Seventy Three: Luminesce

1.9K 158 42
                                    

Luminesce



Ikatlong Persona


Hanggang ngayong nasa biyahe ay hindi pa rin makapaniwala si Brittany  na nasa mundong ito si Blue. Marami man siyang katanungan ay hindi niya magawang matanong ito dahil bantay sarado ang mga titig ng elites sa kanila lalo na't sinabi nitong nobyo niya ito. Hindi naman nagreklamo si Brittany sa sinabi ni Blue.

Kasama nila si Blue sa sasakyan maging ang dalawa niya pang kasama na parehas lang mga tahimik at walang kibo. Hindi rin ito nagpapakilala at hindi rin pinakilala ni Blue ang mga kasama niya.

Buntong-hiningang sumandal na lang si Brittany sa balikat ni Blue na kaniyang katabi. Magaling na ang sugat ng lalake maging na rin sa dalawa niya pang kasama dahil sa gamot na ginawa ni Brittany.

Puno man ng katanungan sa isip ay nararamdaman pa rin ni Brittany ang kasiyahan dahil parang hindi na siya nag-iisa sa lugar na ito. Hindi lang si Kim ang nakita niya ngunit maging na rin si Blue na hindi niya talaga inaasahang makikita niya ngayon.

She unconsciously smiled when she felt Blue's hand caressing her hair. Katulad ng dati.

"Are you still sick?" mahinang tanong ni Brittany dito.

Agad na umiling si Blue. "Hindi na... I'm already fine," he said. Nang maramdaman ng lalake na muli pang magtatanong ang dalaga ay muli siyang nagsalita. "They are fine too," dagdag niya.

Tahimik na tumango na lang si Brittany na tila nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito.

Kilalang-kilala pa rin talaga siya ng lalake kahit na matagal na silang hindi nagkita.

They are cousins after all.

SA isang tabi naman ay tahimik lang na nakapikit si Logan habang pinapakiramdaman ang paligid. Paulit-ulit niyang tinanong ang sarili na bakit hindi niya magawang magselos sa lalakeng nagngangalang Blue pero isa lang palagi ang pumapasok na sagot.

Wala naman siyang dapat na ikaselos. Ano naman kung nobyo ito ng dalaga? Kung ang asawa nga ay naaagaw pa rin, ano pa kaya ang nobya?

"Hindi ka nagseselos?" tanong sa kaniya ni Ashanty. "Kung ako sa'yo ay magseselos na'ko. Ang guwapo ng nobyo ni Eraia," pangsulsol ni Ashanty rito.

Nagmulat ng paningin si Logan bago huminga ng malalim at humalukipkip. "I'm not threatened by him so no, I'm not jealous."

Agad na napatango tango si Ashanty at humalukipkip rin. "E'di sa kapatid mo lang ikaw threatened pati kay Hendrix." Nagtaas-baba ang kilay nito.

Logan sighed and nodded. "Only Hendrix."

"Sabagay. Para kasing ang soft boy ni Hendrix. 'di ba boss? Nagulat nga rin ako nang malaman kong birhen pa pala yon. Ikaw kasi parang hindi na e," wika nito.

Logan just shook his head after hearing those word on Ashanty. Only if she knew.

"Pero pa'no kaya nagka-boyfriend si Eraia? I mean, may gusto siya sa kapatid mo hindi ba?" muli nitong tanong.

Agad na nagkibit-balikat si Logan bago balingan ng tingin si Eraia at Blue. "Ask them."

Katulad ng sinabi ni Logan ay iyon nga ng sinunod ni Ashanty. "Gaano na kayo katagal?"

Agad namang natigialan si Brittany dahil sa tinanong ni Ashanty.

Habang si Blue naman ay kaswal lang na sinagot ang babae. "It's quite long. More than a year. she was 19 years old when we became together. And yes, I know that she have feeling on that Prince Frost but I don't care," he smoothly lied to them.

Hindi naman maiwasang mapangisi ni Brittany dahil sa sinabi nito ngunit agad na lang iyong tinago. She could help but to be proud on him. He improved.

Ashanty gaped at the story. Para sa kaniya ay ang lakas ni Blue dahil kaya niya ang ganoon sitwasyon.

"You have strong heart," komento ni Elias.

Natawa naman si Brittany dahil doon.  Strong heart raw, samantalang nagkasakit ito sa puso.

SA kabilang banda naman ay tahimik na nakikinig si Hendrix sa mga pinag-uusapan ng mga ito kahit na parang nagbabasa lang siya ng libro. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang maramdaman pero hindi nya rin namang magawang magselos dahil sino nga ba naman siya? Ni hindi niya rin magawang umamin dito.

Sinubukan naman niya pero tila hindi niya magawa sa tuwing kaharap niya ang dalaga. He couldn't help but to sighed.

If only he can approach Eraia without having any trouble of breathing.

Saroi-sari ang mga naging reaksyong ng elites dahil sa sinabi ni Blue. Hindi naman nila mahusgahan si Eraia dahil wala sila sa posisyon nito.

"Hindi ko siya sinagot ha? Kung may ano man kayong iniisip ngayon sa'kin. Lilinawin ko lang na hindi ko siya sinagot. Sadyang makulit lang talaga ang taong ito kaya't hinayaan ko na," wika ni Brittany nang maramdaman ang titig ng mga kasamahan niya.

Tila namang nakahinga ng maluwag ang elites at tumango-tango.

"Eh pa'no na ang Boss namin?" naghihimutok na wika ni Cooper.

Nailing na lang si Eraia. "Boss niyo pa rin siya," prenteng wika nito.

Natahimik na lang si Cooper at hindi na nagsalita ngunit nakanguso pa rin ito.

Huminga ng malalim si Brittany. "Bakit nga pala kayo nandoon sa lugar na iyon? And are you following us?" kunot-noo'ng tanong niya sa katabi niya.

Agad na umiling naman si Blue bago tinuro ang isang lalake na singkit ang mata. "He needs the luminesce stone, Nagkataon lang na dumaan kayo doon kaya naging alerto kami dahil parehas ng direksyon ang pupuntahan niyo sa pupuntahan namin so we conclude that you were getting the luminesce stone too," kuwento nito.

Tumango si Brittany bago sumandal. "Hindi ang batong iyon ang kailangan namin. At bakit hinahanap niyo iyon? Bakit niyo kailangan 'yon?"

"For someone," mahinang wika ng binatang si Blue.

Agad namang naintindihan ni Brittany ang sinabi ng lalake at tumango na lamang.

"Madalang lang ang makakita ng luminesce stone. Hindi mo pa alam kung saan ba ito mahahanap sa lugar na ito. But I know someone who owns one," simpleng turan ni Hendrix na basta na lamang nagsalita sa isang tabi.

"Hindi namin kailangan ang tulong niyo," malamig na wika ng lalakeng singkit na kasama ni Blue.

Hindi maiwasang mapangisi ni Brittany. Sinasabi na nga ba't masungit ang singkit na lalake'ng ito. wika sa isip ng babae.

"Hindi ko naman sinabing tutulungan ko kayo. Sinabi ko lang iyon para makalayo na kayo kay Eraia," masungit na wika ni Hendrix na nakapagpatahimik sa lahat ng tao sa loob ng sasakyan.

"Ikalma ang damdamin, Hendrix," bulong na wika ni Ashanty sa lalake bago natawa sa sariling sinabi.

Author's note: Double ud later at 11 pm.

Ano pronunciation niyo sa luminesce?

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now