angat siya ng tingin sa akin, hindi nagsasalita kaya mas lalo akong kinabahan. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ibinalik ko na lang ang atensiyon sa plato bago sabihin ang mga dapat kong sabihin sa kan'ya.

"Few weeks ago, nakapagdesisyon po ako na yung course na kukuhanin ko ay nakadepende sa resulta ng scholarship examination na kinuha ko. Hindi po madali 'yon dahil maraming questions na advance sa lessons na napag-aralan namin kaya yung chance na makapasa po ako ay 50-50. Ginawa ko po ang option na 'to para sa fair decision-making at walang bias sa kung ano lang ang gusto ko."

Lumunok ako bago itinuloy ang pagsasalita.

"Kung makakapasa po ako, tutuloy po ako sa Fine Arts. Pag-aaralin ko po ang sarili ko katulad ng sinabi ko noon. Magiging working student po ako habang mine-maintain ang required grades para sa scholarship. Pero kung hindi po ako makakapasa, gagawin ko po ang gusto n'yo. Kanina po, lumabas na ang result."

Naramdaman ko ang mga titig niya sa akin ngayon kaya lalong kumabog ang dibdib ko. Pumikit muna ako nang mariin habang hawak nang mahigpit ang kutsara't tinidor bago tumingin sa kan'ya.

"N-Nakapasa po ako, Mommy. At susundin ko po yung resulta ng ginawa kong proseso ng decision-making." Napalunok ako nang makita ang pamumula ng mga mata niya. "'Wag po kayong mag-alala, hindi po ako hihingi ng tulong sa inyo ni Daddy. Pag-aaralin ko ang sarili ko. Magtatrabaho po ako. Magdo-dorm din po ako malapit sa university para makatipid sa pamasahe at matuto akong mabuhay independently."

Nag-iwas siya ng tingin kasabay ng pagbuga niya ng mahinang buntonghininga. Kasunod nito ay ang pagpatak ng mga luha niya, dahilan para mas lalong sumikip ang dibdib ko.

"Kahit na susundin ko po ang gusto kong kurso, I promise that I will never have it easy, Mommy. I will suffer from it too—hindi man po katulad sa kung paano kayo nag-suffer habang dinadala n'yo ako, pero sigurado pong paghihirapan ko po itong landas na tinahak ko."

Ipinikit niya ang mga mata niya kasabay ng pag-iwas niya lalo ng tingin sa akin. Ipinikit niya ang mga mata habang lumalabas ang mga hikbi sa bibig niya.

"I tried to . . . include you in my decision, Mommy. I tried to compromise by doing this fair decision-making . . . para po fair din sa inyo. Kaso, ito po talaga ang resulta." I gulped. "I'm sorry po. I'm sorry po for always disappointing you. You can punish me in any way you want, Mommy. Tatanggapin ko po. Pero kailangan ko nang gawin 'to."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now