Fifteen: Sniff Catalyst

6.1K 376 22
                                    

Sniff Catalyst

Ang buong akala ko ay makakasabay kong umuwi si Damiana pero nagkamali ako when the elites insist to take me home. I can easily refused to them pero hindi na'ko nakalaban nang sabay-sabay nila akong hinila sa sasakyan. Hindi sumama si Logan sa paghila sa'kin pero nakangisi niya kaming pinapanood. Hindi ko rin inasahang sasali si Calypso sa paghila sa'kin.

They actually have side reason why they want me to take home. Iyon ay para makapasok sila sa palasyo ng Veintorici. Hindi pa raw kasi sila nakakapasok doon dahil sa tuwing may selebrasyon na gaganapin ay palaging hindi sa loob ng palasyo ginaganap.

"Sa tingin niyo papasukin tayo ng mga bantay?" kuryosong tanong ni Ashanty.

Nagkibit-balikat si Elias. "Dipende. Kasama naman natin si Eraia e," wika nito bago tumingin sa'kin.

Inikot ko ang aking mata bago humalukipkip at hindi nalang nagsalita.

"Nasa'tin ang susi," gatong naman ni Cooper.

"Tumahimik na kayo," saway ni Calypso sa kanila. Mabuti naman at nakinig sila kay Calypso dahil nakakarindi pala talaga ang mga boses nila. I wonder how would Logan handle this situation if he's irritated. Pasimple ko siyang nilingon na nasa'king harap at nakasandal ang ulo sa bintana. He's sleeping peacefully. Mukha siyang inosente.

Nag-iwas na'ko ng tingin at pumikit para sana matulog pero mukhang wala sa wisyo ang katawang ito para matulog kaya muli akong dumilat upang panoorin ang daanan mula sa bintana.

Sa bawat madadaanan namin ay may mga napapansin akong maliliit na nilalang na nagbibigay liwanag sa paligid. They light up so bright kaya kapag madilim ay panigurado akong kitang-kita pa rin ang daanan dahil sa kanila.



Huminga ako ng malalim matapos makatungtong sa loob ng palasyo. Nilibot ko ang aking paningin pero agad ring napunta sa harapan matapos kong marinig ang boses ni Gregoria. Malaki ang ngiti niyang sinalubong ako. "Lady Eraia! Kamusta na po kayo?" maligayang tanong nito bago kuhanin ang mga dala-dala kong gamit.

Nagkibit-balikat ako. "Fine, I'm just tired," sagot ko sa kaniya bago muling inikot ang paningin. "Pumupunta ba sa loob ng palasyo si Summer?" tanong ko kay Gregoria at nilingon siya.

"Hindi ho. Pero tinanong niya 'ko kung kailan ka raw ba babalik dito sa palasyo," sagot niya sa'kin na bahagya kong ikinangisi.

Pero ang ngising iyon ay kaagad ding nawala nang marinig ang mga boses na nasa likod ko.

"Wow, ang ganda grabe!" nagmamanghang turan ni Ashanty. Blangkong ekspresyon ko silang nilingon at nakitang papalapit na sila sa'kin. Logan went straight to my side, hindi man lang tinitignan ang paligid ng palasyo. Malamang, isa siyang Clarke at Roosevelt. Nang makalapit na silang lahat sa'kin ay kitang-kita ko ang naglalakihan nilang mga ngiti.

"Greeting to his highness." Lumipat ang tingin ko kay Gregoria na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin kay Logan. Astaka lang ito tumigil sa pagyuko when Logan dismissed her. Yumuko rin si Gregoria sa kina Calypso, Elias, Cooper at Ashanty.

Ang tatlong lalake kasi ay kung hindi sila kasama sa royalty, ay sa mafias naman sila nabibilang. While Ashanty is the daughter of Duke.

"Ah, naghihintay na ho pala ang pagkain sainyo," antala ni Gregoria bago iminuwestra ang direksyon patungo sa dining room.

"Weh? Wow, alam agad ninyo na pupunta kami?" namamanghang tanong ni Cooper sa maid ko.

Napapahiyang umiling si Gregoria. "Si Lady Eraia po sinasabihan ko," magalang na sagot nito.

Malakas na tumawa si Ashanty habang si Elias naman ay napangisi lang at si Calypso ay mahinang tumawa. Si Logan ay wala man lang karea-reaksyon. Napapansin ko ritong sa tuwing gigising ay inuugaling palaging walang ekspresyon. Natawa sila dahil sa sagot ni Gregoria at lalo na sa itsura ni Cooper na akala mo ay pinagtaksilan.

Ako na ang naunang naglakad. "Sumunod na lang kayo," wika ko sa kanila. Naramadaman ko naman ang pagsunod nila.

Tumagal ng ilang minuto bago kami makarating sa dining at ang bungad noon ay pagkain na sapat lang para sa'min. Muli kong hinarap si Gregoria para tanungin, "Nasaan ang hari at reyna?" tanong ko rito.

Saglit namang napakurap ito bago ako sagutin, "Sinundo po nila si Damiana, Lady Eraia, hindi niyo po ba sila nakasalubong?"

Tumaas ang kilay ko sa sinabi sa'kin ni Gregoria. Ayos ah? May-pagsundo sila sa hindi nila tunay na anak pero ni hindi manlang nila makamusta si Eraia. Napapaisip tuloy ako. Hindi kasi sapat na dahilan para sa'kin ang ang pagiging mahina ni Eraia para halos ipagtabuyan nila ito.

Paano kung isa sila sa mga nakakaalam ng libro? Sa pagkakatanda ko ay sinabi ng lola ni Eraia sa headmaster na ibigay ang libro sa'kin. Bakit hindi nalang ang magulang ni Eraia ipasabi na ibigay sa'kin ang libro?

Is there's a reason behind that?

Masyado na'kong nakukuryuso sa buhay ng mga nakapaligid kay Eraia, at maging sa buhay na mayroon si Eraia. Patagal ng patagal ay mas lalo akong nututuwa and thrill sa mga nangyayari.

I no longer predict if Eraia was still the victim here or the villain.

Sabay-sabay kaming nagsiupo at kumain. Gregoria stayed at the side, watching us para kung sakaling may kailangan kami ay malaman niya agad.

"So, saan tayo magsisimula maghanap? This palace is really huge. Kaya ba hindi dito ginaganap ang mga selebrasyon dahil sa tendency na may maligaw?" tanong ni Ashanty.

Hindi ko sinagot ang huli niyang tanong dahil hindi ko pa naman nararanasan na magkaroon ng selebrasyon sa mundong ito.

"Nakapunta ka na ba dito Boss?" tanong naman ni Cooper na nasa harapan ko pa rin.

Umiling si Logan. "No. Not even once. I don't have any reason to go here," sagot niya bago sumubo ng pagkain.

Tumaas ang kilay ko nang aksidenteng makita ang maliit na ngisi ni Calypso habang nakatingin kay Logan na animo'y may alam ito na hindi dapat malaman ng iba. Hindi ko nalang ito pinansin since I have no interest about that.

"Sa library ko," sagot ko sa unang tanong ni Ashanty. "Hindi ko pa masyadong nalilibot ang lugar na 'yon," dagdag ko

Sabay-sabay naman silang napatango. Pagkatapos noon ay tahimik lang kaming kumain.

Mukhang nag-iisip sila ng plano para mapadali ang paghahanap. Isa ito sa ikinamangha ko sa mga elites, they really act as one team. Iisa ang iniisip nila sa mga ganitong bagay. Ang hindi ko nalang nakikita sa kanila ay ang makipaglaban, but based on their reflexes, they're quite good.

Binabalak kong lapitan si Master Claux sa susunod na pagpasok ko ng eskuwela para sana humingi ng pabor na gumawa ulit ng baril na ginawa niya sa'kin. Gusto kong turuan ang elites sa paggamit ng baril. The weapon is really good in long and short range na dahilan kung bakit malaking advantage para sa'kin kapag makikipaglaban.

I hope that Master Claux will agree.

Sa katahimikan ng hapag-kainan ay natigilan ako sa boses na nangibabaw. "Hindi ko inaasahang narito pala ang mga Elites!"

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now