[16.2] The Sad Truth

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang nagtatakang gumalaw sa amin. diretso lamang ang tingin namin sa mga kataas taasan.

Napadako ang aking tingin sa magkasintahang si Luxius at Chambier.

Gaya kanina ay nakangiti ang mga ito ng hindi maganda tila ba sinasabi ng mga ngiting namayani sa kanilang mga labi na sila ang pinaka masayang nilalang.

"Madeline" napapitlag ako ng may humawak sa aking balikat nilingon ko kung sino ito.

Isang maamong binatilyo ang aking nasilayan.

"Justin" sambit ko sa pangalan nito ngumiti ito ng matipid saka ako inalalayan pabalik sa aming hapag.

Nilingon ko naman ang aking kapatid na si Alison na akay akay narin ni Raph, si Jullie naman ay gulong gulo rin ang imahe ng kanyang mukha, samantalang si Paul hindi ko makita kung nasaan.

"Sabihin nyo nga. Palabas lang ba ang lahat?"

Diretsong tanong sa amin ni Raph ng makaupo kami yumuko lamang ako at itinago ang aking mukha.

Bakit nga ba namin nakalimutan

NAKAKATAKOT nga pala kami para sa kanila.

"Totoo.

Isa kaming Witch"

Walang emosyong tinig ng aking kapatid.

"Alison" sambit naman ni Jullie na natitiyak ko ngayon na hindi makapaniwala sa ginawang pag-amin ng aking kapatid.

"Ngayon layuan nyo narin kami" pagdudugtong ni Ate alison.

"Bakit naman namin gagawin yon?" napatingala ako sa aking narinig.

Si Raph ang tumagon sa tinurang iyon ng aking kapatid.

Hindi ko na nais ang ganitong usapin dali-dali akong naglakad papalayo upang takasan ang mga usaping dumurog sa puso ng aming kapatid.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng aking mga paa patuloy lamang ako sa paglalakad kahit na patuloy parin ang pagbagsak ng ulan.

Napahinto na lamang ako sa tapat ng isang malaking puno dinikit ko ang aking noo habang dinadama ang bawat pagpatak ng ulan.

Ngunit isang Imahe ng binatilyong lalaki ang muli na namang bumalik sa aking isipan.

"Hello Sweetiepie"

"Musta sweetiepie"

Mga imahe ng masasaya nitong mukha.

mapait akong ngumiti sa mga imaheng aking naa-alala.

"Madeline ko." ngunit kahit anung gawin ng aking isipan.

"Madeline, mahal kita." tanging isang nilalang lamang ang aking naalala.

na kahit paulit ulit nilang burahin ang aking ala-ala.

Ala-ala ng tanging lalaking minahal ko.

Kahit kelan ay hindi yon mawawala.

Tinapat ko ang aking kanang palad sa tapat ng aking puso.

"Kahit makalimutan ka ng aking isipan,

Kaylanman hindi ka makakalimutan ng aking puso.

Luhan"

Unti-unti ng bumagsak kasabay ng mga ulan.

Ang mga luhang matagal ko ng itinago sa likod ng aking mga ngiti.

"Madeline" nilingon ko ang lalaking tumawag sa akin.

"Justin" tawag ko sa pangalan nito.

Lumapit ito sa akin at niyakap.

Yakap na nagsasabing hindi na ako muling mag-iisa, yakap na nagsasabing palagi itong nasa tabi ko at mga yakap na nagsasabing kahit na anung mangyari ay hindi ako nito iiwan.

"Walang magmamahal sayo madeline, sapagkat kapatid ka ng isinumpang mangkukulam"

Luhan.

Bakit kahit iba na ang taong nasa harap ko ngayon.

Ikaw parin ang nasa isip ko.

Kahit na ikaw mismo ang nagbura ng mga ala-ala ko sayo.

-Cassandra's Pov-

Malamig na hangin.

Mga patak ng ulan.

At mga ala-ala mula sa taong lubos kong minahal.

"Pag-papanggap lang ang lahat" ang mga katagang binitawan nito.

Unti-unting dinudurog ang aking puso.

Vlad.

Hindi mo nga ba ako minahal??

*pipiiiiiip*

*boooogssssh*

Anung nangyayari?

Dugo, ang daming dugo.

Ang sakit ng katawan ko.

Hindi ko maigalaw ang aking katawan.

"Oh my gad Cassandra" Isang imahe ng lalaki ang aking huling nasilayan.

"P-paul" at doon nawalan na ako ng malay.

-----

The Three Naughty Witches Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon