Kabanata 15

14.9K 525 54
                                    

Kabanata 15

Courage

Matapos ang pagkaway kay Manang, nawalan ako ng gagawin. I want to thank him but I was to shy to say it. Mabuti na lang ay nilagpasan niya ako para makapunta sa cockpit. 

It looks like he will start to maneuver the yacht. At dahil kuryoso, sumunod ako. I don't have plans in learning how to do it, I just want to watch him how to maneuver this thing. 

Pinanood ko ang pagpindot niya ng ilang mga bagay mula sa distansya. His moves were fast, I can already see how skilled he is. Naramdaman ko na ang paggalaw ng yate. 

He started to steer the wheel. I can't help but notice how his arms flexed every time he moves.

Nag-iwas ako ng tingin.

The way he lifted me earlier was too smooth. Hindi man lang siya nahirapan at mukhang kaunting lakas lang ang ginamit para maiangat ako. Siguro ganoon na lang ako kagaan. But I'm more than certain I am not thin. Nasa katamtaman lang ang katawan ko.

I looked at him again when I remembered his wet pants. Nananatiling basa iyon pero hindi na masyadong tumutulo. Malakas ang hangin ngayon at baka posibleng lamigin siya. 

Hindi ako sigurado kung magpapalit ba siya o hindi, dahil posibleng kagaya ko, wala rin siyang dalang pamalit.

"Your pants are wet. Did you perhaps bring some extra clothes?" wala sa sariling tanong ko.

I only realized my question when he looked at me. Ang intensidad ng kanyang mata ay hindi ko halos kayanin.

"Matutuyo rin ito," seryosong sabi niya.

I pursed my lips and nodded. Kung hindi niya ako tinulungan kanina, siguradong kaming dalawa ang basa ngayon. 

A strong and salty wind blew. Ang nakalugay kong buhok ay sumabog, sinubukan ko iyong sikupin. 

I saw how his eyes darkened and looked away. 

Inabala ko ang sarili sa pagsikop ng buhok pero sa huli ay sumuko rin dahil sa hangin. Hinayaan ko na lang ang bawat paglipad ng hibla ng aking buhok.

Nilingon ko ang pinagmulan kanina at natanaw na medyo may kalayuan na kami sa mansyon. Habang papalayo, paliit na rin ng paliit ang natatanaw ko.

"Lalayo ba tayo?" I asked without looking at him. 

"If you want, we can stop here." 

Not a selfish thought, but right now, I want to go away. Habang tinatanaw ang mansyon, ang lugar na nakasanayan, naisip ko kung anong magiging pakiramdam na tumakas sa lugar na nagsilbing pahingahan ko. 

Sa nakalipas na taon, ang mansyon ang nagsilbing taguan ko. Hindi ako nagtatago pero ganoon ang nagiging pakiramdam ko ngayon.

I don't want to put any meaning in every thought I have right now. Pero ngayon na tinatanaw ang mansyon, mula sa ganito kalayong distansya, hindi ko mapigilan ang sarili. 

I was supposed to study in Manila, but because of the bullying I experienced, I begged Mama to put me in homeschool. I was traumatized and that's when my family decided to move into hacienda. 

Ang negosyo namin ay nasa Manila at habang iniisip pa ang bahaging iyon, may namumuo ng ideya sa akin. It was not a big deal for me before, but now, realizations started to sinked in.

My parents planned to settle in Manila, the evidence of it is the huge house Papa built for us. Hindi rin maaaring iwan ang negosyo sa Manila at basta na lang lumipat sa hacienda dahil sa isang simpleng rason lang. Mas napatunayan na hindi kami maaaring nandito dahil sa Manila naman madalas naglalagi si Papa, kasama ang mga kapatid ko ngayon. It is a clear evidence that we shouldn't be here. 

DM #3: Sage MadriagaOn viuen les histories. Descobreix ara