Chapter 12

91 9 2
                                    

Surprise

~•~

Maaga akong nagising ngayon kasi susunduin ko si nikkolo sa airport. Ngayon kasi ang dating niya galing sa business trip niya sa abroad.

Kahit na tinatamad akong mag asikaso para sa sarili ko ay pinilit ko nalang ayaw ko kasing malate sa pagsundo sa kanya. Actually di niya alam na susunduin ko siya kasi di niya din naman sakin sinabi na ngayon ang uwi niya. Aksidenteng narinig ko lang sa usapan nila kuya nung isang araw.

Balak ko kasing kumain kasi biglang nag crave si baby ng pizza sakto naman na merong binili si kuya. Pababa na sana ako sa kusina ng may marinig akong nag uusap sa sala.

"Sasabihin mo ba kay yanna?" 

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko. Ano ang dapat nilang sabihin sakin? Dahil sa kuryosidad ko ay mas lumapit ako pero dun lang sa alam kong di nila ako makikita.

"Kahit wag na siguro." Balewalang sagot ni kuya kay Tristan.

Yes si Tristan and kuya ang ang nag uusap.

"Baka mag tampo yun si buntis pag nalaman niyang di mo sinabi."

"Balak ngang surpresahin ni nikkolo ang kapatid ko, kaya bakit ko sasabihin sa kanya na uuwi na best friend niya?

"Tsk." Nahihimigan ang pag kairita ang boses ni tristan.

Mabuti pa best friend ko balak akong surpresahin itong gagong ama ng mga anak ko di man lang ako senorpresa kahit isang beses nung kami pa.

"Inggit ka ba pre?" Si kuya na nang-aasar kay tristan. "Syaka sa makalawa pa naman ang dating nun."

Di ko na hinintay pa ang pag sagot ni tristan at lumabas na ako sa pinagtatagoan ko at dumiretsyo na sa kusina para makakain.

Ayon nga yung nangyari kaya nalaman kong uuwi na si nikkolo ngayon.

Mula din nung nag pacheck up ako ay lagi ng dumadalaw si tristan dito at siya palang rin ang nakakalaman na kambal ang pinag bubuntis ko. Ewan ko ba kung anong agenda pa niya dito. Alangan naman si kuya ang ipunta niya dito ih sa tuwing pumupunta siya dito wala naman ang kapatid ko.

Halos araw araw na rin akong nakakatanggap sa kanya ng mensahe. Kagaya nalang ngayon habang nag aayos ako sa sarili ko tumunog ang aking cellphone. Paniguradong si tristan naman yan lagi naman ih kaya nasanay na ako.

Tristan:

Good morning babe don't skip you're meal.

Yeah he start calling me babe mula din ng araw na yun. Dating endearment namin yun di ko nalang binibigyan ng kahulugan lahat ng ipinararamdam niya nitong mga nakaraang araw para din di na masaktan ang mga bata. Ayaw ko rin bigyan pa siya ng pagkakataon na saktan ulit ako.

Di ko na siya nireplyan pa at bihira lang naman din ako sa kanyang mag reply.

Nang matapos ako sa pag aayos sa sarili ko ay tiningnan ko muna sa salamin ang itsura ko at kung bagay ba ang damit na sinuot ko. I just wear a simple white off shoulder dress na hanggang taas lang tuhod ko ang haba then a flat shoes. Simula ng mabuntis ako ay di na ako nagsusuot pa ng may takong para na din sa safety ng kambal.

Pagkababa ko ay wala na si kuya siguro nasa opisina na almost 9 am na kasi, maaga nga akong nagising pero mukhang malalate pa ako sa sobrang tagal kong mag ayos.

Kumain lang ako ng konti dahil sa pag mamadali ko dahil baka malate na ako kasi ang alam ko mga 12 pm ang dating niya ngayon sa pilipinas.

Pagdating ko sa airport inis na inis ako kasi sana man lang ininform nila yung mga tao na malalate yung flight. Unti pa naman yung kinain kong agahan kasi kala ko malalate ako ano ba yan. Nakakainis nagugutom na kami ng babies ko pero di ako pwedeng umalis dito kasi baka di ko makita si nikkolo.

Makalipas ang ilang minuto ng dumating din ang eroplanong sinasakyan niya.

Natanaw ko na rin si nikkolo na palinga linga na para bang may inaasahan siyang may susundo sa kanya. Kumaway ako para makita niya pero ng makita niya ako ay bahagyang lumaki ang mata niya sa gulat.

Oh! He expect someone but that someone is not me.

Syempre di ako ang iniexpect niya kasi balak niya nga akong surpresahin. Kumaway din ito sakin at pilit na ngumiti lumapit ito sakin ng may pagtataka parin ang mukha.

"How did you know tha---"

"Narinig ko lang kila kuya habang nag uusap sila." pagpuputol ko sa sasabihin nito at tinawanan siya.

"Ikaw talaga" ginulo nito ang buhok ko. "How's my babies?" Ha, babies? Alam niya bang kambal ang pinag bubuntis ko.

"Babies?" Nagtatakang tanong ko dito.

"Yeah my babies ikaw at yung nasa tiyan mo." nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya yun kala ko talaga alam niya na talaga.

"Ayos lang kami ano ka ba sa makalawa nga may check up ulit kami ni baby." Kahit na kinakabahan ay pinilit ko paring ngumiti sa kanya.

"This time masasamahan na kita sa check up nyo ni baby."

"Di naman kailangan na sumama ka."

"I insists syaka diba sabi ko sayo handa naman akong maging daddy ng anak mo."

Natahimik ako sa sinabi niya ngayon lang naman kasi naman napag usap ang tungkol sa bagay na yun. Di ko akalain na seryoso talaga siya sa mga sinabi nya noon. Sasagutin ko na sana siya ng matigilan ako sa ginawa niya. He bend down to kiss my baby bomb  I found that gesture sweet.

"Let's go kain na muna tayo ng lunch bago kita ihatid sa condo niyo."

"But I don't bring a car nag taxi lang ako papunta dito." I pouted.

"Okay lang pinahatid ko naman sa driver naming yung kotse ko dito siguro bibigyan ko nalang ng pang taxi si manong para makauwi."

"Sige ikaw bahala."

Nang nasa byahe kami ay puro lang siya kwento ng nangyari sa meeting niya dun. Ginalitan pa nga ako kasi ang kulit ko raw parang di ako buntis para sunduin pa siya naudlot pa nga raw yung dapat ay surpresa niya sakin. Tinawanan ko lang siya.

"Next time wag mo na akong sunduin ha? Papaalam na din ako kung uuwi na ako." Paninermon nito.

"Namiss lang talaga kita ng sobra kaya naisipan kong sunduin ka."

"Pano kung may nangyari sainyo ng masama ni baby." Ow he's getting angry.

"Look walang nangyari samin."

"Pano nga kung may nangyari."

"Relax niko di ko na uulitin." I assured him.

"Fine. At sisiguraduhin kong di na talaga ito mauulit."

Sa wakas natahimik din kala ko hanggang sa makarating kami sa kakainan namin ay sesermonan niya lang ako ng sesermonan. Ang awkward ng katahimikan sa loob ng sasakyan kaya sa labas nalang ako ng bintana tumingin. Na sana di ko nalang ginawa kala ko ba Ashianna di kana naapektohan sa presensya ni tristan.

Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kung hindi pinunasan ni nikkolo ang aking pisnge ay di ko mararamdama na umiiyak na pala ako. Tumogil na din ang sasakyan at nasa gilid na ito ng kalsada.

"Bakit ka umiiyak?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"I saw him" humihikbig sabi ko "I saw him nikkolo he's happy with my best friend kala ko okay na kami, kala ko ayos na kami kasi yun yung pinaparamdam niya sakin nung panahong wala ka." Yinakap ako nito ng mahigpit. Kala ko gusto niyang maging ayos ulit kami pero di pala. Pero pano kami magiging ayos kung alam niyang alam niyang nabuntis ako ng iba ni hindi niya nga alam na siya ang tatay ng mga batang dinadala ko.

"Hush... Yanna andito lang ako." Pagpapatahan nito sakin.

Kala ko ako yung nag surpresa sa kaibigan ko pero ako pala yung masusurpresa sa mga makikita ko.

Ang daya daya mo talaga tristan!


Itutuloy....

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now