Chapter 13

93 11 2
                                    

Revelation

~•~

"Okay kana?"

"Yeah... Thank you nikkolo"

Di ko alam kung saan ako pupulutin kung wala si nikkolo at kuya sa katabi ko. Di ko akalain na sa edad kong 25 years old ay mabubuntis ako at di ko pa maiharap sa kanilang ang ama ng dinadala ko. I was thankful na kahit di kami ayos ng magulang ko dahil sa nangyari ay andiyan parin ang kapatid ko para sakin.

Sa puntong ito na pangalawang beses ko na silang nakikita sa ganong pangyayari talagang ilalayo ko na ang sarili ko at ang mga anak ko sa mundo nila. Siguro nga ako lang yung nag bibigay ng kahulugan sa mga pinapakita sa akin ni tristan nung mga nakalipas na araw. Siguro nga normal yun para sa kanya. Bakit ba ako aasa sa kanya simula palang naman ng relasyon namin noon parang ayaw niya na ako, ako lang naman yung nag pumilit ng sarli ko para sa kanya.

"Alam ko kung sino ang ama ng bata na dinadala mo yanna." Saad ni nikkolo kaya napalingon ako sa kanya, alam niya, kailan pa? Kala ko matatago ko ang lahat bakit parang ang dali niyang malaman masyado ba akong halata. "Pero nirerespeto ko kung ano ang desisyon mo."

"Pero pano mo nalaman?" kahit na naguguluhan kung pano niya nalaman ay naitanong ko parin kung anong nasa isip ko.

"Napapansin ko kasi sa tuwing nag tatagpo ang mga mata ninyo ni tristan parang may iba. Simula palang nung nakita ko kayong mag usap sa hospital parang may iba na." malungkot na ngumiti ito sakin. "Tapos nung nag paalam ka na mag babanyo ka nung pauwi na tayo sinundan kita nun kasi ang tagal mong makabalik nag aalala ako sainyo ng bata na baka may mangyaring masama sa inyo."

"Nikko---"

"Pakinggan mo muna ako please..." pag puputol nito sa sasabihin ko ramdam na ramdam ko yung sakit sa boses niya, aware naman ako na may gusto siya sakin pero di ko akalain na sa gantong sitwasyon kami makakapag usap tungkol sa bagay na yun. "Kahit na nakita ko kayong magkasama noon ay nag panggap parin ako na parang walang nangyari kahit masakit. Tapos ayon na nga sumunod ako sayo pero tang ina yanna narinig ko lahat ng pinag usapa niyo ng gabing yun." di ko mapigilang maiyak sa harap niya i feel so guilty dapat di ko siya ginamit para mapaniwala lang si tristan. "Pero kahit na maging masaya ako kasi para sayo ako ang tatay ng anak mo, nasaktan parin ako kasi kakakita palang natin noon makalipas ang ilang taon at alam mong may gusto ako sayo noon palang tang ina! Kita ko sa mukha nung tao na nasaktan siya ng sabihin mong iba yung tatay ng dinadala mo di ko alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa kung bakit kayo humantong sa ganto bakit pati pamilya mo di alam na may relasyon kayo. At mas lalong di ko alam kung bakit kaya mong tiisin ang lahat ng sakit na ito para lang sa kanya."

"Sana... ako nalang yanna."

Kung pwede ko lang turuan ang puso ko nikkolo noon palang ginawa ko na.

"I'm sorry niko kasi ginamit kita pero may dahilan ako kung bakit ko sa kanya tinago ang katotohanan." kahit na nahihirapan akong mag salita dahil sa pag iyak ay pinilit kong ipaliwanag yung side ko.

"Then tell me the reason yanna kasi kahit ano pa yan iintindihin ko kasi ganun kita ka mahal!"

Did I deserve someone like him? Masyado ko na siyang nasasaktan at mas lalo ko lang na masasaktan siya sa oras na malaman niya ang dahilan kung bakit ko kailngang gamitin pa siya. Kahit na natatakot ay sasabihin ko sa kanya ang dahilan.

"He and my fucking best friend cheated on me!" i shouted on him, para akong pinirapiraso sa tuwing naalala ko ang dahilan kung bakit kailangan kong itago ang mga anak ko sa tatay nila. "Now sabihin mo sakin kung bakit kailangan kong itago ang katotohanan sa kanya?" alam kong sa mga oras na ito ang pangit na ng itsura ko dahil sa pag iyak pero wala akong paki alam. "Niko it's pain me a lot lalo na yung pinagkakatiwalaan kong kaibigan ko inahas yung magiging ama ng mga anak ko. N-Niko dapat ako yung kasama niya ngayon ih. Kami dapat yung inaalagaan niya, pero mas pinili nya yun kasi 'yun talaga yung gusto nya umpisa palang!"

"Ang sakit sakit ih kasi alam ko sa sarili ko na kasalanan ko ang lahat na dapat sa umpisa palang di ko na ipinilit ang sarili ko sa kanya para di na humantong pa sa ganito."

"I'm sorry yanna." hinapit ako nito para makalapit kanya at yinakap ako ng mahigpit, yinakap ko rin ito to ease the pain that i cause to him. "I want to punch him. Di mo deserve ang saktan ka ng ganto di niyo deserve ng anak mo ang isang katulad niyang gago." galit na sabi nito.

"No, di mo kailangan mag sorry kasalanan ko kung bakit nasa gantong sitwasyon ako ngayon."

Yes kasalanan ko ito kasi dapat sa umpisa palang nilayuan ko na siya edi sana di kami hahantong sa sitwasyong ito. Sana nakinig ako kay kuya na lumayo kanya dahil wala itong magandang idudulot sakin kundi saktan ako. Maybe my decisions was wrong. I was to naive para paniwalaan ang mga salita nya. Mali na hinayaan ko ang sarili kong makilala siya, mali ako na minahal ko ang lahat ng tungkol sa kanya. Maling mali na nakipagrelasyon ako sa kanya na sa umpisa palang ay may mga taong naghahadlang na.

But it's too late to regret everything that done before.

"But feeling ko ako may kasalan kung bakit ka umiiyak ngayon tapos napagsigawan pa kita kanina, kung sana lang di na kita inayang kumain sa labas di mo sila makikita, kung san----" puno ng pagsisisi ang boses nito.

"Please nikkolo stop blaming your self alam kong pagod ka galing sa byahe at gusto ko rin naman na kumain sa labas na kasama ka." pag puputol ko sa sasabihin nito.

Dahil sa magkayakap kami ay ramdam kong umiiyak din siya dahil sa maramdaman kong basa ang aking balikat. Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at pasimpleng nag punas ng luha. Humarap ito sakin at siya na mismo ang nag punas ng luha sa aking pisnge. Para tuloy kaming tanga dito sa loob ng sasaktan na nag iiyakan.

"May I know the whole story?" nag aalangang tanong nito sa akin.

Okay lang naman siguro na sabihin sa kanya ang lahat at kung saan kami nag umpisa maybe sa paraan ito mababawasan ang sakit na nararamdaman ko para narin siguro makapag simala kami ng mga anak ko ng walang pinoproblema at iniisip na iba kundi ang sarili ko lang at ang mga bata.

This time mas maayos kung papakawalan ko na ang nakaraan at subukang harapin ang bukas ng walang tristan o azy na iniisip para sa kambal.

"Pero kung ayaw mong mag kwento ayos lang wala naman magbabago andito parin ako para sainyo ni baby."

"No. Ikwekwento ko sayo, siguro pag nag open ako sa iba mababawasan yung sakit na andito." tinuro ko ang dibdib ko at malungkot na ngumiti sa kanya.


Itutuloy......

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now