Kabanata 14

14.6K 435 14
                                    

Kabanata 14

Lift

Sa sobrang sarap nang pagkakatulog ko, matagal akong nagising. I took a quick shower and wore something that makes me comfortable. I walked out of my room, wearing a sleeveless white dress.

My hair is a little bit wet. Hindi ko na tinapos ang pagblower dahil sa pagmamadali. Malalaki ang hakbang na ginawa ko.

I'm not expecting or what, but I'm kind of getting used to eat with Sage every morning. Lalo na't matagal akong nagigising. Simula nang makarating siya rito, palaging sabay kaming kumakain. 

Kung matagal ako nagigising, sumasabay siya sa akin sa pag kain. Hindi ko alam kung bakit ganoon palagi ang nangyayari, pero baka sumasakto ring late rin siyang nagigising kagaya ko. 

Nahiya ako para sa sarili nang napagtanto kung bakit mabilis ang galaw ko. I'm expecting Sage to eat breakfast with me. 

Nasa kalagitnaan pa ako ng hagdan nang matanaw ko siyang nakaupo sa sala, kaharap ang kanyang laptop. He's wearing a specs with a black frame.

Bahagyang bumagal ang paghakbang ko, halos matigil dahil sa pagkamangha. Ito ang unang beses na nakita ko siyang suot iyon. Hindi man lang sumagi sa isip ko na babagay ang ganoon sa kanya.

Mabilis siyang tumingala nang siguro'y marinig o naramdaman ang pagbaba ko. Mayroon mang suot na salamin, hindi pa rin maitatago ang dilim ng kanyang mga mata. He surveyed me silently and I saw him pursed his lips. 

I met his eyes. Awtomatiko akong yumuko, pasimpleng inilipat ang atensyon sa bawat hakbang sa hagdan para makaiwas.

I have the courage to stare at him if he's not looking at me. Pero kapag nakatingin na siya sa akin, naglalaho ang lakas ng loob na mayroon ako. Tila hindi naman totoo ang lakas na loob na iniisip ko. It will automatically fade once I met his eyes.

Muli ko lang ibinalik ang tingin nang tuluyan na akong nakababa. His eyes remained on me.

Nakaramdam ako ng panghihina. It felt like I just melted, but I won't let him see that. Holding the courage I think I have, I force myself to speak with him.

"H-Have you eaten?"

Bahagyang umawang ang kanyang labi pero hindi rin itinuloy ang gustong sabihin. He licked his lips and shook his head. He closed his laptop without removing his eyes on me.

Nang tumayo siya, tila gatilyo iyon para maglakad na ako patungo sa kusina. Bahagya akong natulala habang naglalakad, medyo napaigtad pa nang makasalubong ang isang kasambahay. 

Nalaman niya agad na kakain ako kaya nagpresinta siya na ang maghahanda. Hindi ko na pinigilan pa.

I sat in one of the chair in the dining. Inabala ko ang sarili sa panonood sa paglalagay ng plato ng kasambahay, kahit sa totoo lang ay okupado dahil sa presensya ni Sage. Sa gilid ng aking mata, kita ko ang pag-upo niya sa tapat ko.

Hindi ko siya sinulyapan at pilit pinapanatili ang mata sa galaw ng kasambahay. She glanced at me and I saw how nervous she was because of my stares.

Nag-iwas na ako ng tingin at hindi na siya sinulyapan pa hanggang sa tuluyang makaalis.

Pasimple kong tinignan si Sage at nadatnang matiim na nakatitig sa akin.

I don't know what to say. Wala naman akong gustong sabihin kahit gustuhin ko mang magsalita. Kung may isa lamang sa amin ang palaging may gustong sabihin, siguro hindi kami ganito katahimik ngayon.

Tinitigan ko ang plato at mabagal naiproseso nang lagyan niya iyon ng kanin.

I looked at him and was about to say thank you when he speak first.

DM #3: Sage MadriagaWhere stories live. Discover now