Chapter 8

102 14 4
                                    

'My Comport zone'

~•~

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay napasandal ako sa likod ng pinto at tahimik na umiyak. Natatakot ako na baka marinig ako ng kapatid ko na umiiyak. Ang sakit sakit ng dibdib ko hanggang ngayon sariwa parin sa isipan ko ang nakita ko nung araw na nakita ko sila ng matalik kong kaibigan na masayang kumakain sa restaurant na iyon. Habang nag sasaya sila, di nila napapansin na meron silang isang taong dinudurog sa sakit na pinaparamdam nila.

Ayaw ko ng ganto gusto ko nalang ng tahimik na buhay kasama ang anak ko. Ayaw ko ng sakit na nararamdaman ko.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang kumatok sa pinto kaya dali dali kong inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan ang repleksyon ng aking mukha. Halatang kakagaling ko lang sa pag iyak. Gagawa nalang ako ng palusot sa oras ng tanungin ako ng kung sino man ang kumakatok. Nang masatisfy ako sa itsura ko ay binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sakin ang nakangiti at maamong mukha ni nikkolo pero agad ding nawala ang magandang awra niya ng makita nito ang itsura ko.

"Umiyak ka ba?" nag aalalang tanong nito.

"A-ano.... hindi no! Napuwing lang ako kanina, kanina kasi may hinahanap ako dito sa kwarto tapos may maalikabok na bagay ako na nadampot..." shit anong klaseng palusot ba itong naisip ko mukhang kinakalawang na. Tanga tanga ka talaga yanna. Ewan ko kung nakumbinsi ko ba sya sa ginawa kong palusot. Basta nalang kasi niya ako nilampasan at nag tungo sa mini sala dito sa loob ng aking kwarto.

Napinsin kong may dala siyang paper bag, siguro nabili na niya yung pagkaing gusto ko ngayong kainin. Inilapag niya sa mesa ang manggang hilaw na binili niya at keso. Nagulat ako dahil sa marami pa siyang inilabas sa paper bag na masasarap at masusustansiyang pagkain bukod sa pagkaing pinapabili ko kanina. Nang matapos nitong ilapag sa mesa ang mga pagkain ay nag angat ito ng tingin sa akin. Hanggang ngayon kasi nakatayo parin ako sa harap nya dahil sa pagkagulat sa dami niyang binili.

"Come here." naglahad ito ng kamay sakin. Walang pag aalinlangang tinanggap ko ito. Umurong siya papunta sa kabilang side ng sofa para bigyan ako ng espasyo para maka upo.

"I know you're not okay but I won't force you to tell me the reason why are you sad. All i want now is to feed the both of you kasi alam kong kanina pa kayo gutom ni baby." Bumaba ang tingin nito sa aking tiyan na di pa naman halata ang pag kakaumbok.

"Pag katapos mong kumain may pag uusapan tayo."

Ang kaninang malambing na boses nito ay biglang nagseryoso. Kahit nagtataka parin sa kung ano ba ang pag uusapan namin ay tumango nalang bilang pag sang-ayon.

Bumaba ang tingin ko sa mga pagkaing nakalapag sa mesa kaya bigla akong nag laway. Shit...mukhang masarap. Nang mag angat ako ng tingin sa kanya ay naabutan kong titig na titig ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya, ginulo naman niya ang aking buhok at ngumiti rin. Ang cute niya talaga lalo na sa tuwing ngumingiti siya.

"Kumain ka na wag mo akong intindihin."

Sa binigay niyang permiso ay sinimulan ko ng lantakan ang pagkain. Siya naman ay inumpisanhan ng balatan ang mangga, hiniwa ko na rin ang cheese para gawing palaman sa mangga. Yung dahilan kung bakit ako umiiyak kanina ay nalimutan ko pansamantala.

Nakailang kain na ako ng hilaw na manggang na may palaman ng cheese ay naramdaman kung parang may kulang sa kinakain ko. Kaya naman ay kinalabit ko ang katabi ko na kasalukuyang nagbabalat ng mangga. Lumingon naman ito agad sakin ng mag tama ang aming paningin agad akong nag puppy eye at ngumuso, sana gumana hehe....

"Shoot it... Anong gusto mo pa na wala sa mga dala kong pagkain." natatawang saad nito at ginulo ang aking buhok. Sinamaan ko ito ng tingin, kanina ko pa napapansin na parang ginagawa niya akong aso. Ang gago di man lang natakot tinawanan pa ako lalo.

"Ketchup" I pouted my lips.

"What!" umawang ang labi nito. May hindi ba kapanipaniwala sa sinabi ko.

"I said I want a ketchup dagdagan mo narin ng patis." nagpapacute na saad ako rito. "Gagawin ko kasing sawsawan nitong mangga. please...."

Anong masama sa hinihingi ko ih karaniwang sawsawan naman yun ng pagkain ah.

"You pregnant woman..." dinuro pa ako nito na para bang ngayon lang siya nakakita ng ganitong klase ng tao na sobrang weird. Kaya mas lalo akong ngumuso. "Fine! Kukuha ako sa baba ng lahat ng gusto mo." Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. I know you can't resist my cuteness.

"Kung hindi lang kita mahal." bulong nito kaya di ko naintindihan.

"Ha?"

"Wala... sige na kukunin ko na yung mga gusto mo mahal na prinsesa." Nakangiting wika nito bago yumuko na tila isa talaga akong prinsesa na handa niyang pagsilbihan at ginulo ang aking buhok bago lumabas ng aking kwarto.

Hindi nag tagal ay dumating agad siya dala lahat ng gusto ko. Kanina habang kumakain ako ay puro ang reklamo niya na kesyo ang dugyot 'kong kumain, parang bata na mauubusan kahit wala naman kaagaw. Ang dami niya pang reklamo sa klase ng mga pagkaing gusto ko. Inaasar niya pa ako na sa sobrang takaw ko raw kumain baka tumaba akong masyado. Iniirapan ko nalang siya sa tuwing may napupuna o nang aasar sya sakin at di nalang pinapansin.

Nandito kami ngayon sa kama ko. Napagpasyahan kasi namin na mag movie marathon pag katapos kong kumain. Nakasandal siya ngayon sa headboard ng kama habang ako naman ay nakasandal sa balikat niya. Para kaming mag jowa sa lagay namin ngayon. Pero para sakin wala itong malisya kahit na may pag hanga ako sa kanya nung mga bata palang kami.

Kung di kaya siya umalis noon siya rin ba yung magiging boyfriend ko ngayon o kaya siya ang magiging tatay ng batang dinadala ko. Pero mukhang malabo kasi para sakin tingin niya lang noon sakin ay isang nakababatang kapatid.

Pero kahit na ganun katagal siyang nawala ay parang normal lang sa amin ang mga bagay na ginagawa namin ngayon.

"I miss you."

Lumingon ako dito ng basagin nito ang katahimikan. Pero agad din akong nag iwas ng tingin ng makitang nakatingin rin ito sakin at sobrang lapit ng mukha namin. Sa sobrang lapit ay muntik na kaming mag kahalikan. I feel awkward.

"I miss you too." nahihiyang sagot ko.

"I know na nagtatampo ka sakin kasi ilang taon akong di nag paramdam sayo tapos ito ako ngayon sa tabi mo na parang walang nangyari."

"Ayos lang ang mahalaga kasama na kita. Kasama ko na yung pinakamamahal kong bestfriend bukod kay azy na kaibigan ko...." na niloko lang ako kahit na tinuring ko ng kapatid. Nakakalungkot man isipin na mas pinili akong saktan ng aking kaibigan wala akong magagawa choicenya 'yun ih. Malungkot na ngumiti ako kay nikkolo. Sana wag niya akong iwan gaya ng pag iwan sakin ng ni azy sa ere.

"I know your hiding the pain inside."

Natigilan ako ng tinanggal nito ang ulo ko sa balikat nito para mag kaharap ako ng maayos. Nag iwas ako ng tingin ng titigan ako nito na para bang binabasa nito ang laman ng isip ko.

"When you are with me you don't need to hide your true feelings." senserong saad nito.

Agad naman bumuhos ang luha ko sa sinabi niya. I know its hard to let go the man you love but I have to, para sa ikakasaya nilang dalawa ng kaibigan ko. Yinakap ako nito ng mahigpit at sinubsub naman ako sa kanyang dibdib at doon umiyak ng umiyak. Mas lalo akong umiyak ng haplusin niya ang aking ulo na para bang sa ganoong paraan ay mababawasan ang sakit na nararamdaman ako.

"Im always here with you yanna. Kung kailangan kong akuin ang batang dinadala mo gagawin ko kung sa ganoong paraan ay mababawasan ang sakit na nararamdaman mo. Tuturing kong tunay na anak ang magiging anak mo."

Nanigas ako sa binitawang salita niya. Di ako makapaniwalang kaya niyang gawin iyon para sa ikakasaya ko. Pero ayaw ko naman maging pabigat sa kanya at wala siyang responsibilidad sakin para gawin iyon. Bakit niya gagawin yun Mahal niya ba ako higit sa pagiging magkaibigan? Pero ngayon lang ulit kami nagkita impossible imposibleng mahal niya na ako. Ewan naguguluhan na ako.





Itutuloy........

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now