Fourteen: Secret Fantasy

6.5K 399 14
                                    

Secret Fantasy

Sapo-sapo ko ang aking ulo habang naghahabol ang hiningang napaupo mula sa pagkakahiga ko. Hindi ko alam kung isa lang ba 'yong panaginip or some memories of Eraia.

Just a glimpse of some scenarios ang naalala ko sa panaginip na iyon. May dala-dalang libro si Eraia, kasama ang tunay na katawan ko. We are both running from something, I was trying to protect Eraia in that scenario while Lady Eraia was busy protecting the book. Hindi ko maalala ang itsura ng libro, ang tanging nakita ko lang ay isang itim na itim na pabalat.

Bumuntong hininga na lang ako habang pilit na iwinawaksi ang napanaginipan bago ako tumayo sa kama upang maghanda na para sa araw na ito.

Today is saturday and we're allowed to go outside the school. Dadaan ako sa palasyo ng Veintorici pero hindi rin magtatagal. Napagplanuhan kasi naming elites na maglilibot kami sa sa sentro, hindi para maggala kundi para maghanap ng puwedeng pagkuhanan namin ng ideya para sa misyon naming hanapin ang libro.

Matapos kong mag-ayos ng gamit at katawan ay minabuti ko munang kumain sa cafeteria. Alas-ciete palang ng umaga kaya alam kong wala pang araw na sumisilay sa langit at may malamig pang simoy ng hangin. A perfect time for me to go out.

Kagaya ng inaasahan ay wala man lang akong nakakasalubong na mga estudyante. Pero hindi ko inakalang pagkalabas ko ng dorm ay may naghihintay na pala sa'kin.

Tumaas ang kilay ko ng lapitan niya 'ko. "Is fetching your member a part of being a leader?" sarkastikong tanong ko kay Logan.

He just replied me with his famous smirked bago hilahin ang pala-pulsuhan ko't dalhin ako sa direksyong patungong cafeteria. "We, Elites, are going to have breakfast together."

Nangunot ang noo ko. "I think you forgot that I'm a hidden member of your group," pag-papaalala ko sa kaniya.

"So? There's no rule that elites can't have breakfast with a 'mere' student like you," wika niya rin sa'kin.

Wala na'kong nagawa kun'di ang magpahila sa kaniya dahil malapit naman na kami sa cafeteria. Wala masyadong tao sa loob at tanging kami pa lamang na mga elites ang unang kakainin. Mabuti na'to keysa naman sa may makakita pang kasama ako ng mga elites. It's not that I'm scared to have issues since Lady Eraia is also a princess, but I'm too tired to argue with someone. Sa pag-alam pa nga lang sa totoo'ng pagkatao ni Eraia ay pagod na'ko e, iyon pa kayang may makasalamuha akong hindi kaaya-ayang nilalang sa mundong 'to.

"Goodmorning ha," turan ni Ashanty sa mismong mukha ko. "Ang aga-aga, nakakunot agad yung noo. Buti na lang maganda ka," iiling-iling na patuloy nito.

Tinaasan ko siya ng kilay bago ngumisi. "Hindi ba tayo pipila sa counter?" I asked. This is my first time having a meal with them so I don't really know if the staff were automatically giving their foods, lalapitan sila para kuhanin ang order o 'di kaya ay pipila pa rin.

"Hindi. Advantage ng pagiging elites," proud na wika ni Cooper. I just hear Calypso sighed at nakita ko naman mismo ang pagbatok ni Elias rito.

"Tamad ka lang talaga, gunggong!" pagbuwelta ni Ashanty rito.

Sa totoo lang ay sa tuwing kasama ko sila, palagi na lang akong nakakanood ng eksenang mag-ba-bardagulan itong sina Ashanty, Cooper at kung minsan ay sumasama pa si Elias, while Calypso is the mother of the group, the one na palaging nananaway. At si Logan? He really acts like a leader, isang tingin niya pa lang sa mga ito ay hihinto na sila agad. He don't need to say a word to make them stop.

"Sa umaga lang kami pumipila pero kapag hapon at gabi, may pumupunta na sa'ming staff," sagot ni Calypso sa tanong ko.

Tumango ako sa kaniya bago tumayo. "Ako na ang mag-order sainyo," alok ko sa kanila.

Napamaang sila sa sinabi ko. May masama ba? Iniisip ba nilang ako rin ang magbubuhat ng mga pagkain nila?

"I'll be the one to order pero kayo pa rin ang magbubuhat ng mga pagkain niyo," dagdag ko.

Sabay na napanguso si Cooper at Ashanty sa sinabi ko. "Akala ko pa naman," bulong ni Cooper.

Napatingin ako kay Logan nang hawakan niya ang palapulsuhan ko para muling paupuin. Magkatabi kami sa upuan habang kaharap naman namin si Cooper, Ashanty at Calypso samantalang si Elias naman ang nasa host seat na katabi ni Cooper at Logan.

Tinuro ni Logan sina Cooper at Elias, "You two. Order our food," utos nito sa mga ito. Sabay na napabuntong-hininga ang dalawa pero hindi na nagreklamo at sumunod na lang. Sinabi ko lang na pancake ang order ko pero dinagdagan naman iyon no Ashanty ng mga french fries at salad.Hindi nalang ako umangal since I want to try something new right now.

Habang naghihintay ng pagkain ay pinag-uusapan muna nina Ashanty ang tungkol sa falls.

"The falls is really great. Nakapunta na'ko doon, tatlong beses na pero palagi pa rin akong namamangha sa tuwing makikita ko yung lugar," kuwento ni Calypso sa babae. Kumikinang ang mga mata ni Ashanty habang nagkukuwento si Calypso dahil sa tuwa at galak.

"Totoo bang kapag lumublob ka raw doon, malalaman mo yung sikretong minsan mo nang nakalimutan? I mean, hindi ako sure kung yun yung exact sentence pero iyon ang pagkakatanda kong kinuwento ng nanay ko," wika ni Ashanty.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila samantalang ang katabi ko naman ay nakikinig din pero mukhang hindi sinasaulo ang usapan.

Nagkibit-balikat si Calypso. "Hindi ko alam. But there's also a rumors that the falls create an illusion at iyon ang paniniwalaan ng mga taong nakaligo na sa falls, kaya tinawag iyong Fantasy falls. On the other hand, may mga nagsasabi namang sa oras na lumublob ka sa talon na iyon ay maaalala mo ang mga nakalimutan mong sikreto katulad ng sabi mo. No body really knows the truth since ni isa doon ay wala pang nagbalak maligo, at kung mayroon man dati, siguro ay pinigilan siya ng iba," mahabang litanya niya.

Maging ako ay napatango-tango sa sinabi ni Calypso. May naibago nanaman akong nalaman sa lugar na ito.

Pamilyar ang lugar na iyon. Fantasy falls. Tila nabasa ko na iyon sa kung saan but I don't remember anything. Ang katawang ito ay nagrereact na alam niya ang tungkol sa Fantasy falls na iyon that's why I believed that Eraia's know the place.

Or maybe... she already went there?

Author's note: Umabot na'ko sa puntong makipag-debate sa sarili ko kung mag-uud ba'ko ngayon since I'm busy starting a really small business with my tropas but yeah, I feel incomplete everytime hindi ako nakakapag-udHAHAHAHA chos.

Ang daldal ko na. By the way, thank you guys for continue reading this Anecdote Of The Darkest Era and for voting this.

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now