Chapter 14

92 8 1
                                    

The Past

~•~

"Oh! come on minsan lang ako mag-aya sayo, di kapa papayag." nakangusong sabi ko sa kaibigan ko. Kausap ko siya ngayon sa telepono inaaya ko na mag shopping kami tutal weekend walang pasok.

"Mag papaalam muna ako kila mommy baka di kasi ako nun payagan." narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya. Paniguradong nahihirapan naman siya ng ipapalusot niya.

Si Azy kasi masyadong strict parents niya kaya bihira lang siyang makasama sa tuwing nag-aaya ako sa kanya na gumala kami although okay lang kasi naiintindihan ko siya pero minsan nakakapagtampo na rin.

"Please... azy pilitin mo sila tita" pamimilit ko sa kanya. "Buryong buryo na ako dito sa bahay nasasawa na rin ako sa mukha ng kapatid ko." nagpapadiyak pa ako na parang bata siguro kung makikita niya ako ngayon pag tatawanan niya ako.

I heard her chuckled before she answer my tantrums "As if naman pangit ang kuya mo para masawa ka sa kanya" napairap ako sa sinabi niya.

Type niya ba yung mokong na yun?

"Please wag mo sakin sabihing may gusto ka sa kuya ko."

"Then I won't tell."

"Fuck you Torres ayaw ko maging sister in law ka." Sigaw ko sa kanya sa kabilang linaya.

Honestly mabait naman ang kaibigan ko kaya lang di ko alam kung bakit ayaw ko siya para sa kapatid ko.

"Relax... as if naman balak kong asawahin and kapatid mo di ako mahilig sa matatanda sakin." Natatawang sagot nito.

Panghahawakan ko talaga yang sinabi niya masasapak ko siya pag nakita kong mas matanda sa kanya magiging boyfriend niya.

Marami pa kaming napag usapan bago nag paalam sa isa't isa. Sinabi niyang titingnan niya lang kung papayagan siya. Kung good mood ang parents niya papayagan raw siya pag hindi wag na raw akong umasa na makakasama siya.

Makalipas ang kalahating oras nag tawag siya para ibalita na di raw siya makakasama kasi di siya pinayagan.

Bagsak ang balikat ko ng lumabas ng kwarto ni hindi ko tiningnan ang ayos ng itsura ko. Pababa ko ay may mga narinig akong ingay galing sa sala.

May bisita ba sila dad?

Nang tuluyan na akong makababa ay bigla akong nahiya sa itsura ko. Sabay sabay na nag angat ng tingin sa akin ang mga kaibigan in kuya.

I waved my hand "Hi good morning guys..." Nahihiyang bati ko sa kanila.

"Good morning yanna." bati din sakin ni kuya lumapit ito sakin at binigyan ako ng magaan na halik sa aking noo.

Ang sweet ni kupal mukhang walang dalaw!

"Where's mom and dad?" Tanong ko sa kanya wala akong paki kung andyan pa mga kaibigan niya.

"Maagang umalis may aasikasuhin." Sagot niya.

Tumango ako dito at tiningnan ang mga kaibigan niyang may kanya kanyang mundo pero tumagal ang tingin ko sa kaisa isang tao na nakatingin sami--- sakin.

He has thick eyebrows, gray eyes, a pointed nose and a tense jaw tsk... A typical play boy tumagal ang titigil ko sa natural na pulang labi nito. Napalunok ako bigla at napaiwas ng tingin sa kanya ng dilaan niya ang kanyang labi. Siguro matanda lang sya sakin ng apat na taon since mukha mag kasing age lang sila ni kuya.

"Yanna nakikinig ka ba?"

Nabalik ako sa wisyo dahil sa sigaw in kuya. Di ko namalayan na nagsasalita pala siya dahil sa titig ng kaibigan niyang may kulay abong
mata.

He Betrayed MeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang