Chapter 24

84 2 0
                                    


'Who's that man?'

~•~

Binabasa ko ngayon ang proposal na dala ni Tristan. Yes si Tristan ang bagong client namin. Kaya pala pamilyar kanina yung surname na Lopez, Isa pala syang Lopez.

How stupid Ashianna! Ilang taon kayong in relationship pero nalimutan mo pa apilyedo ng manloloko na yan.

"So, how are you? Dito lang pala kita matatagpuan." He smirked.

"Wala ka dito para kamustahin ako Mr. Lopez." Malamig na sagot ko dito.

Ang kapal ng mukha niya para umasta na parang wala siyang ginawang ikakasakit ko. But I was thankful because of him I have now my son.

"Sungit mo parin."

Di ko nalang ito pinansin pa. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng proposal niya para makaalis na siya agad. Kala ko pa naman pinabagsak na sya dati ni dad, how come na CEO padin siya hanggang ngayon ng dati nyang kompanya. Kailangan ko na yatang makibalita sa kapatid ko sa kung anong nangyari bakit hanggang ngayon ay di parin bumabagsak ang isang 'to.

"Mr. Lopez based on this proposal.." itinaas ko ang mga papeles na binabasa ko kanina pa. "You want to invest in our company. Anong makukuhang benepisyo ng kompanya namin sayo?" Tinaasan ko ito ng kilay. Kailangan kong maging professional ngayon kahit na gustong gusto ko siyang yakapin sa leeg ng mahigpit.

"Well Ms. Villafuerte My company will help get to know your product better."

Hmm..magandang ideya yun pero kung aaprobahan ko ang proposal nya ibig sabihin magkakaroon ng posibilidad na mag kita sila ng anak ko.

Di ako papayag na makita niya ang anak ko.

"Sorry but I have to decline this proposal of yours Mr. Lopez."

"But---"

"No buts. You can leave now." Itinuro ko sa kanya ang pinto. I have no time for him. Masyado pa akong maraming gagawin para pag aksayahan pa siya ng oras.

"Babalik ako. Di ako mapapagod na ligawan ang compaya ninyo hanggang sa matanggap mo na ang inaalok ko sayo." detirminadong sabi nito.

"Wag mo ng subukan mapapagod ka lang." I smirked. "You can leave now don't wasted my damn time."

Walang sabing tinalikuran ako nito. Nang malapit na ito sa pintuan ay biglang bumukas ito at inuluwa ang anak kong naka uniform pa. Halos manigas naman ako sa kinauupuan ko ng makita ko kung paano pagmasdan ni Tristan ang anak ko na ngayon ay nakikipagtitigan din sa kanya. Shit!

Bakit ngayon pa siya nagpunta dito ng walang pasabi.

"Excuse me, Mister." sabi ni troy.

Parang nagising ako sa isang bangungot ng mag salita ang anak ko. Dali-dali akong lumapit sa kanya. Inilayo ko agad siya kay tristan na hanggang ngayon at nakatitig sa bata.

Nag angat ito ng tingin sakin. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko dahil sa sama ng titig niya sakin. Bakas rin sa mga nito ang kaguluhan.

"Anak mo?" he asked.

Imbis na sagutin sya ay itinuro ko sa kanya ang pinto papalabas. "You can leave now." Pag tataboy ko sa kanya. Please lang umalis kana habang napipigilan ko pa ang sarili ko na isumbat sa'kanya lahat ng sakit na pinagdaanan ko.

He smirked. "I'm just asking ashianna if he's your son. Bakit parang takot na takot ka?"

"Wala akong dapat ikatakot, kaya umalis kana." I said firmly.

"Simple lang ang tanong ko bakit di mo masagot sagot may tinatag----

"Yes he's my son." pag aamin ko sa'kanya. Maybe in this way mapapaalis ko sya. "Now that you know that he's my son pwede ba umalis kana?"

Hindi ako nito pinakinggang. Instead he look down to my son. Nakita ko kung paano naging malungkot ang mga mata niya ng makita niya ang bata. I don't know why.

Akmang lalapitan nito si troy at hinila ko agad ang anak ko papunta sa bandang likuran ko. Pero kahit na anong pilit kong ilayo ang bata ay nilapitan parin ito ni Tristan.

"Mommy, it hurts po."

Napatingin ako sa braso niya na ngayon ay namumula na dahil sa higpit ng pagkakapit ko. Di ko namalayan na pala ang anak ko. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko napagpasyahan siyang bitawan at para rin makaharap niyang maayos si tristan na ngayon ay nakaupo na harap ni troy.

"Hello little boy!" bati ni tristan.

"Tsk.... I'm not a little boy, Mister." Pagsusungit nito.

I smirked because of his answer. Ang daming pwede niyang manahin sakin yung pagiging masungit pa talaga. But sa mga di lang naman niya kilala ang pinagsususngitan nya as long as alam niya yung tao di nya ito sinusungitan.

"Ow sorry!" Natatawang sabi ni tristan sa bata.

Imbes na pagtuonan ng pansin ng bata si tristan ay tumingala ito sakin.

"Mommy, who's this man?" Turo niya kay tristan na ngayon ay nakatulala at bahagyang umawang ang bibig dahil sa tinuran ng bata.

"Uhm..." Tumingin ako kay tristan na hanggang ngayon ay nakaawang parin ang labi habang pinapanood ang bawat galaw ng anak ko. "H-he's you're Tito daddy's Bestfriend." I shattered.

"But he never introduced this mister on me." nakakunot na sabi nito.

Ginulo ko ang buhok nito na ikinasimangot nya. Bahagya naman akong natawa.

'Cute!'

"Hmp.. Maybe nakalimutan n'yang sabihin sayo." Sagot ko sa kanya. "Btw where's your daddy, bakit ikaw lang mag isang pumunta dito?"

Bumuka ang labi niya pero itinikom niya ulit ito at binalingan si tristan na hanggang ngayon ay nakaupo parin sa harap niya para makapantay siya. "Why are you here pa po my mommy said that you may leave na. Don't you know that gossiping is bad?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Nakita ko kung pano dumaan ang sakit sa mga mata ni tristan dahil kung paano sya itrato ng bata.

"Shian Troy."

Pag sasaway ko dito. Kahit na galit na galit ako kay tristan di ko papayagan ang anak ko na pagsalitaan ng ganyan siya. Pano nalang kung ibang tao ang sabihan niya ng ganya. Oh my god, di ko siya pinalaki ng ganto.

"Mommy ayaw ko lang naman po na may makinig sa kung anong pinag uusapan natin."

"Kahit na, wag mo dapat pagsalitaan ang nakakatanda sayo ng ganun. Did you understand?"

"Sorry po mommy di na mauulit."

Napatingin ako kay tristan nang tumayo ito.

"Maybe I should go." He smiled pero di umabot sa mata nito ang saya. Bumaling ito sakin, kung may ngiting sa labi niya tuwing titingin siya kay troy kabaliktaran naman nito kung paano niya ako tingnan. Bakas sa mga niya ang galit. "Mag uusap pa tayo." He said firmly before he leave us.

Alam kong di ko matatago sa'kanya ang katotohanan dahil unang tingin palang sa bata ay makikita mo na ang pagkakahawig nila. Kahit na malaman niya ang totoo I will never give up my son on him. He's only my son.

Giving up is always an option, but never my choice.




Itutuloy........

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now