Chapter 11

96 12 7
                                    

Another chance?

~•~

Pagkatapos namin sa clinic ay dumiretsyo kami sa mall para mamili ng gamit para sa mga baby.

"Tristan masyado pa naman maagang bumili ng mga gamit para kila baby."

"Mas maaga mas maganda."

Walang hiya pano naging maganda yun maiistock lang yun sa condo. Masyado siyang excited three months palang naman yung mga baby ko. Syaka kung makaasta siya ngayon parang alam niya na siya ang tatay ng mga bata.

Pag pasok palang namin sa loob ng mall ay may mga nakatingin na samin. I know why sino ba naman ang di titingin samin yung rumor boyfriend ng kaibigan ko kasama ko ngayon. Masyadong sikat ang kaibigan ko pati na rin si tristan kaya di na ako magtataka na baka sa sunod na araw kasama ako sa laman ng mga balita. Kaya mas gusto kong kasama si nikkolo ih nagkakaroon ng privacy ang buhay ko.

"Diba siya yung boyfriend ni azy?"

"Bakit may kasamang buntis?"

"Linoko niya na si azy?"

"Ang landi naman nung girl nagpabuntis para maagaw si tristan Kay azy."

Bakit parang ako pa yung naging mukhang mang-aagaw wala naman akong ginawang masama. Actually ako pa nga yung inagawan pero may narinig ba sila sakin ng masasakit na salita? Diba wala!

Did I deserve those painful  accuse on me?

Hey ako yung niloko dito! Baka di niyo alam. Dali ninyo akong husgahan without knowing na ako yung naagrabyado dito. Bakit pa kasi pumayag pa akong sumama kay tristan.

Dumistansya ako kay tristan para walang masabi yung mga tao sakin. Siguro naramdaman niya yun kaya huminto sya at kinapitan ang kamay ko para mahila niya ako papalapit sa kanya. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak pilit ko itong tinatanggal pero mas lalo lamang humigpit ang kapit nito sa akin.

"Tristan!"

"Don't mind them just think that we are the one who in the mall today." Nakangiting sabi niya sakin at mas lalong hingpitan ang kapit sa kamay ko.

Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango, just this time hahayaan ko ang sarili ko na maging masaya ulit sa piling ng ama ng mga anak ko. Baka kasi bukas wala ng ganto babalik naman kami sa dati kung saan civil lang ang lahat yung tipong kaibigan lang siya ng kapatid ko at ako para sa kanya isa lang nakababatang kapatid at wala ng iba di na lalampas pa sa kung saan.

"Tara dun tayo sa store kung saan yung mga damit para sa bata." Aya niya sakin.

"Pero trist--"

"No but's" pagpuputol nito sa akin. "My treat kaya wag ka ng umangal pa baka kasi pag dating ni nikkolo di ko na magawa ang ganto." Nakangiti ito pero di umabot ang saya sa mga mata nito.

Ano ba talaga ang nararamdaman mo tristan naguguluhan ako sa mga kinikilos mo minsan kung tratohin mo ako sa harap ng kapatid ko parang wala lang ako para sayo, minsan naman parang nararamdaman kong nagseselos ka at pinaparamdam mo sakin na mahal mo ako gaya ng pinaparamdam mo sakin noon nung wala pang azy sa relasyon natin.

"Sige ikaw bahala." Pagsuko ko dito.

Nang  makapasok kami sa loob ng store ay napatingin samin ang saleslady.

"Good morning ma'am and sir" pag bati nito samin.

Ngumiti ako dito at binati siya pabalik habang si tristan naman ay di man lang tinapunan ng tingin yung saleslady wala talagang modo kahit kailan. Sana wag mag mana sayo ang mga bata. Imbes na batiin ito ay nagtanong lang siya.

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now