Sixty Eight: Painting of the Collus

2.3K 160 8
                                    

Painting of the Collus



Matapos ang mahabag-damdaming linya ni Cooper para sa Hari ay pinaupo na kami ng dalawang reyna at binigyan ng makakain.

Binigyan ko ng isang tango ang dalawang reyna na tiningnan ako na wari'y may pinahihiwatig. The first queen smiled at me but the second queen just nodded without giving me any expression. Although, I don't care.

"Maraming salamat sa pagpapatawad sa'kin anak—" Hindi na naituloy ng hari ang sasabihin niya nang ikinumpas ni Cooper ang kaniyang kamay na wari'y nasa kaniya ang awtoridad.

"Hindi ko ho sinabing pinapatawad na kita. Hindi lang talaga kita tuluyang itinakwil bilang ama dahil tulad ng sinabi ko ay may ambag din naman kayo sa pagkatao ko," masungit na wika ni Cooper.

Nakasimangot ito at nag-iiwas ng tingin sa ama niya.

Dahil katabi ko siya ay nakita ko ang bahagyang panginginig ng isang palad niya na na nakapatong sa kaniyang mga hita.

Wala sa sariling napangisi ako. Kahit papaano ay may tinatagong kaba rin pala ang isang ito. Ang problema nga lang ay sa ama niya lang ito kinakabahan samantalang sa ibang mga maharlika ay hindi man lang siyang binigyan ng hiya at kaba sa tuwing makikipag-usap sa mga ito.

Bumuntong hininga ang Hari. "Gagawin ko ang lahat para mapatawad niyo 'ko," mahinahong wika nito. "Huwag niyo sanang gagayahin ang ama niyo kapag nag-asawa na kayo," patuloy nito.

Pumalatak si Cooper. "Wala ho kong balak mag-asawa at kung magkakaroon man ay titiyakin kong hindi ako magiging tulad niyo," mariin'g wika nito.

"Wala kang balak mag-asawa, Cooper? Ayaw mo ba rito kay Lady Eraia?" tanong ng Reyna Klara kaya nagkatinginan kami ni Cooper.

Agad na napangusosi Cooper na parang bata. "Hindi ko po gustong dumagdag sa mga makikipagkumpetensya para sa kaniya," wika nito.

Napamaang naman ako dahil sa sinabi niya.

At kailan pa nagkaroon ng kumpetensya?

"Sabagay... Mahirap nga namang kakumpetensya ang iba pang prinsipe ng iba't ibang lugar. Pero may natitipuhan ka ba ngayon?" tanong muli ng unang reyna.

Agad na umiling si Cooper. "Wala ho. Hindi ko muna proproblemahin yan dahil mas gusto kong tulungan si Eraia," aniya.

Bahagya naman akong napatango sa sinabi niya't maliit na napangiti.

Natigilan ako nang may biglang lumapit sa tainga ko at napagtantong si Logan iyon na katabi ko lang rin na nasa kaliwa habang nasa kanan ko naman si Cooper. Nasa harapan namin ang unang Reyna, ang hari, si Ione na katabi ng Ikalawang reyna at si Ashanty na katabi ni Ione. Ang katabi naman ni Logan sa Kaliwa niys ay si Calypso habang ang sa kanan naman ni Cooper ay si Elias at ang katabi ni Elias ay si Hendrix. Napapagitnaan namin ang maliit na lamesa habang nakaupo kami sa lapag.

"Cooper had a crush on you," imporma nito sa'kin. "Like Elias too." At sinundan pa nito iyon ng mahinang tawa na wari inaasar ako.

Binigyan ko ng matalim na ngiti si Logan but he just replied a grin in his lips.

"May paki ba 'ko?" kunot-noo'ng tanong ko sa kaniya.

He shrugged his shoulder. "Maybe?" nang-aasar na wika niya.

Hindi ko na lang siya pinatulan pa at muling nilingon ang dalawang reyna na ngayon ay pawang nakatingin sa'kin na may pinapahiwatig.

Bumuntong hininga ako nang mapagtanto ang pinapahiwatig nila.

Ang akala siguro nila ay may gusto ako kay Logan kaya nila ko binibigyan ng warning na tingin dahil alam naman nilang mas kukunplikado ang sitwasyon ko.

Actually, they have nothing to worry about because I know my limit in this place. Alam ko kung hanggang saan lang ako.

Inilinginan ko na lang sila bago mag-iwas ng tingin.

"Mga mahal na reyna at mahal na hari. May nais lang sana kaming itanong sa inyo," magalang na wika ni Calypso kaya sa kaniya na nabaling ang atensyon ng hari at dalawang reyna.

"Gusto po nilang malaman ang tungkol sa Shadows of Collosal," segunda ni Ione na may marahang ngiti sa kaniyang labi.

Saglit pa kaming nagkatinginan nito kaya binigyan ko siya ng tipid na tango habang siya naman ay napaiwas na lang sa mga tingin ko.

Nagkatinginan muna ang tatlong pinagtatanungan namin bago sila huminga ng malalim. Ang ikalawang reyna ay wala man lang reaksyon sa narinig niya.

"We can't gave the information about the shadows of collosal if you don't have the painting of the collus," pormal na wika ng ikalawang reyna.

Nangunot ang noo namin dahil sa sinabi niya.

"Hindi ho namin alam ang bagay na iyon Mahal na reyna," wika ni Ashanty.

Hindi sinagot ng ikalawang reyna si Ashanty at basta nalang may kinuhang isang papel at panulat at ipinatong iyon sa maliit na lamesa. Nagsimula itong magguhit ng isang bagay na parang pamilyar sa paningin ko.

At nang matapos ito ay pinakita ng mahal na reyna ang guhit niya sa'min. "Are you somehow familliar with this drawing?" tanong niya sa'min.

Sabay-sabay na napatingin sa'kin ang elites na mukhang nagkakaisa nanaman ang iniisip.

Bumuntong hininga ako bago marahang tumango sa reyna. "I actually have the painting," I answered.

The second queen shrugged her shoulder. "As expected," balewalang wika niya.

Ang pinakita niyang drawing ay halos katulad ng painting na kinuha ko sa bayan ng Atlantis na binigyan naman ako ng pahintulot upang kuhanin iyon.

Hindi ako makapaniwalang ang painting na iyon ay may koneksyon talaga sa mga ginagawa namin ngayon. Nakakagulat at nakakamangha lalo na na parang planado na talaga ang paglalakbay naming ito.

I sarcastically laughed at the thought. "I will not be surprise if you're also included in the plan, Queen Astrid," I playfully said but she just gave me a serious look that made me chuckled.

Agad ko ring hininto ang pagtawa ko nang maalalang isa nga pala siya sa nakakaalam ng pagkatao ko bilang si Brittany.

"Kung ganoon ay mas mabuting isa sainyo ay dalhin patungo rito ang sining para masabi namin sainyo ang impormasyong ninanais niyo," marahang turan ng unang reyna.

Agad naman kaming tumango. Si Elias na ng nagpresintang kumuha at isinama niya si Hendrix papunta sa sinakyan namin patungo rito sa Synvenxia Palace.

"May naramdaman ka bang kakaiba sa sining na iyon, Lady Eraia?" tanong sa'kin ng ikaunang reyna.

Sglit ko lang itong binigyan ng isang tipid na tango.

Nginitian niya ako at tinanguan din. "Ang ibigsabihin noon ay alam din ng painting na iyon ang pagkatao mo."

Author's note: Mag bigay ako ng trivia kasi 500 followers na'ko! hehe.

Trivia: This story is supposedly a 30 to 40 chapters at pure romance. Kaso hindi ko trip that time yung pure romance lang, bitter po kasi ko haha char.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now