SDTR: Kabanata 41

Start from the beginning
                                    

"Sasamahan kita, nag aalala na sayo ang mga magulang mo." Aniya, hindi ako makapaniwala na ngayon ay nag aalala siya sa iisipin ng pamilya ko. Samantalang ang Daddy ko naman ang sumira ng buhay niya, na ipinilit siyang ipakasal nang dahil sa isang responsibilidad na hindi naman niya tatalikuran kailanman.

Umiling iling ako at marahan kong hinila ang kamay ko, pero napahinto ako nang pumunta siya sa likod ko upang yakapin ako. Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam ngayong nakukulong ako sa mainit na bisig niya, kinasabikan kong maramdaman 'to lalong lalo na ang bawat paghaplos niya sa akin na nagsasabing ligtas ako kapag siya ang kasama ko.

Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at doon nagsalita.

"Hindi ka ba nababagot? Isang linggo ka nang nakakulong sa unit ko, hindi mo manlang ba sila tatawagan, sabihin mo lang na maayos ka." Payo niya sa akin, pinagsalubong niya ang kamay naming dalawa sa ibabaw ng tiyan ko at napahinga ako ng malalim nang humampas ang malamig na hangin sa katawan naming dalawa.

"Pag iisipan ko." Sagot ko sa kanya.
Totoo ang sinabi niya, hindi ako lumalabas ng unit niya simula nang maalala ko ang lahat. Unang una, natatakot akong humarap sa mga kakilala ko. Lalong lalo na kay Sebastian, napaka bata pa niya para maranasan ang mga sakit na naibigay ko sa kanya.

Mahal ko yung bata at alam kong napamahal na rin ako sa kanya, sobrang pinipiga ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang bawat pag hikbi niya sa tuwing makikita niyang nasasaktan ako.

Natatakot akong humarap muli sa pamilya ko, dahil hindi ko matanggap na may nabuong galit sa puso ko para sa kanila. Bakit ganoon? Yung perpektong pamilya na kinalakihan ko ngayon ay sirang sira na. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa nakaraang buhay ko para masaktan ako ng ganito?

"Ethan.." Bulong ko, "Hmm?" Sagot niya habang yakap yakap niya pa rin ako mula sa likod ko.

"Promise me you'll never leave me." Marahan niya akong iniharap sa kanya at tumingala ako upang magtagpo ang mata naming dalawa.

Marahan niyang hinaplos ang buhok ko at inilagay niya sa likod ng tainga ko ang nakatakas na ilang hibla nito.

"Promise me." Nanginginig ang boses ko na nakikiusap sa kanya.

"Alam mong hinding hindi kita iiwanan." Bigong aniya na para bang ipinapaalala niya sa akin na nangako na siya sa akin noon.

Nakakatawang isipin na ako pa nga ang unang nang iwan sa kanya pero ako ito ngayong nakikiusap na h'wag niyang iwanan.

Hinayaan kong bumagsak ang luha ko habang nakikipag titigan ako sa kanya.

H'wag mo akong iiwanan, dahil ipinapangako kong pagkatapos ng laban ko sa kasinungalingan ng buhay ko ay ikaw naman ang susunod kong ipaglalaban sa buong pamilya ko. Iyon na lang ang tangi kong naibulong sa isipan ko.

"Stop crying." Pakiusap niya sa akin at pinunasan niya ang luha ko, ngumiti ako kahit pa ang sakit sakit ng puso ko ngayon. Siguro kung hindi ko siya kasama ngayon, hindi ko alam kung makakaya ko ba ang lahat.

Niyakap niya ako at itinungo sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

"Ito ang tatandaan mo, Claire." Simula niya.

"Kahit anong mangyari hinding hindi ako mapapagod na samahan ka. At kahit anong mangyari mahal na mahal pa rin kita." Paalala niya sa akin na naging dahilan upang yakapin ko siya ng pabalik.

"Don't run, Claire!!" Sigaw ni Kuya Justine isang umaga sa buong mall nang takbuhan ko siya! Hingal na hingal na ako para lang makatakas sa kanya, lumabas kaming dalawa ni Ethan at halos hindi ako makapaniwala na makikipag kita kaming dalawa kay sa kanya.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now