Kabanata 5

15.9K 507 40
                                    

Kabanata 5

Cookies

Titig na titig ako sa dagat na nasa harapan. Ilang minuto na ang nakalipas nang makaalis si Sage patungo sa lungsod.

I've already apologized! It should be enough, right?

Kahit hindi sigurado kung napatawad ba talaga ako, mas pinili ko na lang isipin na nakahingi ako ng paumanhin sa mga nangyari. Lahat ng mga nagawa ko ay hindi ko talaga sinasadya. 

He left with the items I told him to buy. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko pa ang gusto kong ipabili kahit na may kasalanan. 

Mukha siyang galit kanina kaya napilitan na akong sabihin para tuluyan na siyang makaalis. Kung mananatili pa siya sa tabi ko, baka tuluyan na iyong sumabog.

Tumayo ako at maingat na niligpit ang sariling pinagkainan. Naglakad ako papasok ng mansyon at agad sinalubong ng isang katulong para kunin ang dala ko. 

Wala akong ganang gumawa ng bracelets ngayong araw. Maybe I should just spend my time baking cookies.

Nilibot ko ang buong mansyon para mahanap ang mayordona. Ngayon ko lang naalala na wala akong alam sa bagay na iyon. I'd want to have her by my side to teach me how to make it if she's not so busy. 

Nahanap ko siya malapit sa swimming pool na pinapanood ang paglilinis ng isang katulong. Mabilis niyang naramdaman ang presensya ko kaya agad nilingon.

She smiled at me. 

"Señorita," 

I smiled as I walked towards her. 

She's been living here in the hacienda for years. Kahit noon na hindi pa kami rito nakatira. She witnessed everything that happened here for decades. She's old, but she's still serving our family. She doesn't want to stop. Kaya ang mga mabigat na mga gawain dito sa mansyon ay hindi sa kanya ibinibigay. 

"Abala ka po ba?" 

Sinulyapan niya ang katulong na naglilinis at umiling.

"Hindi naman, hija. Bakit?"

Ang harapan ng infinity pool ay ang dagat na. Mula dito, matatanaw na ang asul na karagatan at ang baybayin. I wonder if she saw us earlier. Kung kanina pa siya rito, siguradong nakita niya kami ni Sage na nag-uusap sa sun lounger.

It's not a big deal, but I can't seem to get my mind out of it. It feels wrong to be seen with him. Hindi ko alam kung bakit. 

She agreed to teach me bake cookies. Sabay kaming nagtungo papunta sa kusina para ihanda ang mga ingredients. 

My parents are not around and probably, they're in the plant. Wala rin ang kapatid ko kaya maaaring nandoon din. 

Magkaiba kami ng lalagyan ng mixture. Sinunod ko ang bawat sangkap na nilalagay niya at kahit ang kanyang paghalo. I followed every detail she did for the mixture. 

Masyado akong naging focus sa ginagawa na hindi ko na napansin ang makalat na pwesto. I compared my space to Manang and saw how clean her space is. She must be an expert in baking. 

Hindi ako sigurado kung tama ba talaga ang measurement na nailagay ko, nawalan ako ng tiwala sa sarili kahit na sinunod ko naman lahat na ginawa niya. Mukhang madali lang kaya hindi ko inasahang mahihirapan ako ng ganito. 

I watched Manang scooped the dough and put it to the cookie sheets. Tahimik kong kinabisado ang mga ginawa niya para sundin pagkatapos.

Pinapanood ko siya nang may mapagtanto. She's standing for a while now, I should let her rest.

DM #3: Sage MadriagaWhere stories live. Discover now