Eighty One: The Extraordinary

1.8K 142 17
                                    

The Extraordinary



Sa pagkakataong ito ay ako ang naunang sumugod kay Remzel tulad ng alam kong inaasahan niyang mangyari. I just need to do that and act like I'm weak like he thought.

Mahina ang mga suntok binibitawan ko para sa kaniya na madali niya lang naiiwasan. Nakangisi ito sa'kin na wari'y siya na agad ang panalo.

Hindi ko muna ginagamit ang paa ko para makipaglaban at nag-aktong hindi iyon ang kadalasan kong ginagamit sa mga pakikipagtunggali.

Habang naglalaban kami ay sinigurado kong ang bawat kilos niya, maliit man o malaki, malakas man o mahina ay alam ko.

Hindi pa rin nawala ang ngisi sa labi niya kahit na nasa gitna kami ng pagtutunggali ngayon.

Nailing na lang ako at umatras para siya na ang sumugod sa'kin.

Pinakawalan niya ang may katamtamang lakas ng suntok sa'kin na agad ko rin namang naiwasan. Kahit man mag-asal mahina ako sa harapan niya ngayon ay hinding-hindi ako magpapatama ng suntok sa kaniya.

Mas lalo pang lumaki ang pagkakangisi niya dahil sa pag-iwas ko habang pinapanood ang mga bawat galaw ko. I know that he's memorizing all of my movement that's why I intentionally fight like a weak one.

"You're so easy to read," natatawang aniya sa pagitan ng mga pagpapatama ng pagsuntok niya sa'kin ngunit kasabay ng pagsasalita niyang iyon ay ang pagbitaw naman niya ng isang malakas na suntok.

I hide my smirked before dodging his punch that made him a little taken aback pero muli ring nagpakawala ng sunod-sunod na suntok.

Tio bad for him dahil madali ring mabasa ang mga kilos niya. Napansin kong hindi niya masyadong ginagalaw ang mga paa sa pakikipaglaban at alanganin rin siya sa mga bawat hakbang niyang ginagawa. Dalawa lang ang ibig sabihin noon, una ay hindi siya sanay na gamitin ang paa niya sa pakikipaglaban na pero imposible iyon dahil isa siyang bandido na binabayaran ng mga mafia, o pangalawa ay injured ang isa sa mga paa niya.

While focusing of dodging his attacks ay sinubukan kong ilock ang mga paa niya gamit ang akin ngunit agad niya lang itong iniwasan tulad ng inaasahan ko. As he dodge my moves ay agad akong nagpakawala ng isang malakas na sipa patungo sa mukha niya na hindi niya agad naiwasan.

When my feet landed on the ground ay kasabay din noon ang pagbagsak niya ngunit sadyang malakas ang isang ito dahil agad itong tumayo't nagpahid ng dugo bago ngumisi sa'kin. "Magaling ka sa panlilinlang, Prinsesa," aniya na mukhang natutuwa pa sa ginawa ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Magaling lang talaga akong manahimik," simpleng wika ko sa kaniya. Nagpakawala ako ng isang malakas suntok na kaagad niyang sinalo na parang wala lang sa kaniya ang puwersa na pinakawalan ko lalo pa't madali niya lang akong nahila palapit sa kaniya para sikmuraan.

Mabilis ang kilos niya kaya minabuti kong sabayan na rin ang bilis niya't agad na inapakan ang isang paa niya na sa tantiya ko'y iyon ang hindi komportable niyang ginagamit sa pag-apak.

"Tangina!" mahinang mura niya nang maramdaman ang madiing pag-apak mo. Nabitawan niya rin ang pagkakahawak sa'kin pero bago iyon ay pabalya niya 'kong inilayo sa kaniya dahilan para mapaupo ako ng wala sa oras dahil sa pagkabigla. Hindi naman kasi iyon ang inaasahan kong reaksyon niya!

"Eraia!" Narinig kong sabay-sabay na sigaw ng mga elites.

Naiiling na lang akong tumayo at nagpagpag ng damit. Saglit kong nilingon ang elites at tinanguan bago muling pagmasdan si Remzel.

Hindi ko magawang maawa sa kaniya dahil dati pa man ay iyon na ang gawain ko.

Take advantage on someone's weakness.

Nakita kong tuluyan nang nawala ang ngisi sa mga labi niya.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan kasabay ng kusang paglabas ng baril sa mga kamay ko.

Itinutok ko sa kaniya iyon dahilan para ikalingon niya ang paningin sa'kin. Hindi kinakitaan ng gulat, pagtatakha at takot sa mga mata niya nang magtama ang paningin namin. Wari sanay na sanay na siya sa ganitong sitwasyon. Pero agad ding nagbago ang ekspresyon niya nang makita ang hawak-hawak kong nakatutok sa kaniya.

Kumunot ang noo niya pero hindi niya magawang makapagsalita sa hindi malamang dahilan.

"I wasn't born as a decent and prim Princess, Remzel," mahinang wika ko sa kaniya kasabay ng pagbibigay ko ng isang matamis na ngiti. "Huwag mo 'kong huhusgahan kung ang pinagbabasehan mo lamang ay ang mga sinasabi ng iba," patuloy ko kasabay ng paghakbang ko papalapit sa kaniya.

Mahina itong tumawa na para bang isang biro lang ang sinabi ko. "Kahit na isa kang Lavinia ay babae ka pa rin, walang sil—" Bago niya pa man maituloy ang sasabihin niya ay agad kong sinipa ang tuhod niya ng malakas dahilan para mapaluhod siya ngayon sa harapan ko't hindi pa rin nakakabawi ng lakas sa kaninang ginawa ko.

Agad ko siyang kinuwelyohan gamit ang isang kamay ko na walang hawak athinigpitan iyon. Mariin ang pagkakatingin ko sa kaniya. "Isang babae na alam ang kahinaan mo. Isang babae na niluluhuran mo ngayon at isang babae na nagpawala ng dignidad mo." Nginisihan ko siya. "Ngayon ay sabihin mong walang silbe ang mga babae sa mundong ito?" Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakakuwelyo ko sa kaniya dahilan para wala sa sarili siyang napahawak sa pala-pulsuhan ko't pilit na tinatanggal iyon habang binibigyan ako ng isang matalim na tingin.

Nang hindi niya matanggal ang pagkakakuwelyo ko sa kaniya ay ako na mismo ang kumalas, pabalya siyang binitawan.

Pinantay ko ang aking paningin sa kaniya bago siya marahang tinampal-tampal. "Nasa mundo kang ito dahil sa isang babae, Remzel. Wala ka kung walang babae. Kaya ayus-ayosin mo yang paniniwala mo kung ayaw mong ako pa mismo ang makapagpabago niyan," dagdag ko bago ko siya iwan sa gitna ng field.

Pero bago pa man makaalis ay agad akong napahinto nang may maalala kaya nilingon ko siya kasabay ng muli kong pagtutok ng baril sa kaniya.

Pinakawalan ko ang isang bala na sigurado kaong didiretso sa braso niya para hindi niya iyon magamit ng ilang linggo o buwan.

I plastered a satisfied smile when I heard him scream in pain.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now