SDTR: Kabanata 40

172K 3.9K 374
                                    


SDTR: Kabanata 40

"Let's make a night to remember, baby." Bulong ng isang lalaki na nagpabilis ng pintig ng puso ko.

Malalim ang titig sa akin ng mga mata na iyon, pamilyar na para bang kung saan ko na nakita at naramdaman.

Pilit kong ginising ang diwa ko nang dahan dahan kong makita ang luhang pumatak sa mga mata niya at halos habulin ko ang paghinga ko dahil sa magulong panaginip na iyon!

Naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko at tumingin ako sa tabi ko, wala si Ethan doon kaya naman tumayo ako upang hanapin siya.

Nakakahiya ka, Claire, nakuha mong matulog sa bahay ng hindi mo ganoong kakilala. Lumabas ako ng kwarto niya at kaagad akong napatingin sa wall clock ng sala, dream catcher ang kamay ng orasan na nagsasabing alas nuebe na ng gabi. Ganoong katagal ang tulog ko? Himbing na himbing ang tulog ko at ni hindi ko manlang namalayan na umalis na siya sa tabi ko kanina.

Narinig ko ang maingat na kalampag na pagluluto sa kusina at narinig kong kumalam ang sikmura ko dahil sa bango ng amoy ulam na iyon.

Naglakad ako patungo sa kusina niya at nakita ko siyang nakatalikod habang abalang nagluluto ng kung ano man, naka-pajama siya at white t-shirt na kahit napaka simple lang ay kita ko ang bakat ng muscles niya sa likod sa tuwing gumagalaw siya sa pagluluto, napailing nalang ako sa likot ng mata ko bago ko tuluyang inalis ang tingin sa kanya. Sinikap kong hindi makagawa ng ingay habang pinagmamasdan ko ang buong kusina niya na sobrang pamilyar sa akin.

"Nahihibang ka na, Claire." Bulong ko sa sarili ko. Napapitlag ako nang marinig kong magsalita siya.

"Hey, sleeping beauty." Namamaos na bati niya na nagpapula sa pisngi ko, ngiting ngiti siya sa akin na para bang nasisiyahan siyang makita ako.

Lumapit siya sa akin at tumungo siya sa likod ko saka hinawakan ako sa magkabilang balikat at inalalayang maglakad patungo sa hapag, hinila niya ang isang upuan at maingat niya akong iniupo doon.
"Malapit nang matapos ang niluluto ko." Aniya at saka pinakawalan niya ang balikat ko sa mainit na haplos niya bago siya tuluyang bumalik sa pagluluto.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa maging abala na siya sa paghahain sa harap ko. Lalaking lalaki ang kilos niya at napapalunok ako sa tuwing makikita ko kung paano gumalaw ang biceps niya kapag may kinukuha lang siyang bagay sa ref.

Kumpleto na ang pinggan, kutsara at tinidor, maging ang wine glass at isang bote ng red wine na nakalagay sa ice bucket ay nakahanda na sa lamesa.

Sunod niyang inilapag ang niluto niyang beef with mushroom na nagpalunok sa akin dahil sa sobrang bango at kahit tignan ko palang ay masasabi kong mukhang masarap. Inilapag niya din doon ang isang plato ng umuusok na kanin at ang black forest na cake na may ilang cherries at kandila sa ibabaw na nagpakunot sa noo ko.

Umupo na siya sa kaharap kong upuan saka sinindihan ang kandila gamit ang lighter na hawak niya. Magtatanong na sana ako pero natigilan ako nang mahuli niya ang mata ko, nagwala ang puso ko dahil sa magandang pagkinang ng mata niya ngayong nakikipag usap ito sa mga mata kong punong puno ng pagtataka.

Isang napaka gandang ngiti ang natanggap ko sa kanya bago niya tuluyang sinabing...

"Happy birthday, baby." Aniya na nagpaangat sa labi ko, bumilis ang paghinga ko at hindi biro ang pagtakbo ng puso sa kawalan!

"Pa..paano--"

"Maraming paraan basta't para sayo." Putol niya sa sasabihin ko.

Nakipagtitigan ako sa kanya, alam kong hindi biro ang lahat ng nararamdaman ko pagdating kay Ethan, alam kong iba ang ibig sabihin ng ipinagwawala ng puso ko. Yung haplos niyang napaka-pamilyar, yung ngiti niyang alam kong nag-aalis ng pagod ko. Sino ba siya? Kasama rin ba siya sa alaalang nawala sa akin?

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon