Kabanata 1

20.6K 569 32
                                    

Kabanata 1

Scene

"We can have a vacation if you want, hija." sabi ni Mama nang madatnan akong nagbabasa sa kwarto.

I ate my dinner downstairs already. Kuya's friends decided to have a grill night in the shore, kaya hindi ko sila nakasabay sa pag kain.

Ibinaba ko ang libro at tiningala siya para maibigay sa kanya ang atensyon.

She looks hopeful, but my decision is final. Kuntento na akong dito lang sa mansyon.

"Saan, Ma? States?" I asked silently.

She shook her head when she noticed that I don't like the idea of going to that place.

I really can't bond with my cousins. Ang palaging kasiyahan nila ay club hopping, hindi ko magagawa iyon dahil minor pa. Kaya sa huli kung pupunta man ako roon, wala ring patutunguhan.

"Anywhere! I can book us a ticket right now,"

Umiling na ako sa gitna pa lang ng kanyang sinasabi, wala talagang planong umalis sa mansyon.

She sighed when she saw how determined I am to stay here.

"You can't just stay here alone. I want you to explore or anything..." she smiled at me sadly.

Naupo siya sa tabi ko. Umusog ako ng kaunti para mabigyan siya ng espasyo.

"Ayos lang po ako rito. I have plans, Ma."

Kumunot ang kanyang noo.

"What is your plan? Magmukmok dito? For the whole vacation, Nathalia?" hindi siya makapaniwala.

Nag-iwas ako ng tingin, sandaling natahimik pero muli ring nagsalita.

"But I'm really fine here. I will tell you if I want to travel or what," pampalubag loob ko.

"Ayaw mo rin pumunta pansamantala sa Manila?"

Sandali akong nag-isip pero umiling din.

"You can stay to your brother's place if you want..." she said, trying to convince me again.

Muli akong umiling. 

She left the room with no choice, but to follow what I want. Kahit ano pa yata ang sabihin sa akin ni Mama, walang makaka-kumbinse sa aking umalis dito sa mansyon.

Hinawi ko ang buhok patungo sa likuran at tumayo. Napasulyap ako sa balcony ng kwarto. Umihip ang pang-gabing hangin kasabay ng pagsabog ng puting kurtina. 

Naglakad ako palapit para sana isara ang sliding door nang may matanaw sa ibaba. Tumibok ng husto ang puso ko. Lumabas na ako ng balcony para makumpirma ang iniisip.

Malayo ang kanilang pwesto sa sun lounger kung nasaan ang ibang kasamahan na may mga sariling mundo. Halos katapat lang ng kinauupuan nila ang kwarto ko.

Sage and Sophie were both sitting in the fine sand. Hindi ko na nasundan ang nakikita dahil sa kaba.

Nanlamig na lang ako nang matanaw kung paano gumalaw ang kanyang labi kay Sophie. His eyes were closed and since he's sitting in side view, it's easy for him to see me! Pagbukas ng kanyang mata, ako agad ang una niyang nakita!

Hindi ko alam kung paano naging ganoon. Halos hindi ko maiproseso. 

Nanigas ako sa kinatatayuan at halos hindi makagalaw. Mula rito, nakita ko ang pagbabago ng kanyang ekspresyon dahil sa nadatnang panonood ko. 

Nakapikit pa si Sophie, hinihintay ang muling pagdampi ng labi ni Sage. 

Umatras ako palayo sa balcony hanggang hindi ko na siya tanaw. Abot-abot ang tahip ng puso ko. It took me a lot of strength to close the door together with the curtains. 

DM #3: Sage MadriagaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora