Ninety Three: Edge of Falling

1.4K 89 10
                                    

Edge of Falling




Ikatlong Persona




Tahimik na naglalakad ang lahat at hindi na sinubukan pang mamahinga dahil sa bukod na delikado ang tulay ay wala na rin naman silang balak na magtagal pa sa lugar. 


Kasalukuyang bumaba na si Ashanty sa likod ni Elias dala na rin ng pagkangawit. Nakatulog na rin siya sa bisig nito na dahilan kung bakit nagkaroon ulit siya ng enerhiya para maglakad at magpatuloy. Kung hindi pa talaga bababa si Ashanty sa likod ni Elias ay paniguradong mas lalo lang magiging delikado ang buhay niya. 


Proud sa sarili si Elias nang nagawa niyang habaan pa lalo ang pasensya para sa dalaga at hinihiling niya na sana ay tumagal ang pasensyang mayroon siya.


Samantalang si Brittany naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil simula ng maglakad sila sa tulay ay unti-unti niyang nararamdaman ang tila pagsisikip ng dibdib niya nang sa una ay hindi niya lang pinapansin pero ngayon ay hindi niya na napigilang haplusin ito para sana ibsan ang sakit ngunit tila walang epekto ang ginawa niya dahil patuloy lang ito sa paninikip. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang ang pananakit ng dibdib niya ay tila ba hinihigop ang enerhiya niya.


Naramdaman niya ang biglang pagkahilo dahilan para mapahawak siya kay Blue na nasa kaniyang tabi. Napahinto ang binata dahil doon. "Ayos ka lang?" may bahid ng pag-aalala ang boses nito sa naging tanong.


Brittany bit her lower lip as she slowly shook her head. Mas tumindi ang paninikip nito at nahihirapan na rin siya makahinga pero pilit niyang tinatatagan ang sarili sa isiping malapit na silang makaalis sa lugar. Ngunit ang katawan ni Eraia ay mukhang hindi nakikisama sa iniisip ni Brittany dahil tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niyang nanlalambot dala ng paninikip ng dibdib niya. Nagsilbi itong thehilan para mapahinto sa paglalakad ang elites, dala na rin ng biglaang paghiyaw ni Blue.

"Anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Calypso na siyang pinakamalapit kina Brittany. Agad niyang nilapitan ang dalaga kahit na madulas ang lapag. Inalo niya ito katulad ng ginawa ni Blue na lumuhod para mapantayan ang pinsan niya.


"May masakit ba sa'yo?" nag-aalalang tanongf ni Ashanty at sinubukang lapitan si Eraia ngunit hindi natuloy ang paglalakad niya dito nang pigilan siya ni Elias.


"Masyadong malayo si Eraia, Ashanty. Baka mapahamak ka pa kapag lumapit sa kaniya." Bago pasadahan ng binata ang butas kung saan nasa harapan lang ni Eraia o ni Brittany. Maging siya ay nag-aalala din naman para kay Eraia pero hindi niya magawang lapitan ito. Atsaka kaagad din naman lumapit si Calypso. 


Nilingon ni Elias si Logan na nakatingin lang kay Eraia at wala man lang itong karea-reaksyon habang pinagmamasdan na maghirap ang dalaga. Kumunot ang noo ng binata dahil sa nakita. 

Anecdote of the Darkest Era (On-Hold)Where stories live. Discover now