Kabanata 40

17.6K 488 54
                                    

Kabanata 40

Peace

Magsisimula na ang photoshoot. Magkatapat ang dalawang magkaibang background na gagamitin namin ni Sophie. Venus immediately guides me towards the background I belong.

Nakasunod sa aming dalawa si Sage na mukhang may planong manatili at manood. Sinubukan ko siyang pauwiin kanina ngunit bigo ako. Kaya dahil sa presensya niya ngayon, tahimik ang buong set. His presence is so intimidating that everyone is almost scared to make a sound.

Pumwesto na ako sa gitna at umupo sa isang upuan na hugis parisukat. I crossed my legs while the stylist is busy fixing my hair and makeup. Mabilis lamang iyon dahil agad nang nagbigay ng signal ang photographer na magsisimu na.

The shoot started. I gave the expressions and pose I can give that left the photographer satisfied and happy. He compliments me every picture he takes that also makes me more confident than I already am.

Sa kamera lang ako ng photographer nakatingin pero hindi ko maiwasang mailipat ang atensyon kay Sage na nasa likuran lang ng photographer. He looks strict while crossing his arms and with his forehead knotted. Tila hindi nagugustuhan ang bawat kuha sa akin, kabaliktaran ng mga sinasabi ng photographer. At kanina rin, mukhang hindi niya rin nagustuhan ang suot ko dahil medyo maikli.

He looks more intimidating with his almost arrogant and annoyed look. Mas lalong walang gustong magsalita sa buong set dahil sa itsura niya. The staffs are all acting as if he's the CEO of the brand.

Wala akong masyadong ginagawa sa shoot. Ang priority ko lang ay ang bawat anggulo ng aking mukha at katawan para maipakita at maipresenta ng maayos ang hawak na produkto. Hindi ko na kinakailangan lakihan ang ngiti dahil sa tema ng perfume na pang-inosente at classy lang.

I have soft features, that I got from Mama. Kaya hindi ko na kinakailangan ng eksaheradong ngiti para lang mailabas ang tunay na tema ng pabango. Mukha ko lang ay sapat na.

While in the middle of the shoot, I noticed how people really acts around Sage. They are all silent and intimidated. Nananatiling tipid ang mga galaw at panay ang sulyap kay Sage. Ayaw ko mang isipin iyon habang nasa gitna ng shoot pero hindi ko maiwasang punain.

He must be more intimidating in his office. Kahit ako nga na wala sa opisina niya ay na-iintimidate rin minsan sa presensya niya. Paano na lang kaya ang mga nagtatrabaho sa kanya.

I've never seen him inside his office. Hindi ko nga alam kung nasaan ang opisina niya. But probably near the airports since he owned airlines and private landings of different aircrafts. He must really rich. Hindi na nakakapagtataka kung bakit habulin ng mga babae dahil maliban sa gwapong mukha, mayaman din.

Kagaya ng kapatid niya na nakikita ko na noon pa. Ares Madriaga is also handsome and rich. He owned chains of hospitals under his name. Nakakalat iyon sa buong bansa at pati na rin sa iilang bansa overseas. He's a good doctor and surgeon. Hindi magiging sikat ang pangalan niya kung hindi magaling gumamot.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makakalimutan ang unang beses na kaswal ko siyang na kausap. He has a heavy aura that can really make you intimidated and can almost put you in fear even when he's not doing anything.

Hindi ko alam kung dahil ba hindi siya palaging nagsasalita o sa lamig ng kanyang tingin sa tuwing may tinitignan. Pero siguro pareho. Dagdagan pa ng sleeve tattoo na mayroon siya na abot paikot sa kanyang leeg patungong batok. He's famous not just because of his riches, but also because of his sleeve tattoo that really suits him.

He has a family already with Anais Cuanco, the ex-fiancée of Kuya Dean. Halos kasabay lang rin ni Ate Anais sa panganganak si Ate Serenity, medyo nauna lang siya ng iilang linggo.

DM #3: Sage MadriagaWhere stories live. Discover now