Chapter 49

76 2 1
                                    

Days and months went by, we went on with our life the way we planned it to be

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Days and months went by, we went on with our life the way we planned it to be.

Frieda and I are working as part-timers in McDonald's. Si Fierro din naman natanggap doon pero sa iba na lang siya pumasok dahil baka magkaroon daw ng conflict sa mga nagtatrabaho doon dahil nga mag-jowa kaming dalawa. Hindi naman sinabi sa aming bawal pero mainam na rin na iwasan ang gulo. May issue yata ang ibang empleyado sa ganoon.

Sa halip, nag-apply na lang siya sa Kapehan Sa Daanan, tutal, umalis naman na ang isa nilang part-timer. Medyo natuwa nga ako doon dahil sabay ang time-out naming dalawa. Hindi rin naman masyadong magkalayo 'yon kaya p'wede naming sunduin ang isa't isa kung gugustuhin namin.

On the other hand, hindi pa rin nagpaparamdam sa amin si Mona. I have seen Caleb trying to get by everyday because he believed that Mona's fine—we believed that she's fine kahit na wala kaming proof.

Wala rin namang masamang balitang kumalat tungkol sa kan'ya. Siguro . . . nagpakalayo-layo lang siya. Maybe there was a big problem between her and her family. Baka napagod na siya't sumuko sa kanila kaya pinili na lang niyang maging independent.

Sana nga, gano'n na lang.

Until the day of our graduation came, everyone was so ecstatic!

Of course, Caleb's still not alright. He's still missing his girlfriend. I tried to tell him not to worry about her anymore because I believe that she's doing fine pero mukhang wrong move 'yon dahil nakagalitan niya pa ako. Hinayaan ko na lang siya, tutal, gusto niya rin naman daw ang mag-alala sa kan'ya—choice niya nga naman 'yon.

Well . . . tama naman. Sana magpakita na sa amin si Mona.

Fierro and I started working full-time simula noong g-um-raduate kami. Magre-resign na rin naman siya before ang enrollment sa URST kaya naman napagdesisyunan niya na mag-full time na habang may time pa para makaipon.

Since I worked in a fast food chain, palagi akong hindi nakakapag-time out nang tama sa oras. Cashier ang posisyon ko kaya naman minsan, kapag maraming tao, hindi kaagad ako nakakapag-turn over sa ibang cashier. Hinihintay ko pang matapos ang pila o kumonti ang tao bago ko 'yon magawa.

"Two mushroom pepper steak, two burgers and two monster mcfloat, please."

Nag-angat ako ng paningin nang marinig ang napakapamilyar na boses na 'yon. Ngumiti siya sa akin kaya naman napangiti ako nang malawak bago p-in-unch ang order ni Fierro.

Matapos niyang magbayad, binigyan ko siya ng resibo at number para mai-serve sa kan'ya ng crew ang order. Niluluto pa kasi kaya naman kailangan niyang maghintay ng five minutes pa.

Matapos umalis ni Fierro sa pila, nilagyan ko na kaagad ng sign na 'next counter please!' ang counter ko at nagsabing magti-turn over na ako. Nagmadali ako sa pagbibilang, lalo na nang makita ko na isini-serve na ang order ni Fierro.

Pagkatapos ng pagti-turn over, nagmadali akong umalis sa counter para mag-time out at magbihis. Nang matapos, pinuntahan ko kaagad si Fierro dala ang transparent kong bag na naglalaman ng mga gamit ko. Ngumiti kaagad siya sa akin bago hinila ang upuan saka ako pinaupo ro'n.

Love At The Coffee ShopDonde viven las historias. Descúbrelo ahora