Forty Six: Broken Page

3.2K 230 6
                                    

Broken Page

Nang matapos na magluto sina Dos ay tinawag niya ang kaniyang Inang para sumabay sa'min. Doon namin nakilala ang nanay niya, she's slightly older than the Queen pero ang kagandahan nito ay parang hindi kumupas, although her hair is already turning to white. Nagbibiro pa ito na highlights lang raw ang mga puti na iyon na ikinasang-ayon naman ng mga anak niya. Dos and Uno's father is nowhere to be found, nagtatrabaho raw ito sa malayo at pinapadalhan lang raw sila ng pera na kung minsan ay hindi pa sasakto sa pang-araw-araw nila kaya nagdesisyon si Dos na rumaket sa iba't ibang lugar.

Dos has a lot of sidelines or rather gigs. Isa siyang waiter sa bahay-aliwan sa sentro, mang-aawit naman sa bayan ng Costell, where the Mafia of Roosevelt lives, malapit lang iyon sa Westland palace at business owner naman dito sa bayan ng Clor. Ang bahay-panuluyan ay ang huling iniwan sa kanila ng ama, hindi masyadong malakas ang kita sa bahay-panuluyan dahil wala namang gaano'ng dayo sa Clor kun'di ang mga nakatira lang sa Atlantis.

"Naaawa na nga ako rito sa anak ko e." Mahinang tinapik tinapik ng nanay nina Uno si Dos. "Sa murang edad ay ganito na agad ang dinadanas. Siya na agad ang tumayong tatay sa bahay. He keeps doing his best for us," marahang ani nito habang nakangiti sa'min. Dos slightly plastered a smile in his lips habang hinihimay ang laman ng isda at tinik para kay Uno. "Kung wala lang akong sakit ay matutulungan ko sana siya..."

Mahinang tumawa si Dos bago bahagyang nilingon ang kaniyang ina. "Inang, kahit po wala kayong sakit, hindi ko pa rin kayo pagtatrabahuhin. That's my duty after all. Hinabilin sa'kin ni Papa na alagaan kayong dalawa." Pagkatapos ay ngumiti ito sa ina.

I don't know what to feel right now... Maybe envious? Happy? or I think both. Naiinggit ako kasi noong ako pa si Brittany at noong buhay pa ang magulang ko ay hindi ko nagawang makapaglambing sa kanila, miski sa Tito at Tita ko na nagpalaki sa'kin. I'm happy because there's still a guy out there who cares about his family, may mga lalake pa ring kasing lambing ni Dos pagdating sa Ina at kapatid nito.

"Hindi ka nagagalit sa Papa mo?" maingat na tanong ni Ashanty.

Dos immediately shake his head. "Wala naman akong dapat na ikagalit. Lahat naman kasi ay may rason e, atsaka nalang ako magagalit kapag sinabi niya na ang rason kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya rito."

Tumango-tango naman sina Ashanty. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay si Cooper, tumatango-tango ito pero tila may malalim itong iniisip. Binalewala ko nalang pansamantala iyon dahil bigla namang si Elias ang nagsalita. "Pa'no kung reasonable naman ang rason niya?" tanong nito kay Dos.

"E'di mabuti. Walang magagalit." Kibit-balikat ni Dos bago ibigay ang hinimay na isda sa kapatid.

Halos mag-iisang oras nang matapos kami sa pag-kain at pagkukuwentuhan. Ashanty, Cooper and Elias was the one who clean up the place, tinuruan pa sila ni Summer. Summer is really close to lose her patience sa pagtuturo sa mga ito.

Napagdesisyunan naming magpahinga lang muna saglit bago pumunta sa bahay-panuluyan.

Dos accompanied his mother and sister to their house. Natagalan ito kaya ang akala ko ay hindi na ito babalik pa but I was wrong.

"Puwede ba tayong mag-usap?" marahang tanong nito. "May ipapakita lang ako sa'yo," ani nito.

Saglit lang muna akong napatingin sa katabi ko na sina Logan at Calypso na parehas namang hindi nagsasalita. Logan is closing his eyes habang nakatunganga naman sa kawalan si Calypso na mukhang pagod na pagod na because this is the first time I saw him like that.

Tumango ako kay Dos at tumayo.

Tumango rin siya. Nagsimula siyang maglakad papunta sa direksyon na malapit sa mga alon.

Tahimik ko siyang sinundan. Mukha siyang seryoso sa mga oras na ito. Huminto lang siya nang maabot na ng alon ang mga paa niya.

"Nagsinungaling ako kanina," mahinang wika niya pero batid ko ang tomo ng boses niya. He looks sad nad guilty about it.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "Saan?" tanong ko.

Bahagya siyang napakamot sa kaniyang batok. "Yung ano... Yung sinabi kong hindi naman ako galit kay Papa." Huminga ito ng malalim para kumuha ng lakas. "Nagagalit talaga ako sa Papa ko pero hindi ko lang gustong ipakita sa kanila. Sa iba. Kasi alam kong hindi tama na magtanim ng galit sa kapwa, lalo na kung sa tatay mo pa. Gusto ko man magreklamo pero hindi ko magawa kasi alam kong wala namang magagawa 'yon. I just can't help to get mad at him." aniya. "Sa'yo lang talaga ako may lakas na sabihin 'to kasi... Hindi ko alam. Yung awra mo lang siguro." Tumawa siya ng mahina.

Ngumiti ito sa'kin na tila nakahinga na siya ng maluwag. "Ang dami kong gustong isumbat sa kaniya ngayon. Ang dami kong gustong sabihin sa'yo but I always ended up refusing to say it. Nakakatakot e."

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko magawang makapagsalita because somehow, I felt what he said. Ang dami ko ring gustong ikuwento o sabihin pero hindi ko magawa dahil pinangungunahan ako ng takot, fear in betrayal, takot na baka hindi ka paniwalaan o 'di kaya'y hindi maintindihan ang point of view mo. Isa na ito sa problema ko noon pa. Hindi ko na maalis sa katauhan ko ito na parang kasangga ko na ito simula pa man bata ako.

"Anyway..." Ilang saglit lang ay kumunot ang noo ko nang may inilahad siyang isang sobre sa harapan ko. "Ang sabi mo sa'kin noong huli tayong nagkita ay ibigay ko yan sa'yo kapag nagkita ulit tayo," aniya.

Kunot-noo kong kinuha iyon dahil wala namang pumasok na ganoong senaryo sa utak ko. "Noong sa bahay-aliwan?" kuryosong tanong ko.

Tigas siyang umiling. "Mga ilang buwan na ang nakalipas. Siguro ay mag-iisang taon na. Hindi ko nga dapat ibibigay sa'yo yan kasi nalaman kong hindi ka pala nakakaalala noong nagkita tayo. Bakit ko nalaman? Feel ko lang, astig ako e." Tumawa ito. Hindi naman nakakatawa ang sinabi niya. "Baka kasi pera yung laman niyan, e'di mayaman na'ko," aniya bago ito nagtaas-baba ng kilay.

Tinarayan ko nalang siya't hindi pinansin.

Binuksan ko ang sobre at bahagyang nagulat matapos na mapamilyaran ang nasa loob noon.

Kunot-noo kong inilabas iyon at tinanggal sa pagkakatupi.

Bahagya along natigilan sa nakita.

It was one of the page.

But why it was broken?

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon