Thirty One: Journey to Atlantis

4.5K 282 12
                                    

Journey to Atlantis


Mahigit-kumulang dalawang oras na kaming nasa loob ng sasakyan. The elites, including Hendrix na ipinasama ng Headmaster sa'min para makatulong.

Sina Calypso ay tahimik na natutulog habang si Logan at Hendrix naman ay nanatiling gising.

I tilted my head while I was staring at the surroundings. Binaling ko ang paningin sa kanila Hendrix at Logan. "Anong lugar na'to?" nagtatakhang tanong ko dahil ang mga puno ay tila kakaiba, it looks like a seaweed with a branches. Umaambon na rin ang dinadadaanan namin.

"Patungo na tayo sa entrada ng Atlantis," sagot sa'kin ni Hendrix. I was in awe and once again looked outside the window. The books describe this place exactly the same.

As what I've remembered, ang Aqua royalty ang namamahala ng lugar ng atlantis. Sila raw ang pinakapayapang pamilya ayon sa nakasaad sa libro, ngunit katulad ng alon ay mahirap silang kalabanin.

"Did you already meet Kai Aqua and her sister Cordelia Aqua?" I asked them.

Logan just simply shake off his head. While Hendrix nodded, "Minsan na'kong naatasan na protektahan ang dalawa."

I raised an eyebrow. "Are they kind like just the books describe them?"

Natigilan siya sa tinanong ko bago niya inayos ang salamin niyang ngayon ko lang ulit nakitang ginamit niya. Hanggang ngayon ay wala pa ring kaemo-emosyon ang mukha niya.  "They are," sagot niya. "Pero silang dalawa ang hindi mo gugustuhing kalabanin."

Saglit pa'kong nakipagtitigan kay Hendrix bago mag-iwas ng tingin and chuckled a little bit.

I want to know them. I need them by my side.


Minutes had passed and we are now in the land of Atlantis. Lahat ng nakikita ko ngayon ay basa, maging kami na walang masilungan. Humihinto lang daw ang ulan dito kapag gabi na at muling bumabalik sa pagpatak ng umaga.

"Hendrix!" Sabay-sabay kaming lumingon sa ginang na natutuwang binati ang kasama naming Shield wielder.

Agad na yumuko sina Cooper sa ginang at sumunod naman ako kahit na nagtatakha. "Greetings to the Queen of Atlantis Palace," sabay-sabay nilang sabi habang ako ay hindi na lang bumati.

Saka lang namin itinigil ang pagyuko matapos niya kaming senyasan. The smile of serenity plastered in her lips. "Natutuwa akong makita kayong bumisita rito sa Atlantis," she said. Her voice were like a gentle waves that calms you.

"Likewise, Your highness," magalang na turan ni Calypso.

Inilibot ng reyna ang kaniyang paningin hanggang sa huminto ito sa'kin. Nangunot ang noo ko nang makitang nawala ang ngiti niya sa kaniyang labi'y napalitan ang ekspresyong niya na ngayon ay wari ba'y gulat na makita ako.

She blinked twice. "E-Eraia?" mahinang aniya.

I nodded even though I'm confused. "Do you know me?" kunot-noo'ng tanong ko.

Muli siyang ngumiti ngunit ngayon ay punong-puno na ng galak. "Yes. You don't remember me now? I was the one who taught you to read and write when you were just two years old," kuwento niya sa'kin.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya lalo na nang hawakan niya ng marahan ang parehas na palad ko. Pinasadahan niya 'ko mula ulo hanggang paa. "You've grown such a beautiful lady, Eraia," natutuwang ani nito.

"I'm sorry I can't remember you," mahinang wika ko. Hindi ko nakita ang pangalan niya sa journal ni Eraia kaya hindi ko talaga siya maaalala.

She smiled softly before understandly nodded. "It's fine. Tutal ay napakabata mo pa noon."

After we talked ay pinatuloy niya muna kami sa palasyo at doon nakita ang asawa niyang katulad niya ay may mainit na binati kami.

The place screams like we are in the ocean, lalo na sa mga nagkikinangang perlas sa paligid. Ang karamihang vase dito ay nakahulmang hugis kabibe. Ang mga gamit naman ay mayroong nakaukit na sea creatures. Deep blue and light are the color of this palace.

Pinagbihis muna kami ng Reyna habang kinakausap nila si Hendrix na siyang nagpaalam kung puwede kaming tumuloy rito ng isang araw. Hendrix and the King and Queen were like close, siguro ay dahil maayos ang serbisyo ni Hendrix sa mga ito noon.

Matapos naming makapagpalit ng kasuotan sa kuwartong ibinigay sa'min ng Reyna ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa hapagkainan kung saan hinihintay kami ngayon ng kamahalan.

Sunod-sunod kaming nagsipasok at nagbigay bati para sa mahal na hari at reyna na ngayon ay inalok kaming magsiupo na't kumain. Hindi kami tumanggi roon dahil nakaligtaan naming kumain bago umalis ng paaralan. Ang kinakain namin ngayon ay mga hipon, isda at kung ano-ano pang putaheng sa dagat lang makikita. Lahat ng iyon ay masasarap pero dahil madaling mabusog ang katawang ito ni Eraia ay halos hindi ko naubos ang kinuha kong pagkain, ngunit bilang pagrespeto sa hapagkainan ay inubos ko iyon.

"Masarap ba ang mga pagkain?" nakangiting tanong sa'min ng Hari. Sabay-sabay naman kaming tumango sa kaniya.

"The best," pagkomplimento ni Cooper at nagbigay pa ng thumbs up. Dahil doon ay sabay na natawa ang mag-asawa sa kaniya.

"You really looked like your father," biglang ani ng mahal na reyna habang nakatingin kay Cooper.

Nakita ko kung paanong dahan-dahang nawala ang ngiti ni Cooper at tila napalitan iyon ng nandidiring ekspresyon. "Sa mukha lang, mahal na reyna, hindi sa ugali," he stated before looked away.

Agad na bumuntong hininga ang reyna ay hindi na nagsalita pa.

After that, the dinner-half-merienda went well. We just stayed there and talked about some things. Maraming katanungan ang mahal na hari at reyna katulad ng kung ano raw ba ang dahilan ng pagbisita namin sa lugar na ito.

"The headmaster assigned us to find his lockwatch since someone steal it from him," Logan smoothly lied. Damn, smooth like butter.

The queen formed an 'o' in his lips. "He never change. Palagi na lang niya itong pinapahanap sa mga estudyante niya tuwing ninanakaw o 'di kaya'y nawawala ang lockwatch niya," turan ng Reyna.

The king chuckled. "Alam mo naman ang Headmaster, Mahal. Mas importante pa ang lockwatch na iyon sa kahit anong bagay sa mundong ito. Atsaka saan ka nga ba naman makakakita ng gao'ng bagay, hindi ba? Ni isa ay wala pang nakahula kung paano naimbento iyon." The king glanced at me. "Maliban na lang ng itinakda na siya."

Author's note: Scam ulit yung post ko sa messageboard😭 My health condition is getting a little bit worse but I really can't stop myself updating this story. AOTDE for the win! Thank youuuuuu!

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now