Simula

28.7K 635 28
                                    

Simula

I can still remember how I begged Mama to put me in homeschool. My experience from traditional school is far different from my brothers. My expectations were too high. 

It might sound petty but I got bullied for being silent and shy. I'm not that strong enough to endure that kind of treatment. 

Tahimik akong lumapit kay Stella na abala sa hardin ni Mama. She's one of the housemaids here and she's much older than me. She's probably in her early 20s. 

The school year ended and today is the start of my vacation. Gusto kong matuwa pero hindi ko rin magawa dahil paniguradong wala naman akong gagawin buong bakasyon. 

Mama will surely invite me for a vacation again in the States and I will surely decline just like the last year. Kagaya rito sa hacienda, wala rin akong masyadong kilala roon maliban na lang sa mga kamag-anak na doon na naninirahan. 

I have cousins, but I can't relate to them. They're too old for me, they can only relate to my brothers.

"Kailan 'yan itinanim?"

"Señorita!" napasigaw siya sa gulat. 

The flowers is in full bloom. Nasa planta si Mama ngayong araw kaya siguro siya ang pansamantalang nag-aalaga. 

Napaatras ako, bahagya ring nagulat sa kanyang reaksyon. Bahagya akong nakonsensiya nang makita kung gaano siya kaapektado sa biglaang pagdating ko.

Sapo niya ang kanyang dibdib at kumalma lang nang makita ako. 

"Aatakihin ako sa puso, Señorita!"

"Patawad. Hindi ko alam na magugulatin ka pala," 

Pinanood ko siyang gupitin ang mga patay na dahon. Masyado siyang focus sa paggugupit kaya hindi ko na rin maiwasang sundin siya habang nanonood. Ingat na ingat ang hawak niya sa dahon na para bang iyon mismo ang bulaklak.

"Isang taong sweldo ko yata ang bulaklak na ito," bulong-bulong niya.

Sumunod ako sa kanya nang lumipat siya ng pwesto para sa iba na namang halaman. May binubulong siya sa sarili kaya sumunod ako para naman kahit papaano ay magmukha siyang may kausap. 

"Grabeng plantita talaga ang Doña. Kahit kunin pa yata ang buong pagkatao ko, siguradong magkukulang pa."

Hinawakan ko ang dahon ng ginugupitan niya. Napatingin siya sa akin, may planong pigilan ako pero hindi ginawa.

I don't know if a hundred thousand is worth it with just this plant. Ordinaryong mga dahon lang naman ito na tinutubuan ng maliliit na bulaklak. I would appreciate the beauty of a sunflower more than this. 

"Mahilig ka ba sa halaman, Señorita?"

"Sakto lang," 

Nagpatuloy sa pag-gugupit ng mga patay na dahon at patuloy din ang pagsunod ko. Wala akong gagawin kaya pinili ko na lang manatili para kahit papaano hindi siya mag-isa.

Nasa pinakagilid na kami na parte nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng gate. Mula sa kinatatayuan, natanaw ko ang sunod-sunod na pagpasok ng tatlong sasakyan. 

I immediately recognized the first car, which is the white fortuner that Kuya Dean owned. Kasunod ng kanyang sasakyan ay ang puting land cruiser. Ang huli na pumasok ay ang itim na mazda sedan. 

"Dumating na pala ang magbabakasyon," narinig kong sabi ni Stella at umalis para magtawag ng ibang katulong, tuluyan na akong naiwan doon.

Pinanood ko ang paglabas ni Kuya kasama ang isang maputing babae. Sa pangalawa, lumabas ang dalawang lalaki at dalawang babae. Ang panghuling sasakyan ay lumabas ang isang morenang babae galing passenger's seat pero hindi pa bumababa ang driver. 

DM #3: Sage MadriagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon