Chapter 6

137 30 2
                                    

Visitors

~•~

Nang dumating ang aking mga gamit ay inakyat agad ito ni kuya Justine sa taas kung saan ako tutuloy. Nag umpisa narin akong mag ligpit ng mga gamit ko.

"Yanna are you comfortable alone here?" Tanong nito sa akin habang tinutulungan akong mag ligpit.

"Oo naman bakit mo naitanong?"

"Bihira lang kasi ako makakauwi dito kasi may mga inutos sakin si dad,  by the way ayos na kami in dad." lumingon ito sakin at ngumiti.

Masaya ako na okay na sila, sana ako rin mapatawad na ni dad.

 "Good to hear that." malungkot na ngumiti  ako rito.

"Don't worry yanna mapapatawad ka rin ni dad lalo na pag nakita niya na ang unang apo nya kapag nanganak kana." Hinimas pa nito ang aking tiyan kahit di pa naman halata ang umbok nito. "Di parin ako makapaniwala magiging tito na ako. Don't worry baby kahit wala kang daddy andito naman si tito daddy."

Natawa nalang ako sa pinag sasabi ng kapatid ko. "Kuya saan  mo napulot ang tito daddy kuno mong yan." natatawang sabi ko. 

"Wag mo nga akong pag tawanan ang cute kayang pakinggan" nakasimangot na saad nya habang pinapatuloy parin ang pag liligpit ng gamit ko. Parang bata. Pumunta ako sa likuran nito at yinakap sya. "Nako ang tanda tanda na ng kapatid ko lakas pang magtampo." di ko mapigilang mapangiti sa inaasta ng kapatid ko na'ko naman mukhang bata. Tinanggal nya ang braso kong nakapulupot sa katawan nya.

 "Tigilan mo ako yanna umalis ka jan at baka makalimutan kong buntis ang magaling kong kapatid na di man lang sinasabi sakin na may boyfriend sya." may himig ng pagtatampo nitong saad.

Lumayo ako dito at malungkot na ngumiti sorry kuya but I don't want to ruin you're friendship with him mas gugustuhin ko pang buhay ko yung masira wag lang ang ang pagkakaibigan nyo. Alam ko ang kalalabasan kung sakaling sabihin ko sayo na kaibigan mo ang ama ng anak ko. "Sorry kuya... sige sa baba muna ako bigla akong nauhaw ih." Pag iwas ko sa usapan because I feel guilty to hide the truth to him. Di ko na hinintay pa itong sumagot at lumabas na sa kwarto.

Habang umiinom ako ng tubig sa kusina ay may nag doorbell. Sino ba ang inaasan namin ngayong bisita? As far as I know wala naman kaming inaasahan na bisita ngayon maliban sa katulong na makakasama ko rito araw - araw ih nakarating naman na si manang kanina. Tiningnan ko muna sa paligid kung andiyan si manang para ito ang utusang bumukas ng pinto ng di ko ito makita ay ako na mismo ang pumunta para mapagbuksan kung sino man ang bisita namin.

My lips parted when I saw the person behind the door pero agad ko rin itong itinikom at nang magkasalubong ang aming tingin ay agad na nag iwas ito. "I-kaw p-ala yan Tristan a-no kilangan mo?" tangina ngayon ka pa talaga yanna nagkautal utal. 

"May nakalimutan kasi akong sabihin kanina kay justine." umigting ang kanyang panga ng matapos nyang sabihin yun. 

Pinagmasdan  mo muna sya mula ulo hanggang paa, OA mo yanna. He's wearing now a plain white shirt and gray ankle pants paired with white adidas shoes, mukang nakauwi na ito base sa suot nya ngayon dahil iba naman ito sa suot nya kanina. 

"Pasok ka muna tawagin ko lang siya." Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para papasukin sya nauna na ako sa kanya papuntang sala. "Upo ka muna dito nag aayos kasi ng gamit si kuya." tumango lang ito ang nagtungo na sa isa sa mga sofa sa sala. Kahit naiilang ako sa kanya dahil sa napag usapan namin kanina ay pinilit kong maging maayos ang pakikitungo ko dito pansin ko rin naman na di ito makatingin sakin mula pa kanina ng pagbuksan ko siya. Maybe ganun din sya na hanggang ngayon ay galit parin. 

Umakyat na ako sa taas para tawagin si kuya siguro tapos narin naman yun mag ligpit unti lang naman kasi ang dala kong damit dito. Wala rin naman kasi akong balak na tumagal dito dahil gusto kong makipag-ayos agad kay daddy para makasama ko sila habang pinagbubuntis ko ang apo nila. Sakto nang makarating ako sa kwarto ko ay tapos ng mag lipit ito.

"Kuya nasa baba si tristan may nakalimutan raw sayong sabihin." gaano ba ka importante ang nakalimutan ng gago na yun para di nya nalang itext o i-email sa kapatid ko napairap nalang ako sa aking naisip.

"What's the matter with him kailan pa naging makakalimutin ang gagong yun." kunot noong saad nito sakin.

"Malay ko kaibigan ko ba yun para malaman ko kung bakit ganun yung taong yun." pabalang kong sagot dito balak pa sana ako nitong hampasin ngunit lumayo na ako agad at nauna ng bumaba. Sumunod rin naman sya habang bumubulong ng kung ano ano, nako malapit na yatang mabaliw  itong kapatid ko.

"Tsk."

Narinig kong asik ng nasa sala.

Bwesit di ko pala namalayan na  natawa na pala ako sa sarili kong kalokohan. Iniripan ko nalang ito at nilampasan upang mag tungo sa kusina para kumain nagugutom na kami ni baby,  ano kayang masarap kainin? Tiningnan ko kung anong laman ng ref ni kuya dito sa condo nya pero nadismaya lang ako sa nakita ko, di ba kumakain ang lalaking yun wala man lang laman ang  ref niya bukod sa tubig. Sana nag tinda nalang sya ng yelo para may pakinabang pa itong ref nya di pa na sayang kuryente dito. Hayst nagugutom na kami ni baby kaya wala akong choice kundi mag grocery para may makain ako dito bibili narin ako ang mga pagkaing gusto namin ni baby. Naglalaway agad ako sa mga naisip kong pagkain kaya napagpasyahan ko agad ba mag bihis sa taas, nang madaanan ko ang sala ay nakita kong seryoso ang dalawa na nag-uusap kaya di ko na ito inabala pa at nagtungo na sa taas para mag palit ng  damit. I just swear a simple white oversize t-shirt , ripped jeans and my white sneakers i just tuck-in my shirt para di ito baduy tingnan. Nang makababa ako sa sala ay napatingin sakin ang dalawang lalaking nag uusap kanina. 

"Saan ka pupunta?" kunot noong tanong ng kapatid ko.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang doorbell kaya napatingin ang dalawa sa may pinto. Sino naman kaya ang bisita namin na may nakalimutan na kunin o sabihin  sa magaling kong kapatid.




Itutuloy........

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now