Kabanata 201

17.4K 506 149
                                    

Kabanata 201:
Lullaby

I feel like my soul left my body for a while. I couldn't see my background clearly, it's only blurred images. I can't hear anything too. It's vague and silent. Tulala lang ako at halos hindi rin maramdaman ang sariling katawan pati na rin ang sistema.

Naaninag ko ang mga malabong bulto ng tao sa paligid ko na papalapit sa akin. Ni hindi na ako nabahala kung kaaway ba sila o kakampi. Wala na akong pakialam pa dahil paulit-ulit na nagp-play sa utak ko ang mga pangyayari pagkatapos kong idilat ang mata pagkalabit ng gatilyo. Iyong pagbagsak ni Jaydiel, iyong sinabi niya at ang itsura niya nang lumipas ang huli niyang hininga.

It's playing on my mind over and over again that I can't do anything but let it consume me wholly. I don't know what to feel anymore. Guilt, pain, madness... hindi ko na alam pa. I am numb and like a statue who wouldn't move even in the harsh blow of the wind and heavy rainfall.

Isang tampal ni Eris sa pisngi ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napakurap-kurap ako at dahan dahan na nag-angat ng tingin sa kanya.

Napasinghap ako nang bumalik ang pandinig. Parang may maliit na pag-ihip sa loob ng tenga ko at mahinang pagsabog na naririnig ko na ngayon ang paligid.

"Raiven, naririnig mo ba ako?" tanong niya at mukhang pinagsisihan agad ang ginawa sa aking pagtampal sa pisngi. Marahan niya iyong hinaplos, para bang pinapagaling agad kahit wala naman akong naramdaman sa ginawa niya. Napatingin ako sa kanya at unti-unti parang hinahatak ako pabalik sa reyalid. Unti-unti siyang naging malinaw sa paningin ko, ganoon na rin ang paligid. Naaninaw ko na rin ang iba pang tao. Ang mga tauhan ni Silverio at si Jhomer na kaharap ang katawan ni Jaydiel na hindi na gumagalaw pa.

Maraming nakapalibot sa amin. Pare-parehas na abala, habang ako hindi na makagalaw pa sa kinauupuan.

"Raiven, we're here. You're safe now! It's all done! Tapos na. Makakawala ka na mula rito." marahang ani Eris at banayad na inayos ang ilang tikwas ng buhok ko na nakatabing sa mukha. Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin.

Agad na nag-init ang mga mata ko. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahul sa likod niya, nakikita ko ang katawan ni Jaydiel.

Ang dugo.... ang baril.... na nasa gilid ko at ang tunog ng mahinang pagsabog kalayuan. Bumuhos ang luha ko at naglaho ang ngiti ni Eris. Nanlambot ang mata niya at agad akong dinaluhan.

"E-Eris...." nanginig ang tinig ko. Doon ko naramdaman ang pagbaha ng guilt sa dibdib ko. Agad akong binangungot ng konsensiya.

"Shhh," he said and embraced me in a tight hug. He already knew why I was crying.

"Eris, hindi ako ang gumawa non sa k-kanya." nabasag ang tinig ko at tuluyan nang bumigay ngayon. Sunod sunod akong umiling kay Eris. Bumuhos ang luha ko at sumabog ang hikbi na kanina pa kinikimkim.

"Alam ko. Hindi ikaw." aniya at mas lalong humigpit ang yakap sa akin. Inalo ako sa paghaplos ng likod. Joriece is behind him, he's looking at us with his sympathetic eyes.

I don't know if he really believe what I said. O sinakyan lang ang sinabi ko para mapatahan ako kaagad. Paulit-ulit ko iyong sinambit kay Eris. At sunod sunod rin naman ang pagtango niya at masuyo na hinaplos ang pisngi ko.

Umalon ang dibdib ko sa pagbulusok muli ng mga panibagong hikbi. Pumikit ako pero kahit roon, hindi ko magawang pigilan ang mga luha sa pag-agos.

"Hindi mo 'yon magagawa. Alam ko, Raiven." marahan niyang sinabi. Banayad na hinahaplos muli ang likod ko at hinahayaan lamang akong umiyak.

"Is h-he r-really dead?" tanong ko. Nagbabakasakali. Alam kong kung buhay pa ngayon si Jaydiel, mahihirapan kaming pigilan siya. Pero kahit sana humihinga pa. I don't want him to pay for everything in this way!

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon