Four: Effect Of Serotonin

7.2K 486 19
                                    

Effect Of Seratonin

Another day has come at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa lugar na ito. Minabuti kong igugol ang buong araw ko sa pagbabasa ng mga libro ukol sa lugar na ito. Marami akong natutunan at kung minsan ay humahanga pa sa mga creatures na posible palang magkatotoo.

Nang maghango-hango ako ng gamit ni Eraia ay bahagya akong nagulat dahil sa nakita kong journal niya. Nakalagay doon ay ang lahat ng taong nakilala't nakasalamuha niya. Eraia is a bit creepy sa ginawa niyang iyon kung nakita ng normal na nilalang ang journal niya. She likes jotting down every sceneries na nangyayari sa buhay niya at dahil doon ay kahit papaano'y may nalalaman ako sa mga taong nasa paligid ko.

Eraia has no friends, katulad ng sabi niya sa journal. Tumpulan din siya ng tukso sa paaralan nila at nangunguna roon ay ang mga kaibigan ni Damiana. I discovered that this lady Eraia was jealous over Damiana because she has everything that Eraia wanted. That's why Eraia ended up always ignoring Damiana.

I praised Eraia for being masipag in writing those information kasi kung ako iyon ay ilang sentences pa lang ay tatamadin na'ko.

Matapos ko mabasa ang huling libro na kinuha ko ngayong araw ay agad na rin akong tumayo para ilagay ang libro sa una nitong kinalagyan. This library is just for Lady Eraia, tutal ay wala ni isa sa mga magulang niya at ni Damiana ang pumupunta rito ay inangkin na ni Eraia ang lugar na ito. Lady Eraia has so many books, mayroon ding mga libro na hindi niya na kakailanganin. Although I want to donate that to someone who needs that more than I do ay hindi ko pa rin magawa because what if Eraia value that books?

When I decided to walk around the palace nang makaalis sa library ay sinubukan kong pumunta sa pinaka-unang palapag nito. The place screams medieval theme na medyo may pagka-modern. Some of the lights were dim na nakadagdag ng awra sa paligid.

Sergeant lang ako noong nakaraan pero prinsesa na'ko ngayon. Wow.

Natigilan ako sa'king paglalakad nang makita sa gilid ko ang hagdan pababa. Itiningala ko ang aking ulo para makita kung ano ito. Parang may sumiklab sa puso ko nang makitang training ground ito.

Should I enter?

Well, Brittany, I think you need some fun.

Hindi na'ko nag-alangan pa't agad nang bumaba sa hagdan. Maliit ang ngisi ko habang hinahawakan ang palda ko upang hindi mahawakan.

Ilang sandali lang ng pagbaba sa hagdan ay may nakita na'kong hallway na patungo sa iisang direksyon. Isang malaking pintuan. Tinakbo ko na agad iyon at nang makarating sa pintuan ay akin itong binuksan. I mischievously smiled when no one's around.

Perfect.

Perfect place to train this body.

Natuwa ako nang nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. May boxing area, weapons at kung ano-ano pa. The place is slightly modern but I cannot see some guns. Puro mga palaso, pana, scythe, dagger at iba pang matutulis na pandigmaan lang ang nakikita ko.

Magtutungo na sana ako sa manequin na gawa sa kahoy na ginagawang punching bag, as I can observe, o di kaya'y pang practice for posture in using sword. But I suddenly stopped from walking when I realized that I'm wearing a dress na napakahaba. Well, I had no choice but to cut it kaya kumuha ako ng espada sa mga lalagyan ng mga sandata upang gamitin iyon sa pagpunit ng damit ko.

Napangisi ako nang marinig ang pagpunit ng tela at mahinang hangin na nanggaling sa espada na hawak ko. In just a swing move, naputol na agad ang laylayan ng bestida ko. What a sharp sword.

Since it's been a year when I held a sword, ay minabuti ko muna itong aralin ng mabuti until I found myself enjoyng and mastering it.

My Tita in my world likes fencing and different kind of sword fighting. Tinuruan niya rin ako noon, ang goal ko pa nga dati ay ang matalo siya because she's really unbeatable when it comes to swordfighting. That's why when I beat her for the first time ay sobrang saya ko to the moment na tumanggap ako ng tatlong misyon sa isang araw lang. Iyon na ang huli kong hawak ng espada because that's also the last time that my Tita needs to retire in the organization para maalagaan ang anak niyang may sakit sa puso.

It's not that nawalan ako ng gana mag-espada dahil nga nag-retire si Tita, kundi dahil mas nahumaling ako sa mga pana at lalong-lalo na sa mga baril. My Tito was the one who taught me how to shoot and target. It's pretty fun. I fondly shares my memories with guns and bow.

"Eraia?" Natigil ako sa mabilis na pagkilos ng marinig ang tatlong sabay-sabay na boses.

Nawala ang ngiti ko matapos na lingunin iyon.

Nakita ko ang Hari, Reyna at Damiana na may pagtatakhang nakatingin sa'kin. The king and queen plastered a slightly satisfied emotion on their eyes while Damiana was really irritated with me.

I blankly looked at them before bowing. "Forgive me, your highness. I didn'y know that this is your place," labas sa ilong na hinging patawad ko bago muling iangat ang ulo para salubungin ang mga tingin nila.

"Where did you learn holding a sword?" nagtatakhang tanong ng Reyna. "As far as I know, you're scared in fighting, right?" pahabol nito.

Gusto kong mapangisi at tumawa ng sarkastiko sa Reyna. Wow. Atleast she still knew what Eraia is capable of.

"I just got curious, Queen," wika ko na dahilan para mukha siyang natigilan. Sa pagkakatanda ko ay tinatawag ni Eraia ang reyna ng 'mother' o 'di kaya'y 'Mama', ayon sa nabasa ko sa journal niya. "Gusto ko lang matingnan kung ano bang pakiramdam ng humahawak at nilalaro ang espada," patuloy ko. I slightly smirked at them to show my boldness but I also hide it immediately.

"But aren't you scared now in sword?" nag-aalangang tanong ni Damiana na animo'y concern na concern siya kay Eraia. "You might hurt yourself with that, sister," nag-aalalang wika nito pero ramdam kong walang sinseridad iyon dahil sa mga emosyon na nakikita sa mga mata niya.

"Oh? Like this?" tanong ko bago hiwaan ang palad ko gamit ang hawak-hawak kong espada dahilan para lumaki ang mata nila. Nakaramdam ako ng kirot but it was bearable dahil hindi naman malalim ang ginawa kong paghiwa but it's enough to bleed.

I laughed when I saw their reaction. Para namang magpapakamatay ako dahil sa reaction nila.

Nakita kong unting-unting nawala ang gulat sa mata ng hari bago napalitan iyon ng galit at... pag-alala. I smirked. So he's still concern on his daughter. Great.

"Are you insane?!" Matigas na pasigaw niyang tanong sa'kin habang nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

Nawala ang ngiti ko dahil doon. "No King." Kinuyom ko ang palad ko na may sugat at binaba iyon kasabay ng isa ko pang kamay na hawak-hawak ang espada. Ngumiti ako sa kaniya pero pinalungkot iyon. "I just want to see if you'll show any concern on me. Dahil noong nalaman niyong sinubukan kong magpakamatay ay hindi ho concern ang nakita ko sa mga mukha niyo. Kundi galit, inis at disappointment," wika ko. Diniinan ko ang salitang 'magpakamatay' kuno. Eh hindi naman nagpakamatay si Eraia!

Nang hindi sila nakapagsalita ay muli akong ngumisi sa kanila't yumukod bago bitawan ang espadang hawak-hawak ko't umalis sa lugar na iyon.

Unti-unting nawala ang ngisi ko matapos na makalabas sa training ground.

Naramdaman ko agad ang pananakit ng katawan ko. Mukhang hindi talaga sanay si Eraia sa mga ganoong gawain. And fuck! I also forgot to exercise first.

Goodness, Eraia. Wherever your soul is, please forgive me for hurting your body!

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon