Chapter 9

96 13 4
                                    

'I'm leaving'

~•~

Sa nakalipas ng ilang linggo laging pumupunta dito si nikkolo, kulang na lang nga ay dito na siya tumira dahil araw araw na itong dumadalaw dito sa condo ng kapatid ko. Pabor na pabor din naman para sakin kung lagi siyang naandito dahil siya ang nakakapuno ng puwang sa buhay namin ng magiging anak ko na dapat ay si tristan ang gumagawa. Nung mga nakaraang araw kasi medyo ang dami kong cravings  at napapansin ko rin sa sarili ko na gustong gusto kong laging nakikita si nikkolo. Gustong gusto kong nakikita siya lalo na sa tuwing ngumingiti ito lumalabas lalo ang dimple nya nakakagigil grr.

Kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ko kay tristan kasi tuwing pumupunta siya dito ay inis na inis ako sa pag mumukha nito. Ewan ko ba bakit pa pumupunta ang gagong yun kahit na pinaparamdam ko na sa kanya na di siya welcome dito.

Tungkol dun sa mga sinabi ni nikkolo nung nakaraan ay di na namin pa napag usapan ayaw ko rin naman pang pag usapan ang tungkol dun. Ayaw kong maging selfish, oo gusto ko ng kumpletong pamilya para sa anak ko pero ayaw kong madamay ang ibang taong alam kong inosente lalo na kung si nikkolo. Oo mabait siya, ideal husband siya lalo na sa mga pinapakita niya sa akin noong mga nakaraang araw, pero ayaw kong ikulong siya sa responsibilidad na di naman para sa kanya.

"Yanna!"

Napabalikwas ako sa pag kakahiga ko ng dahil sa sigaw ng kapatid kong tukmol. Shitt! Ang aga pa para bumangon at syaka parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ano ba naman yan.

"Ano ba?" galit na sigaw ko dito.

"Lumabas ka na jan sa kwarto mo at nag hihintay na si nico sa baba."

Nang marinig ko ang pangalan ni nikkolo ay dali dali akong nag ayos ng sarili. Pag dating ko sa baba napangiti ako ng maabutan ko siya sa sala na may hawak ng isang balot ng manggang hilaw. Shit ang aga naman ng lalaking ito para samin ni baby. Mas lalo akong napangiti ng sumulyap ito sakit dahilan ng pag labas ng dimple nito.

"Aga mo naman wala ka bang ibang inaasikaso bukod sa pag pupunta dito?" Kahit na masama ang aking pakiramdam ay pinilit kong maging masigla sa harapan niya.

"Meron naman pero alam ko kasing pag katapos mo ng agahan nag hahanap agad kayo ni baby ng maggang hilaw, so I brought you some fresh green manggo."

If I don't have nikkolo I don't know what will happened to me and my baby. Si kuya kasi di ko maasahan na masyado sa pag bubuntis ko at busy din siya sa pinapagawa ni daddy. Simula kasi ng paalisin ako ni dad si kuya na ang pinapahirapan niya. I'm lucky to have a best friend like nikkolo.

"Thank you nico." I sincerely said.

"You know I will do anything for you yanna."

Yeah I know pero ayaw kong maging abusado kasi alam ko na darating ang oras na iiwan mo din ako.

"Ehemmm!"

Napabaling kaming dalawa ni nikkolo sa kapatid ko na ngayon ay nag papalit palit ang tingin saming dalawa ng kaibigan ko. Ano naman ang naisip ng tukmol kong kapatid.

"What?" Masungit na saad ko dito.

"Sungit." bulong nito pero narinig ko naman.

"Ano ngayon kung masungit ako ang pangit mo kasi."

"Ouchhh..." Kumapit pa ito sa dibdib niya na parang nasasaktan talaga. Baliw. "Sakit mo naman mag salita parang di kapatid ah! Kung makapangit ka kala mo di kita kapatid syaka kung pangit ako mas pangit ka kasi ikaw yung bunso and for your information di ako pangit marami ngang nag hahabol sakin."

"Oo, maraming nag hahabol sayo, aso nga lang."

"You!" Pinkon na duro nito sakin. Binelatan ko lang ito para mas lalo pa itong mapikon. "Hintayin mong mapanganak mo yang pamangkin ko makakatikim ka talaga sakin."

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now