Chapter 27

67 3 0
                                    

'Unwanted'

~•~

Kasalukuyan nag lalaro ang mga bata sa garden habang kami naman ay andito sa sala. Kasama nila ang mga yaya nila kampante ako na walang mangyayari sa kanilang masama lalong lalo na kay niesha na nag aaral palang lumakad.

Hanggang ngayon gulat parin ako sa katotohanan na may alam si troy na di si nikko ang tunay niyang ama. Pero sa kabila ng pagkagulat ay pumayag parin kami sa gusto nito.

'Everything for you troy gagawin ni mommy kahit na sobra pa akong masaktan.'

I sign deeply.

"Lalim nun 'ah"

Napabaling ako kay nikko na nagsalita. Lumapit ito sakin. Naramdaman ko naman kaagad ang pag haplos nya sa bewang ko.

"Okay ka lang?" Simula kasi kanina pansin ko ang pananahimik nito.

Tumango ito syaka sumimsim sa baso na may lamang alak na dala nya. "Pagod lang siguro."

"Umakyat kana sa kwarto mo ako nalang bahala sa mga bisita."

"Wag na, dito muna ako sa tabi mo." Nikko said then he squeezed himself on my neck.

"Nikko." Pag-alma ko dahil nakikiliti ako at syaka maraming tao baka anong isipin nila.

"Give me a minute mag papahinga lang ako." Di ko alam kung imahinasyon ko lang na bakas ang lungkot sa boses niya. Pero bakit sya malungkot?

Argg.... baka nag o-overthink lang ako siguro nga pagod lang talaga sya.

Hinayaan ko siya ganoong posisyon hanggang sa siya na mismo ang umalis at nag paalam na mag papahangin na muna sa labas.

Unti-unti na rin nawawala ang mga bisita dahil nag uwian na. Pamilya ko na lang ang nandito dahil di ako pumayag na mag book pa sila ng hotel. Ang dami namang bakanteng guest room kaya dito ko na sila pinatulog.

"Mom dito nalang po kayo matulog." Pag pupumilit ko kasi kanina pa sya umaangal sa gusto ko.

"Fine, but how about nikkolo okay lang ba sa kanya na dito muna kami habang di pa kami bumabalik sa pinas."

"Syempre naman o'kay sa kanya yun di naman kayo iba para pabayaan nalang namin."

"Wait anak nasaan ba sya?" Luminga linga ito para hanapin si nikko.

"Wala ba sya sa labas?" Naguguluhang tanong ko.

"Wala. Galing ako doon kasi sinundo ko ang dalawang bata." sagot ni kuya. Karga niya ngayon si niesha na pawisan.

Kumunot ang noo ko. Kala ko mag ba papahangin lang sya sa labas.

"Ha? Pero ang paalam nya kanina sakin na sa labas lang sya."

"Baka naman may babae na 'yang asawa mo ashianna." Napabaling kami kay daddy na galing sa kusina.

Di naman ganong lalaki si nikko syaka kilala ko siya di nya magagawang lokohin kami ng mga bata. Kahit na marami siyang tinatapos sa trabaho ay lagi niyang paglalaan ng oras kami kaya di ako maniniwala na magagawa niyang mag loko.

"Di sya ganun dad." Pagdedepensa ko kay nikko. "I think we should rest na. Antok na rin kasi ang mga bata. Una na kami papasamahan ko nalang kayo kay manang kung saan ang kwarto niyo."

Kinuha ko sa bisig ni kuya si niesha. Si troy naman ay na'una ng umakyat kanina pa.

Nang mapatulog ko si niesha agad akong pumasok sa sarili kong kwarto. Kinuha ko agad ang aking cellphone at agad na ci'nontact si nikko. Nanlumo ako dahil sa tuwing tatawagan ko ito ay binababaan ako nito ng tawag.

He Betrayed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon