Eighty Six: Alcázar Fortress

1.7K 124 4
                                    

Alcázar Fortress

Ayon sa libro ng mundong ito ay ang Alcazar Fortress raw ay isang tawag sa pakikipag-alyansa ng mga bandido sa mga Mafioso. But the words Alcazar Fortress became the forbidden word in this world because of the bandit guy named Rum and the mafia heiress named Zelia. Alcazar Fortress is just an alliance between the mafia and bandits, but Rum and Zelia cross the line when they both decided to love each other until their last breathe. Nagbunga ang pagmamahalan ng dalawa ng isang lalake na agad ding ipinapatay ng nga Mafioso dahil para sa kanila ay isang kasalanan ang batang iyon.

The history was published 9 years ago. The most raw history in the world. Some says that it was just a story or a myth because no one can really prove that thing. People just started the rumors like that because they didn't hear any news about the Alcázar Fortress.

Agad akong napabitaw sa batang humawak na lang bigla sa kamay ko't inamoy-amoy ito. Nangunot pa ang noo ko nang hindi man lang ito nagulat nang ilayo ko ang kamay sa mukha niya.

He just stared at me like I'm the most interesting things in the world but that wss stop when I heard Remzel's voice calling for someone's name.

Nilinga ko ang aking ulo para mahanap kung nasaan ang boses pero nang muling paglingon ko sa bata ay wala na ito kasabay ng pagkawala rin ng boses ni Remzel.

Huminga ako ng malalim at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang muli ko nanamang narinig ang boses ni Remzel pero ngayon ay may tila pinapagalitan na ito. That's why I followed the voice since siya rin naman ang sadya ko kaya ako lumabas.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ang isang mumunting bahay na hindi kalakihan. Yari ito sa kahoy tulad ng tinutuluyan namin ngunit hamak na hindi mas maganda ito kaysa sa'min.

There, I saw Remzel with the child I've seen earlier, wari pinapagalitan ni Remzel ang bata dahil sa bigla nitong pag-lisan. Natigil lamang iyon nang maramdaman ng lalake ang presensya ko.

Sabay silang lumingon sa'kin. Kumunot ang noo ni Remzel samantalang ako naman na nakakunot ang noo ay dahan-dagang nagblangko ang ekspresyon.

Tumayo ng tuwid si Remzel bago senyasan ang batang pumasok sa bahay na nakita ko. Pero ang batang lalake ay hindi siya sinunod, sa halip ay lumapit ito sa'kin at muling hinawakan ang kamay ko't inamoy iyon.

Nagtatakha man sa ginagawa ng bata ay hindi tulad kanina ay hindi ko na inilayo rito ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" tanong sa'kin ni Remzel, naglalakad papalapit patungo sa'kin.
"May ilang katanungan lang sana akong gustong tanungin sa'yo. Pero sa ngayon..." Tiningnan ko ang bata. "Nais ko munang malaman kung sino ang batang ito." Bago ko siya muling lingunin.

Saglit munang nakipagtagisan ng tingin sa'kin si Remzel pero ilang sandali lang ay wala rin itong nagawa at iminuwestra ang daan patungo roon sa bahay na nakita ko't nasa harapan namin ngayon.

Agad na'kong naglakad patungo roon nang hindi tinatanggal ang hawak ng bata. Ako na rin ang nagbukas ng kahoy na pintong walang seradora at agad iyon pinasok para makita ang loob.

Nang makapasok ay nakita ko ang loob na maayos naman at wala masyadong kagamitan. Umupo na lang ako sa yari sa kahoy na upuan kasama ang batang hawak pa rin ang kamay ko. Nilingon ko ito. "Anong pangalan mo?" tanong ko sa kaniya.

Binigyan niya 'ko ng isang tingin na hindi man lang nagpapakita ng kahit anong ekspresyon. "Sin," kiming aniya.

Saglit ko pa siyang pinakatitigan bago marahang tanguan at hindi na lang pansinin.

Ibinaling ko na lang ang atensyon kay Remzel na umupo sa upuang nasa harap ko. Bago pa man ako muling magtanong ay nagkusa na ang lalake'ng magkuwento. "Tiyak kong alam mo ang history ng Alcázar Fortress kaya pamilyar ka na sa pangalang Rum at Zelia," ani nito. "Ako ang kapatid ni Rum na isang bandidong umibig sa isang tagapagmana na si Zelia." Tumawa ito ng mahina. "Kung inaakala mong parehas na nagmamahalan ang dalawa ay nagkamali ka. Zelia is nothing but a cunning bitch, magaling siya sa victim-blaming. Ginamit niya lang ang pagmamahal ng kuya ko para sa mga mithiin niya. Totoo ngang nagkaanak sila pero si Zelia mismo ang nagpapatay sa bata dahil hindi niya gusto ito maging ang kapatid ko. She even accused my brother for raping her which is untrue because she gave herself to him willingly." Nag-iwas ito ng tingin sa'kin, kumuyom ang mga kamao at nagtangis ang bagang. "Kaya namatay ang kapatid ko dahil sa Zelia na iyon. Huli na ng malaman ng mga mafioso na nagsisinungaling si Zelia kaya't wala silang nagawa kun'di ang isunod ang babae sa kuya ko," kuwento nito.

"Tunay ngang pinapatay ng mga mafioso ang bata hindi dahil isa itong kasalanan, kun'di dahil magiging delikado ang bata sa mundong 'to, lalo na sa mga mafia. He's a halfblood of bandits and a halfblood of a Mafia." Ngumisi si Remzel bago tingnan ang bata na nasa tabi ko. "Pero hindi ko hinayaang patayin nila ang pamangkin ko. Hindi ako naniniwala sa mga haka-hakang siya ang sisira sa mundong ito dahil isa lang naman siyang normal na bata, may dugo lang siyang bandido at Mafia."

"Kaya ka ba may hinanakit sa mga babae?" tanong ko sa kaniya. Tulad kasi ng mga naalala kong sinabi niya noon ay tiyak kong may sama siya ng loob sa mga babae. "Dah sa Zelia na iyon?" dagdag ko.

Tahimik siyang tumango sa'kin kasabay ng mas lalong pagkuyom ng mga kamao niya. "Wala siyang kuwentang babae dahil ninais niyang ipapatay ang sarili niyang anak."

I blinked twice. I can't help but to agree with him. Tama siya. Wala siyang kuwentang babae. Walang kamuwang-muwang ang bata tapos ipapapatay niya lang? Ni hindi pa nga ito mulat sa problema ng mundong ito .

"Kung gayon... Paano mo maipapaliwanag sa'kin na naaamoy niya ang dugo ko?" tanong ko dito dahil ang alam ko lang na nakakaamoy ng dugo ay si Summer.

Natigilan si Remzel sa naging tanong ko pero kalaunan ay natawa din. "Naaamoy niya dahil pinapaamoy mo, Prinsesa."

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon