Eighty Four: Toy

1.8K 116 6
                                    

Toy

Muli kong nilingon si Remzel na siyang sinabi ni Damiana na inutusan niya para takutin si Eraia.

Ibigsabihin noon ay ito rin ang tumulak sa'kin noon 'di ba? Nakita niya ang katawan ko. Alam niya rin dapat ang gubat na iyon!

Hindi na ngayon nakaluhod si Damiana dahil matapos ng pag-iyak niyang iyon ay tuluyan itong nawalan ng malay. Sinabihan ko si Calypso na dalhin si Damiana sa kuwarto ko para doon pahigain. Nag-alangan pa nga itong dalhin sa kuwarto ko ang babae dahil alam niyang may sakit pa rin ako't ano mang oras ay kailangan ko nang mamahinga.

"Puwede akong tumabi kay Ashanty, Calypso," wika ko sa kaniya.

Tumango na lang si Calypso bago dalhin si Damiana sa silid ko. Ngunit kasabay din noon ay ang pag-ikot ng paningin ko sa hindi malamang dahilan para mapahawak ako sa balikat ni Elias na katabi ko lamang.

Agad ako nitong inalalayan. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

I shake my head as a response bago pinilit na tumayo ng tuwid para pantayan ng tingin si Remzel na walang kaemo-emosyong nakatingin sa'min. "I need to talk to you privately," mariin kong wika sa kaniya.

I saw how he sighed. "Mag-usap tayo kapag maayos na ang pakiramdam mo, Prinsesa," huling wika niya bago ito walang paalam na umalis ito.

I just sighed after he done that bago napalingon sa taong humawak sa beywang ko ag nakitang si Hendrix iyon. "Magpahinga ka na muna," malumanay nitong wika na bahagya kong ikinagulat, hindi dahil sa boses niya kung 'di dahil sa mata niyang nagpakita ng kung anong ekspresyon.

Mahina ko nalanh siyang tinanguan bago nagpagayak sa kaniya.

Nakita pa ng gilid ng mga mata ko si Logan na may nababahidan din ng pag-aalalang nakatingin sa'kin ngunit hindi nalang nagsalita pa.

Nang makapasok sa loob ay pinaupo ako ni Hendrix sa kaninang inupuan ko at doon ay nasiupo rin sila Ashanty sa mga natitira pang bakanteng upuan para mapag-usapan ang nangyari. Si Cooper naman ay isinilid na ang liham na ginawa kanina sa sobre.

"Gusto mo ba munang magpahinga?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Ashanty bago saglit na pasadahan ng tingin si Calypso na papaupo sa tabi ni Elias.

Umiling ako. "Just proceed to our topic," kiming wika ko sa kaniya.

Nang dahil sa sinabi ko ay sabay-sabay naming tiningnan si Logan na tahimik lang na nag-iisip sa isang tabi. Pinasadahan niya lang kami ng tingin nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya. "We don't need to discuss that matter because its between the Lavinias family. We're not involve with that," pormal na wika niya bago ako balingan ng tingin. "What do you think, Hidden? Do you want to discuss that thing?" he asked me.

Inilingan ko siya bilang pagsagot. Sa katunayan ay hindi naman dapat iyon maging topic namin.

Ang dapat na topic namin ay kung nasaan ngayon si Blue at ang dalawa niya pang kasama! Fuck. That fucker is really adventurous!

"Nakita niyo ba kung nasaan pumunta sina Blue?" I curiously asked them.

Agad na nagsiilingan naman ang lahat maliban kay Logan. "They went somewhere, they are finding the stone," simpleng sagot niya.

Huminga ako ng malalim bago wala sa sariling napahilot sa sentido. Ni hindi man lang nagpaalam sa'kin si Blue na aalis siya!

I will fucking hunt him if he didn't come back.

"You don't need to worry about him. He said that he will be back before the nightfall," dagdag ni Logan.

Mahina nalang akong tumango.

Hindi ko napansin ang pag-alis nila. Ke'lan ba sila umalis? kahapon o kanina?

"Ngayong napanalo ni Eraia ang laban. Ang ibigsabihin ay paparaanin na tayo ng mga bandido?" paninigurado ni Elias na ikinatango naman ni Calypso.

"Sa tingin ko naman ay may isang salita ang Remzel na iyon," wika ni Ashanty.

Saglit na tumahimik ang paligid hanggang sa si Cooper naman ang nagsalita. "Puwede bang ipadala ko muna ang sulat ko kay Viorea bago tayo umalis?" tanong nito.

Agad naman kaming tumango sa sinabi niya na kaniyang ikinangiti.

Nang maggabi na ay hindi pa rin nagigising si Damiana habang sina Blue naman ay tuluyan nang nakabalik dito. Dala na nila ang ang hinahanap ng isa sa mga kasama niya.

Tuwang-tuwa akong niyakap ni Bkue pero agad ding naglaho iyon nang mapakiramdaman ang temperatura ng katawan ko. Kunot-noo niyang inilapat ang palad sa noo ko. "May sinat ka," he stated.

Tinanguan ko siya. "Pagaling na rin naman ako. You don't have to worry," wika ko pero imbis na gawin ang sinabi ko ay mas lalo pa itong nag-alala.

"Paanong hindi mag-aalala eh minsan ka lang magkasakit!" inis na wika nitong may halong pag-aalala.

Nailing na lang ako sa reaksyon niya.

Nasanay kasi itong ako ang healthy sa aming dalawa at siya naman ang sakitin. Well, technically, my body is really healthy. Eraia's body too is healthy, pero hindi lang talaga ito sanay sa mga gawain tulad ng pakikipaglaban.

Ginulo ko nalang ang buhok ni Blue para sabihin sa kaniyang ayos lang talaga ako before I tapped his shoulder. "Matutulog muna ako, okay? Like I said, you don't have to worry about me." Tinanguan niya 'ko sa sinabi ko bago siya iwanan para magtungo sa silid ko't kuhanin ang gamit ko doon.

Pero ganon nalang akong natigilan nang makita si Damiana na gising na pala't tulalang nakatinhin sa kawalan na para bang wala na itong buhay.

Bumalik lang ito sa ulirat nang gumawa ako ng ingay.

She faintly smiled at me. "Eraia..." The softness of her voice was still visible as she called my name. "How can you say that? Paano mo nasabi ang mga iyon?" Ang tinutukoy niya siguro ay ang huling sinabi ko bago siya nawalan ng malay.

Nagkibit balikat ako bago magingo sa gamit ko't binuksan iyon. "Kailangan ko pa bang iexplain sa'yo ang mga iyon?" taas-kilay na tanong ko. "Kahit na nagsorry ka na ay hindi pa rin iyon puwedeng dahilan para mag-explain sa'yo. Sino ka ba?" Mahina ko siyabg tinawanan. "Isa ka lang namang laruan na nilalaro niya."

Author's note: Gusto ko kalaro ng Find the killer:(.

Trivia: Title of the last chapter in this story is 'Love at last'. It is one of the character's POV. High possibility is kay Ashanty.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now