Chapter 22

84 2 0
                                    

'Shian Troy'

~•~

Pagod akong napasandal sa swivel chair na inuupuan ko. Nakakapagod magbasa ng dokumento mag hapon. Di ko akalain na dadating ako sa punto na kailangan kong mag trabaho di lang para sa sarili ko kundi para sa mga taong ako ang kinakapitan.

It's been 6 years since na umalis ako sa pilipinas.

Bago ako umalis sa pilipinas ay sinigurado ko munang babagsak ang kompanya ni Tristan. Madali lang naman itong napabagsak ng magulang ko gaya ng hiling ko sa kanila. Si azy naman ay nawala sa industriya dahil sa lumabas na scandal nito. Nang makita ko silang bumagsak ay kulang pa sa ginawa nila sa akin at sa anak ko.

Unang araw ko dito sa Paris ay wala akong ibang ginawa kundi umiyak hanggang sa makatulugan ko ito. Sobrang hirap sakin ng unang buwan ko dito. Mabuti nalang at andiyan palagi sa tabi ko si nikkolo para paramdam sakin na di ako nag iisa. I thought hanggang dun nalang ako na din na ako makakabangon sa trahedyang naranasan ko but god give me a reason to keep going.

When the day nikkolo bring me in the hospital to have some check up about my condition because I felt stomach ache and extreme pallor again. Nalaman namin na may isang baby na nabuhay sa kambal. Sobrang saya ko ng malaman kong may nabuhay pero at the same time nalungkot din kasi nawalan ko ng isang Angel.

Sa loob ng siyam na buwan na pagbubuntis ko di ako pinabayaan ni nikkolo. Yung una tinago namin sa lahat na may nabuhay sa kambal kahit sa pamilya ko di namin sinabi.

Hanggang sa manganak ako ng isang malusog na batang lalaki kasama ko si nikkolo.

I burst into tears when the doctor handed me my child, lahat ng sakit at galit ko parang bulang nag laho ng mahagkan ko ang anak ko.

Bumaling naman ako sa lalaking masayang pinapanood kami. Nang makita nitong nakatingin ako sa'kanya ay pasimple nitong pinunasan ang luha niya.

I don't know that he was a crybaby.

"He's handsome." Nikkolo said.

Bumaba ang tingin ko sa sanggol na karga ko. He's really handsome. I watched the entirety of its face, starting with its reddish lips, its pointed nose and its narrowed eyes. I laughed bitterly when I stared at it. The gray color of its eyes. Di mo maitatangging anak talaga ito ni tristan.

"Para akong nakatingin sa batang Tristan." Natatawang sagot ko kay nikkolo.

"But I'm his father."

"Thank you Nikko." Di ko alam kung ano bang dapat na isagot sa'kanya. Gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng ginawa niya samin.

"No. Dapat ako ang pagpasalamat sayo, yanna. Salamat at dumating ka at binigyan mo ako ng anak na kasing gwapo nito." Marahan nitong hinaplos ang pisngi ng bata. "Kung wala kayo di ko Alam kung magiging ganto ako ngayon. Thank you for everything ashianna."

Di ako nahirapang alagaan ang anak ko, dahil kahit na pagod si nikkolo galing sa trabaho siya pa'rin ang gustong mag bantay sa bata.

"Mag hapon ka ng nag babantay sa'kanya, ako naman."

Yan ang laging sinasabi niya tuwing dadating siya. Wala naman akong magawa kahit na gustuhin ko man na ako ang mag bantay dahil mapilit talaga siya. Tinuring niya itong sarili niyang anak.

Dalawang taon na ang anak ko ng mag simula akong mag trabaho. Ayaw ko naman kasing si nikkolo nalang lahat ang gumagastos sa lahat ng bayarin sa loob ng bahay.

"Ma'am, di pa po ba kayo uuwi?" tanong sakin ng secretary ko.

She's also a Filipino. Kaya di ako masyadong nahihirapan makipag usap sa kanya.

Ako ngayon ang acting CEO dito sa kompanya namin dito sa paris habang may inaasikaso pa si kuya sa pilipinas.

"Paalis na din naman ako. Why?" I asked her.

"Ahm... Si Sir nikkolo is in the lobby po with your son. They don't want to go up here, they just seem to be waiting for you in the lobby." Paliwanag nito.

'What's wrong with them?'

Ngayon lang sila di pumunta dito sa opisina ko. Anong pakulo naman ang naiisip nila. Agad kong inayos ang gamit ko para mapuntahan na makababa na. I know  how much my baby hate waiting. Paniguradong pag natagalan pa ako ay lukot na lukot na mukha nun dahil sa pagkainip.

Natatawang napailing ako ng pumasok sa isip ko ang anak ko na ngayon ay nakabusangot.

Kakabukas palang ng elevator ay natanaw ko na agad silang dalawa habang nag kukulitan. My son wearing a school uniform and nikko is still in his suit, maybe kakatapos lang ng meeting niya at sinundo na agad ang aking anak kaya di na naka uwi para makapag palit ng damit.

"Stop it!" saway ko sa kanila ng tuluyan akong makalapit sa pwesto nilang dalawa. Nagugulo na kasi ang gamit na nilang dalawa dahil sa kakulitan.

"Mommy!" tawag sakin ng anak ko. Umupo ako sa tabi n'ya at kinarga ko para maiupo ko sa lap ko.

"How's my Shian Troy?"  I asked as I wiped the sweat from his forehead.

"I got three stars mommy." Pinakita pa nito sakin ang kamay n'yang may tatak ng tatlong star.

Masaya ako na lumalaki s'yang matalino.

Bukuod sa nakuha n'yang stars ay sinabi n'ya rin na nakasagot s'ya ng tinanong s'ya ng kanyang teacher. Marami pa s'yang kwenento na nangyari sa school ngayong araw.

"Bakit dito pa kayo nag hintay sakin?" Baling ko kay Nikko na nakikinig rin sa kwento ni troy.

"Ayaw n'ya raw kasing makikita kang busy sa work." nginuso nito si troy na ngayon ay nag lalaro mag isa. "Kaya dito ka nalang namin hinintay."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. I know kaya ayaw n'ya akong makikita na busy sa trabaho dahil pag  busy ako minsan sa trabaho di ko talaga s'ya natatapunan ng tingin.

"I think we should go home." nikko said. Pinakita nito ang kanyang cellphone na may ilang missed calls at text na rin ng kasambahay namin. "Someone waiting us to go home, paniguradong magtatampo na 'yon sa atin pag natagalan pa tayo."

Agad kong inayos ang gamit ni troy para maka-uwi kami agad. Habang nasa byahe kami ay napagpasyahan namin na mag take out nalang ng dinner sa paborito namin na restaurant.

Nang makarating kami sa bahay ay agad na bumaba si nikko para alalayan ang anak kong makababa. Agad namang nag pakarga ang bata kay nikko. Siguro ay napagod sa kalalaro sa kanyang paaralan.

Ako na ang nag dala ng mga gamit namin para di na mahirapan pa s'yang pumasok.

Di pa kami tuluyang nakakapasok ay agad nang bumukas ang main door at patakbong sumalubong samin ang napaka-cute na batang babae.

"M-mimi..." utal na tawag nito sakin at  tumakbo  papalapit sa akin. Itinaas nito ang dalawang braso n'ya para mag pakarga sakin.

Natatawang ibinaba ko naman ang mga dala ko upang makarga ko s'ya. Agad na sumiksik ito sa leeg ko.

'Oh!... The sweet side of my niesha'



Itutuloy......

He Betrayed MeWhere stories live. Discover now