Kabanata 39

16.7K 546 55
                                    

Kabanata 39

Suitor

Sage left after the conversation. I wasn't able to eat my dinner because I'm too occupied with the talks that we had. Hindi rin ako nagugutom. I only showered and tucked myself in on the bed. Matagal akong nakatulog sa iniisip o baka dahil na rin sa kakagising ko lang.

Nagising ako kinabukasan na iyon pa rin ang iniisip. It's hard for me to process that he didn't really mean the rejection he did to me. He only did it because he had to. Lalong mas mahirap maiproseso sa akin ang katotohanang noon niya pa ako gusto at nauna pang magkaroon ng nararamdaman kaysa sa akin!

When he confessed, he looks so serious. Kaya hindi ko rin kayang mag-isip na baka nagsisinungaling lamang siya para masaktan ako muli.

Like why would he even want to hurt me again when he already did it before? For sure he knows that I will never accept him again if he really mean the rejection he just did. Ang kapal naman siguro ng mukha niya kung ganoon nga. At lalong hindi naman ako ganoon ka-tanga na dati na ngang pinaglaruan, muli pa ring aasa sa parehong tao.

That's why he confessed everything so that he can ask for his chance. Everything he said makes sense. Totoo nga namang mas bata pa ako sa kanya at lalo na't minor pa.

He's already an adult that time. Habang ako ay 17 pa lang. Hindi nga naman talaga maganda na may relasyon kaming dalawa na ganoon ang edad ko.

It's not a sin, but rather it's part of the law. Kung may magsumbong, maaari siya makasuhan dahil may pinatulang bata. I can't almost think of it because of his reputation. Hindi nababagay sa kanya na gumawa ng ganoon. Lalo na't ako pa ang magiging dahilan.

I'm 17 when I confessed and now, I'm already 22. Limang taon na ang lumilipas pero gusto niya pa rin ako.

Hindi ko maiwasan ang makuryoso. He's been with women for the past years, he never confirms any relationship to someone, but he's always seen together with it. I'm not interested with those kinds of news, but he's too famous for me not to hear his name on my circle of friends.

Ang mga sabi-sabi na naririnig ko dati ay mga nakatrabaho lang daw at hino-hook lang dahil kailanman ay walang kinumpirmang karelasyon. Kaya inaasahan na lang ng iba na kung sinumang babae ang makitang kasama siya, iyon na ang girlfriend niya. Ganoon ang iniisip ng mga nakapaligid sa akin kapag may bagong inilabas na rumored girlfriend.

Ayaw nilang maniwala, siguro dahil isa sa mga dahilang iyon o baka gusto at tipo rin si Sage. Ayaw lang matanggap na may girlfriend dahil matagal ng pinagpapantasyahan. 

They have always been vulgar with their words when they like someone. For years, I was surrounded by those kinds of people. Na tipong kapag may gustong tao, agad kinakalat at pinangangalandakan bilang bakod. Pero sa dami ng may gusto kay Sage, hindi yata sapat ang ganoong gawain para mabakuran.

Kaya ngayon, hindi ko maiwasang maging kuryuso kung totoo nga bang nakarelasyon niya lahat ng mga babaeng iyon o baka hanggang rumor lang.

Kung gusto niya ako noon hanggang ngayon, limang taon niya na akong gusto kung ganoon. Hindi pa kasali iyon sa mga taon na hindi pa ako umaamin sa kanya. He said he likes me when he first saw me. 

Pero kung totoong may nakarelasyon siya sa gitna ng limang taon, baka malabong limang taon o higit niya na akong gusto. Like why would he even put himself into a relationship if he still like someone else?

Nang pumasok ako sa relasyon, sinigurado ko munang wala na akong nararamdaman sa kanya para hindi ko masaktan si Nate. I will never use someone for my own benefit, like to move on.

Pero baka may ibang posibleng dahilan kung bakit pumasok si Sage sa isang relasyon sa pagitan ng ilang taong iyon? Like what if he only wants to do the nasty things? I mean, he's an adult. It's only natural for him to fulfill his needs as a man.

DM #3: Sage Madriagaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن