Fifty Six: Confusion

2.9K 219 3
                                    

Confusion

Ikatlong Persona

Nang makarating sila sa bahay-panuluyan ay tila nauubusan ng lakas na napaupo na lang basta si Cooper sa upuan niya. Hindi niya inakalang may babae pala siyang kapatid at ngayon niya lang nalaman. Ang tanging alam niya lang dati ay inasawa ng kaniyang ama ang Reyna Astrid dahil sa angkin nitong kagandahan at posisyon sa lugar. He also knows that the second queen, Queen Astrid, never really loves the king she was just forced to marry him by her parents.

He sighed as he rest his head on Ashanty's shoulder na nasa tabi niya. He close his eyes as he felt Ashanty's hand on his head na tila pinapakalma siya nito.

Her name is Viorea Ione Lavender, significes the color violet. Symbolizing dignity, independence and magic.

He conclude that Viorea was a few years younger than him. Pero bakit ngayon lang niya ito nakilala? Did the second queen hide her only daughter? Did she hide her because she doesn't want her to experience how pity the world is?

"May kapatid akong babae, Ashanty," wari'y parang batang saad ni Cooper na nakasandal sa balikat ni Ashanty. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Cooper nang malaman niyang kapatid siyang babae. Pagkasabik, galak at takot ang nangingibabaw.

"Nakita ko nga... Ang ganda. Hindi mo kamukha," buwelta ni Ashanty dahilan para mapasimangot si Cooper. Para sa binata ay palagi nalang tutol si Ashanty sa kaniya, kaya nagkakapikunan silang dalawa.

"Ampon ka lang siguro?" isa pang panggatong ni Elias na umupo rin sa gilid niya. Isa pa itong palaging ginagatungan si Ashanty sa pang-pipikon sa kaniya.

Inalis ni Cooper ang pagkakasandal niya kay Ashanty at parehas niyang sinamaan ng tingin ang dalawa bago ngumisi ng pang-asar. "Sabagay, mapagkakamalan talaga akong ampon kasi ako lang ang pinakaguwapo sa Walter," mahanging wika nito bago balingan ng tingin si Ashanty. "Sino may sabing hindi ko kamukha si Viorea? Para nga kaming nakatingin sa salamin kapag magkaharap," he said as he flashed his infamous smirk on them.

Ashanty and Elias made a disgust face habang nakatingin kay Cooper. But they can't change the fact that Cooper is somehow right. Sa lahat ng mga kapatid ni Cooper ay si Viorea lang ang halos kamukha ni Cooper, para silang magkambal kung pagmamasdan mo sila sa isang iglap.

The elites gather in the leaving room, except, ofcourse, Hendrix who's in his room.

"Bakit nga pala si Eraia yung pinaiwan ng dalawang reyna? Hindi ba dapat ikaw yon?" wika ni Elias sabay turo sa katabi niyang si Cooper.

Sabay-sabay silang tumango bilang pag-sang-ayon, maliban kay Cooper na nagkibit-balikat lang dahil maging siya ay wala ring maisagot sa katanungang iyon.

"Baka may nagawang kasalanan si Eraia?" may bahid na pag-aalalang wika ni Ashanty.

Agad namang umiling si Logan. "I doubt that," simpleng ani nito na kaagad namang naintindihan nila.

Calypso supress a small smile. "You know everything about her," he stated, trying to tease their leader, but the latter just shrugged it off.

"But the way the Queen Astrid smiled at her... I know what she's up to," mahihimigan ng pag-aalala sa boses ni Cooper. Napakamot ito sa batok niya. "Nakakabobo rin kasi minsan ang ugali ng ikalawang reyna. Ni hindi nga ako no'n pinapansin dati pero hindi ko masabing may galit siya sa'kin kasi pinapadalhan naman niya 'ko ng pagkain kapag hindi ako nabinigyan ng pagkain sa silid ko. Hindi ko rin siya nakitang magalit sa kung kanino. Ang ikalawang reyna ang mismong kaibahan ng ikaunang reyna na palaging nakangiti at may magaan na presensya." Huminga ito ng malalim habang inaalala ang dalawang reyna. Hanga siya sa pagiging magkaibigan ng dalawa. Hindi kailanman natibag iyon kahit na lalake na ang pinag-uusapan. The one who always forgive and the one who keeps their promises. They were a best duo.

"Gagi mga tol. Ngayon ko lang nakitang parang sumabog sa galit ang ikalawang reyna. Para siyang mangangain ng tao. Ngayon lang ako natakot sa kaniya, sa totoo lang. Sa lahat kasi ng limang reyna ay siya ang pinakamagaling sa larangang pagkontrol ng emosyon. Ni hindi niya dati ginagawang tumutol sa kahit sinong tao sa loob ng palasyo, she just stare at them at iignora na lamang," kuwento ni Cooper. "Heartless Queen. Iyan ang bansag sa kaniya rito sa Synvenxia. Kaya kung ano man ang dahilan kung bakit pinaiwan nila si Eraia doon ay alam kong napaka-seryoso noon."

Tumahimik ang paligid. Napansin ni Cooper na nakatingin sa kaniya ang lahat kaya kumunot ang noo niya sa pagkailang. "Gagi anong mga tingin yan?" naiilang na aniya.

Ashanty, then smiled at him as she pat the head of Cooper along with Elias who tapped Cooper's shoulder. Mas lalong nangunot ang noo ni Cooper dahil naramdaman niyang parang naging bata siya sa ginawa ng dalawa. Pero agad ding nawala ang pagkakakunot ng noo niya nang marinig ang sinabi ni Ashanty.

"We're so proud of you, Cooper," nakangiting wika ng dalaga. Naging mahinhin ng boses nito at malambing na bahagya niyang ikinagulat, o sabihin na nating bahagya nilang kinagulat. "Nasasabi mo na kahit papaano ang tungkol sa pamilya mo," dugtong nito.

Agad namang sumang-ayon si Calypso na nasa harapan nilang tatlo. "Samantalang dati ay palagi mong iniiwasan ang tungkol diyan," turan nito. "Batid kong gumaan na yung pakiramdam mo kasi unti-unti mo nang sinasabi ang tungkol sa pamilya mo."

Cooper didn't respond. He just stared at the floor habang pinapakiramdaman ang sariling emosyon. Kalaunan ay wala sa sariling napangiti siya bago tumango bilang pagsang-ayon kay Calypso. It feels so great pero nahihiya siyang hindi niya man lang kinuwento ang tungkol sa pamilya niya sa kanila kahit na matagal na silang magkakasama. "Sorry kung ngayon lang ako nag-kukuwento ha? Badtrip kasi eh..." He humorlessly laughed. "Yung trauma na naranasan ko sa kanila... Hindi ko kinakaya," mahinang wika nito.

And yes, at this moment, they saw how Cooper being transparent in his emotion. He's still in pain. Sa likod ng masayahin at maligalik na personalidad nito ay hindi nila inakalang may ganito palang sakit na tinatago ang binata.

Nagtaas ng tingin si Cooper at tumingala para hindi tuluyang pumatak ang luha na nangingilid sa gilid ng mga mata niya. "Hala mga gago, ang drama," natatawang aniya.

Dahil doon ay sabay-sabay silang napangiti. Binatukan pa ni Elias si Cooper dahil sa sinabi.

Logan just stared at his members. Ofcourse, he was happy that he can now see his members, his friends, slowly open up their problems. It was a great decision after all, forming them was a great decision.

Author's note: Check my message board if you want to get spoiled for the next chapter😚

New description: Happiness, agony and pain. It was all written in a book. A book that no one knows, no one can read and no one will see. It was in our mind. Our story. Our darkest era.

Catchy po ba?

ps. Thank you for continue reading this story! Nakakatuwa grabe kayo😭❤ Hi nga pala Fresha_maiden HAHAHAHAHAHA pakigalaw ang baso, sa'yo nakasalalay ang lovelife ni Brittany/EraiaHAHAHAHAHA char

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now