Chapter Forty

7 1 0
                                    

warning: strong language

---

I thought we failed again. Thank goodness, we're able to change the future.

They almost die but Kuya Ziph and his comrades captured the culprits. May nakatakas nga lang na isa pero namukhaan ko kaya madali na s'yang mahuhuli. Kasalukuyan kong kausap sina Kuya Ziph nang may humatak sa akin.

"Bakit ba bigla ka na lang nanghahatak?"

"Baliw ka ba?"

"Ano?"

"Muntik ka nang mapahamak kanina tapos parang wala lang sa'yo." Inis na inis sa akin si hambog. Napairap na lang ako nang maalala na sesermonan pa nga pala ako ng hambog na 'to. Hay.

Puno ng ingay at kasayahan sa gitna ng dance floor nang mawala sa paningin ko si Rhea.

"Pau, nakita mo ba si Rhea?"

"Ha? Nandito---nasa'n na 'yon?"

Alam ni Pau ang mangyayari ngayon kaya isa rin s'ya sa magbabantay kay Rhea pero sa kasamaang palad... Nawala na s'ya!

Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Oh, bakit mukhang problemado kayo?" Bumalik si Rad sa table namin at may dalang pagkain.

"Nawawala si Rhea." Hindi mapakaling sambit ni Pau samantalang ako ay tinatawagan ang numero nito pero walang sumasagot.

Napatingin ako sa aking relo at 9:30 na ng gabi. Tumunog ang aking cellphone.

"Hello, kuya."

["Walang kakaiba rito. Mali ata ang lokasyon, Yonah."]

"Po? Sigurado akong d'yan 'yon."

["Tatawagan ulit kita mamaya."]

"Pau, kailangan nating hanapin si Rhea. Tara."

"Teka, bakit kailangang hanapin si Rhea? Nandyan lang 'yon---"

"Shut up." Sabay naming pagtataray kay Rad bago umalis.

"Chill."

Mabilis kaming nakalabas dito sa hall kung saan idinadaos ang prom. Nakasalubong pa namin si hambog pero hindi ko na s'ya pinansin.

Napatingin ulit ako sa aking relo, 9:38 PM. Ito na naman ang kaba ko.

May kalawakan ang aming campus kaya inisa-isa pa namin ang building. Kahit madilim minsan sa ilang hall at medyo nakakatakot ay hindi na namin pinansin pa.

May narinig kaming ingay sa isang room. Akala namin ay sina Rhea na pero dalawang may ginagawang kababalaghan lang pala. Mabilis nagbihis ang dalawa at tumakbo.

"Kadiri! Hanggang dito ba naman sa school?" Reklamo ni Pau pero hindi na 'yon bago sa akin dahil katanghaliang tapat sa dati naming school ay may ganoong nagaganap.

Anyways, hindi pa rin namin nahahanap si Rhea! Nasaan na ba ang babaitang 'yon?

Nakarinig kami ng mga yabag nang paliko na kami ni Pau kaya tumigil kami at sumandal sa pader saka pinakiramdaman ang papalapit na yabag.

Biglang tumunog ang phone ko kaya dali-dali naming pinatay ni Pau ang---

"Yonah!"

Kung hindi agad ako nakakilos ay paniguradong patay na ako ngayon. Pumutok ang baril sa kisame. Ginamitan ko ng self-defense na itinuro sa akin ni Diejer ang lalaking muntik na kaming mapatay.

Sinipa ni Pau sa malayo ang baril habang ako ay nakikipagbugbugan sa lalaki. Iniinda ko pa ang sakit ng tyan mula sa suntok nito at akala ko'y tatama na ang palad nito sa aking ulo pero dumating sina hambog at Rad. Binugbog nila ang lalaki hanggang sa mawalan ito ng malay.

I Know YouWhere stories live. Discover now