Chapter Five

17 3 0
                                    

Nakakabagot.

I've been in this hospital room for three consecutive days. Bumalik na naman kasi ang pneumonia ko at medyo malala pa.

Natuyuan ako ng pawis noong intrams tapos nasobrahan sa pagod. Nakatanggap tuloy ng matinding sermon galing kay mama dahil sa pagpapabaya ko. Alalang-alala ang mga ito maliban sa kapatid kong puro mobile games lang ang inaatupag. Unggoy na 'yon talaga!

["Baliw ka! Buti na lang tumawag ako. Hindi ko pa sana malalaman na nasa ospital ka na pala."] - Niege

["Ano ba kasi talaga ang nangyari?"] - Xiehan

["Gusto mo ba, puntahan ka namin?"] - Vinno

Pinaliwanag ko ang mga nangyari na detalyado pa dahil ang dami nilang tanong.

"Ang OA nyo. Parang hindi naman na kayo nasanay sa 'kin. Pasyalan ko na lang ang ospital 'no." Pabiro ang tono ko pero hindi bumenta sa kanila. Masyadong mga seryoso.

["Baliw. Hindi nakakatuwa."] - Xiehan

["For Pete's sake, Yonah. Take care of yourself. Masyado mo kaming pinag-aalala."] - Vinno

["Nag-aalala kami pero si Vinno talaga ang pinaka nag-aalala."] - Niege

Hindi na ata mawawala ang ganitong eksena sa tuwing nag-vi-video call o nag-cha-chat sila sa gc ng 'Mongoloid Squad'.

Luka-luka rin kasi si Niege. Pinipilit na nga mag-move on nung tao tapos hihirit na naman ng gano'n.

Binisita ako nina Haidey at Sally ng sumapit ang Tuesday. Nakakapagtaka lang kung bakit kasama nila sina hambog at Enzo. Close kami? Close?

"Gusto lang nila. Hayaan mo na." Paliwanag ni Haidey sa akin dahil ayoko talaga makita ang pagmumukha ng hambog na 'to pero ano pa nga bang magagawa ko? Alangan namang paalisin ko, ako na nga itong binibisita.

"Kailan ang labas mo?"

"Sa Thursday ata pero baka next week na 'ko pumasok."

"Marami ka na namang mami-miss na lessons pero don't worry, kumpleto naman palagi sa notes si Haidey." Si Sally tamad mag-notes tapos ako kapag sinipag lang saka nagsusulat.

Hindi naman na sila nagtagal pa at baka gabihin ang mga ito sa daan. May kalayuan pa man din ang ospital sa mga bahay nila.

"Magpagaling ka na nga! Ako ang nahihirapan dahil sa'yo." Reklamong-reklamo na itong unggoy dahil sya ang inuutusan nina mama na magpasa ng assignments ko.

"Ay thank you ha? 'Wag kang mag-alala magpapagiling na talaga ako. Nakakahiya naman sa'yo." Medyo may pagka-sarkastiko pa ako dahil walang oras na nagrereklamo ito. Busy lagi sina mama sa trabaho kaya laging si unggoy ang nauutusan bumili ng ganito, ganyan.

Maulap ang kalangitan kaya hindi ganoon kainit ang paligid. Medyo humahangin pa kaya hindi ako pinapawisan.

Nandito ako sa ilalim ng puno at naka-upo sa wooden bench ng garden nitong ospital. Apat na araw akong nasa loob lang ng kwarto at isa na iyon sa pinaka-boring na araw ng buhay ko. Tumingala ako at tiningnan ang mga ulap.

"Kailan kaya ako gagaling? Kailan kaya mawawala ang sakit na 'to?"

I want to live like a normal human being. 'Yung walang inaalalang sakit pero wala eh. It is meant for me.

"Elle! For Pete's sake! Don't be stubborn!" Hindi ko naiwasang tumingin sa dalawang kasing edad ko lang ata na nagtatalo. Mukhang pasyente rin ang babae katulad ko.

"I'm tired of this bullshit medication! I'm tired of it! I endured it for years, Jon." She cried.

Akala ko ako lang ang nahihirapan pero may mga tao nga rin pala sa paligid na hindi natin alam, mas malala pa ang kalagayan kaysa sa atin.

I Know YouWhere stories live. Discover now